Unwanted 21

863 22 2
                                    

Today is the day. Hindi day na sasagutin ko na si Richard, syempre dalagang Jermain ata 'to. Marupok pero hindi agad sasagot.

Busy kaming lahat ngayon para sa gaganaping foundation week, ramdam na ramdam ang excitement sa bawat estudyante. Napapangiti na ngalang ako tuwing mapapatingin sa iba't-ibang classroom na madadaanan ko, lahat nakangiti at halata sa mga mukha nila ang pagka-excite. Atleast hindi ako nag-iisa.

"Divi! Paabot naman no'ng card, oh." nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Chiara. Jusko!

"Alin do'n?"

"Yung card para sa cafe." tatango palang sana ako kaso may tumawag naman sakaniya. "Paki-abot nalang sa akin ha? Thanks!"

Wala akong nagawa at pumunta sa side nila Zane. Si Zane ang leader sa paggawa ng mga design, ngayon ko lang nalaman na ang talented pala talaga ni Zane. Siya ang naka-toka sa paghahati ng mga trabaho sa mga members niya na artist kagaya niya.

Nang makalapit sa pwesto nila ay agad kong naamoy ang amoy ng pintura, may mga puntura na din ang kamay ni Zane ng datnan ko siya, pati nga buhok niya may kulay pula na.

"Oh, may kailangan ka?" tanong niya ng makita ako.

Tumango ako sakaniya. "Card daw para sa cafe sabi ni Chiara." sabi ko bago tignan ang mga ginagawa nila. "Alin ba dito 'yon?"

"Nako, ang dami non. Ikaw lang ba mag-isa inutusan?" sabi niya habang naghuhugas ng kamay.

"Oo, eh. Busy nadin kasi lahat. Alam mo na, masyado ding matrabaho yung napili nating gawin, eh."

"Tara, andito 'yon. Tulungan nalang kita magdala."

Nakasunod lang ako sakaniya hanggang sa marating namin ang hindi kalayuang pader kung saan nandoon ang mga tapos na nilang trabaho, siguro pinatuyo 'to dito kaya nilayo.

Hindi ko maiwasang mamangha habang tinitignan ang mga natapos na nila. Ngayon ko masasabi na hindi lang pala talaga basta mautak ang mga kaklase ko, talented din.

"Grabe, ang ganda naman!" manghang sabi ko. "Sure ba kayo na kayo talaga gumawa nito? Feeling ko pro na yung gumawa, eh." natatawang sabi ko pa.

"Ay, hindi ko alam kung ma-ooffend ba ako o matutuwa, eh." natatawang sabi niya. "Pinaghirapan namin 'yan."

"Halata nga."

"Tara, kunin na natin yung mga pinapakuha sayo. Delikado din magtagal dito, baka may madumihan tayo dito. Lahat pa naman ng nandito matagal bago matapos."

Gaya ng sabi ni Zane, malalaki at madami nga ang card na gagamitin para sa cafe. Excited nga ako na makita ang mga 'to na nakalagay na sa cafe! Paniguradong gaganda at magkakaroon ng buhay ang paligid dahil sa mga cards na 'to.

Dalawang malalaking card ang dala ko sa dalawang kamay habang ang apat naman ay dala ni Zane. Gusto ko nga sana na tig-tatlo kami para fair kaso ayaw naman niya, kaya naman daw niya at masyado daw mabigat 'yon para sakin.

Nang makarating sa cafe booth na ginagawa ng mga kaklase ko ay mas namangha ako, grabe! Pakiramdam ko talaga kami ang mananalo, ang ganda-ganda ng gawa namin!

"Divi!" nakita ko si Chiara na nakapatong sa upuan at kumakaway sa akin.

"Hi Divi!" sabi ni Jett ng mapunta sakaniya ang tingin ko. "'Wag ka ngang malikot!" inis na sabi naman niya kay Chiara.

Natawa naman ako sakanila. Hindi ko nga alam kung paanong napapayag ni Chiara si Jett para hawakan ang upuan para sakaniya. Ang alam ko kasi magka-away sila, eh.

"Hawakan mo kasi ng maayos! Kahit sumayaw ako dito kung hinahawakan mo ng maayos hindi ako malalaglag!"

"Oh, bakit ka sumisigaw? Malayo ba ako ha? Malayo?" inis na sabi ni Jett.

The Unwanted ChildWhere stories live. Discover now