Unwanted 28

1.2K 28 1
                                    

NATAPOS ANG pamamaalam ko ng malungkot at the same time masaya. Malungkot kasi yung mga taong nakasanayan ko ay kailangan ko munang iwanan. At masaya dahil alam ko na ginagawa ko 'to para sa sarili ko.

Ngayon, naglalakad na ako paalis. Aalis na talaga ako ng Academy. Dahil ngayon, lalakad na ako sa landas na ako mismo ang pumili para sa sarili ko. Siguro hindi ako nagtagal dito sa Academy pero sapat na lahat ng ala-ala para pasayahin ako.

"RAIN! BABY!" napahinto ako sa paglalakad.

Tumalikod ako at gano'n nalang ang gulat ko ng makita sila Richard. Tumatakbo sila papunta sa akin, kasama ang mga kaklase namin.

"DIVI!" tawag din sa akin ni Gerald kaya natawa ako. Naka-angkas kasi siya kay Jett na tumatakbo.

Nangunguna silang apat sa pagtakbo palapit sa akin. Habang palapit ng palapit ang takbo nilang apat ay naging lakad nalang. Hanggang sa makalapit sila, hanggang sa nasa harapan ko na sila.

Naunang yumakap sa akin si Richard.

"I thought you're mad, baby." garalgal ang boses na sabi niya. "I'm scared you know? When it comes to you, I'm always scared." naramdaman ko nalang ang panginginig ng balikat niya.

"Richard.." mahinang sabi ko. "I will never get mad. Nasaktan ako pero hindi ako galit." sabi ko, bahagyang naluluha habang niyayakap siya pabalik.

"Baby, I'm scared." parang batang sabi niya. Na nagpatulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Baby, don't leave. Just don't."

Pinilit kong bumitaw sa yakap niya, agad kong hinawakan ang mukha niya. Tinitigan na para bang anytime mawawala siya sa paningin ko. Minememorize ang bawat parte nito.

"I love you, Richard." tumutulo ang mga luhang sabi ko. "Pero hindi ko tatanggapin ang pagmamahal mo dahil hindi pa naman ako buo." umiiling na sabi ko.

"B-baby, d-don't leave." para siyang bata na namumula ang ilong, nakikiusap na 'wag iwanan.

Umiling ako sakaniya. "Hindi pwede, eh. Kailangan ko 'to."

"Will you be happy?"

"Maybe? But it will help me to be completely happy."

Huminga siya ng malalim, hinawakan ang mga kamay kong nakahawak sa mukha niya. Kitang-kita ko kung paano mamuo ang mga luha niya na pilit niyang pinipigilan.

"Then.." huminga ulit siya ng malalim. "T-then I'll b-be happy for you." sabi niya kasabay ng pagtulo ng mga luha niya.

"I love you." umiiyak din na sabi ko.

Umiling siya at pinunasan ang mga luha ko. "Don't cry, baby. Don't. Nasasaktan ako lalo." pilit siyang ngumiti sa akin.

"Richard..."

Hinalikan niya ako sa ilong. "Don't speak." sabi niya bago ulit ako halikan sa noo. "If letting you go means you'll be happy, gagawin ko." sabi niya bago punasan ang mga panibagong luha na tumulo ulit sa mga mata ko.

"At kapag bumalik kana, sisiguraduhin ko na magiging akin kana talaga. Kasi ang daya." tumulo nanaman ang mga luha sa mga mata niya. Pulang-pula na siya habang nakatingin sa akin. "Ang daya kasi hindi pa nagiging tayo pero aalis kana nga. Wala pang tayo pero kailangan na kitang pakawalan."

Napayuko ako. I'm sorry, Richard. Gustong-gusto kong magsalita pero hindi ko na ata kaya.

"Pero mahal kita, Rain. Mahal kita at mas importante ka kaysa sa sakit na pwede kong maramdaman." sabi nito bago ako bitawan. "I'll wait for you. Baby, I will." sabi niya bago ngumiti sa akin at bahagyang umatras.

Nakita ko sila Jett na umiiyak din habang nakatingin sakin, nag-iwas pa sila ng tingin ng mapansin ko na umiiyak sila. Sa likod nila ay ang mga kaklase namin.

Ako na ang lumapit sakanilang tatlo at niyakap sila.

"D-divi." rinig kong sabi ni Jett habang nakayakap ako sakanilang tatlo. "Divi, b-bumalik ka ha?" umiiyak na sabi niya.

"Balikan mo kami." rinig kong sabi din ni Gerald kaya lalo akong napaiyak.

"Maghihintay kami sayo, Divi." sabi ni Quenzo.

Nang bitawan nila ako nakita ko kung paano mapayakap si Jett kay Gerald at umiyak sa balikat nito.

Habang tinitignan ko si Jett, mas naiintindihan ko na siya ang pinakabata sakanilang apat.

Tinatapik lang ni Gerald ang likod niya kahit na pati siya mismo ay umiiyak din. Si Quenzo naman ay pinupunasan ang mata gamit ang puting panyo at kinindatan pa ako.

Niyakap ko din ang mga kaklase ko. Lalo na si Dane at Chiara.

"Balikan mo si Richard ha? Mahal ko 'yon." sabi ni Dane habang nakangiti sa akin. "Balikan mo siya kasi paniguradong hihintayin ka niya." dagdag pa niya.

"Sorry Da--"

Naputol ang sasabihin ko ng yakapin niya ako ulit. "Shh. Mahal ko siya pero mahal din kita. Sorry Divi, sorry." umiiyak na sabi niya.

"Wala ka namang ginawa, Dane."

Naramdaman ko ang pag-iling niya. "Ako yung nag-play ng video, Divi. A-ako." umiiyak na sabi niya. "S-sorry, p-patawarin mo ako."

Nagulat ako sa sinabi niya pero tinapik ko lang ang likod niya. "Hindi ako galit."

Yumakap din sa amin si Chiara na umiiyak din talaga. "Mamimimiss kita, Divi!" malakas na sabi niya na ngumawa pa kaya natawa ako.

Kahit kailan talaga si Chiara. Nang bumitaw na sila ay nginitian ko sila.

"Hanggang sa muli, Class-A." sabi ko bago kumaway.

"Divi..." sabi ni Gerald at umakbay sa akin. "VOLTES V WALANG IWANAN!" nagulat ako ng bigla siyang sumigaw.

Pero mas nagulat ako ng umakbay sakaniya si Quenzo. "WALANG SUSUKO!" sigaw din nito.

Sunod na umakbay sakaniya si Jett bago sumigaw. "SOLID PA SA BATO!"

Sunod si Richard, naka-paikot kami habang magkaka-akbay kami. "HINDI MASISIRA!" sigaw ni Richard.

"AT HINDI MATITIBAG!" sigaw ko din umakbay kay Richard at Gerald.

"VOLTES V LANG MALAKAS!" sabay-sabay na sigaw namin.

Hanggang sa magkita tayo ulit Gerald, Jett, Quenzo at Richard.

Sisiguraduhin ko na kapag nagkita-kita tayo, hindi na ako mahina. Kayang-kaya ko ng ipakita ang mga mata ko sa mundo. At kapag dumating ang araw na 'yon, kayo ang una kong babalikan.

Sa ngayon, kailangan ko na munang tanggapin ang sarili ko gaya ng sinabi ni Nicky. At habang malayo, asahan niyo na kasayahan niyo padin ang paulit-ulit kong ipagdadasal.

'Til we meet again, Voltes V.

The Unwanted ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon