Unwanted 02

1.9K 46 2
                                    

Hindi pa naman nagsisimula ang klase namin. Ang alam ko, dalawang araw pa bago magsimula ang klase kaya naman pa-chill chill lang ang ibang estudyante. Napag-alaman ko din na meron pang ibang mga estudyante na wala pa sa Academy.

Si Richard naman, naging kaibigan ko na siya. Hindi butler ang tingin ko sakaniya kung hindi isang mabuting kaibigan.

As the days goes by, napag-alaman ko din ang mga reaksiyon niya. Hindi siya mahilig magsalita, 'yon ang sabi niya. Kayanga ang weird daw sa feeling kapag kailangan niyang magsalita ng mahaba, hindi ko nanaman tuloy mapigilang matawa dahil sakaniya.

Ayaw naman din daw niya na maramdaman ko na ayaw niya akong kausap. Kaya naman kahit na tango at simpleng 'hmm' lang ang sagot niya ay naiintindihan ko na. Atleast he's trying.

At ngayon, nandito kami sa Mall ng Academy. Dahil hindi nakakalabas ang mga estudyante dito, nagpatayo ang mismong Academy ng sariling Mall. Malayo din kasi sa kabihasnan kaya para ma-provide ang pangangailangan ng mga estudyante, sila na ang nag-adjust.

Sa ilang araw na pamamalagi ko dito sa Western Academy, hindi ako na-bored dahil kay Richard. Siya ang nagsilbing tour guide ko habang nandito ako. Tinuro niya ang magagandang lugar na meron ang Academy, tinuro niya din ang mga lugar na tahimik at payapa.

"Richard, ikaw ba may bibilhin din?" tanong ko sakaniya habang nandito kami at naglalakad.

Kanina pa kami nandito, niyaya ko kasi siya dahil may mga bibilhin ako. Mga damit lang kasi ang dala ko. At ayoko namang maramdaman na parang nasa hotel room lang ako nakatira, gusto kong maramdaman yung feeling kapag nasa sarili kang kwarto. Kaya nandito kami para bumili ng mga bagay na ipandedesign ko sa kwarto ko.

"Ayos lang ba, Lady Rain?" nag-aalangang sabi niya. Hindi sigurado.

Natawa naman ako. "Oo naman! Saan mo ba gusto?"

Agad siyang ngumiti at sabay kaming pumunta sa shoe store. Dala-dala niya ang mga pinamili ko habang magkasabay kaming naglalakad.

Isa pa sa nalaman ko kay Richard ay ang hilig niya sa sapatos. Siguro akala niya hindi ko napapansin na pa-iba iba ang sapatos na sinusuot niya.

Marami ding mga estudyante ang napapatingin sakaniya. Feeling ko nga kahit butler lang 'tong si Richard ay sikat pa din siya sa Academy. Masyado lang talaga ata siyang humble kaya ayaw niyang sabihin sa akin o magbigay manlang ng warning.

Nagsimula na siyang pumili ng sapatos na gusto niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sakaniya.

Sa loob ng limang araw na pananatili ko dito sa Academy, siya na ang kasama ko. Walang oras na hindi kami magkasama, maliban nalang kung matutulog na o maliligo siya. He never let me feel the boredamn of being alone. Actually, because of him I never feel the loneliness.

Siguro 'yon din ang advantage ng meron kang butler, bukod sa may kasama ka kahit saan ka magpunta. Hindi mo din mararamdaman na mag-isa ka lang.

"Tapos na? 'Yon lang ang bibilhin mo?" nagtatakang tanong ko sakaniya ng maglakad na kami papuntang counter.

"Madami pa naman akong sapatos sa loob ng dorm, Lady Rain."

"Rain nalang. Magkaibigan na tayo 'di ba?"

"Oo na, Rain."

Nakangiti ako habang hinihintay siyang magbayad.

Pagkatapos no'n ay lumabas naman na ulit kami para bumalik na sa kanya-kanya naming dorm.

"Sure kaba na kaya mo na?" nag-aalalang tanong niya.

Sinabi ko kasi sakaniya na magpahinga na siya sa dorm niya at bukas nalang kami magkita dahil nakakain naman na kami ng dinner. Nakakapagod din kasi ang araw na 'to, bukod pa doon ay mag-aayos din ako ng buong dorm ko.

"Kaya ko naman na, Richard. Hindi ka ba napapagod? Halos lahat ng mga pinamili ko ikaw na ang nagdala. Araw-araw din tinutour mo ako sa buong Academy. Kung tutuusin, hindi ka naman dapat Butler 'di ba? Pinili mo lang talagang maging butler. And I feel guilty about it. Kung ako nga napapagod, ikaw pa kaya na mas madaming ginagawa kaysa sa akin?"

Napatitig siya sa akin bago magsalita. "But I'm your butler."

"I didn't say that you're not. Ofcourse, you are. Pero pagod kana kaya magpahinga ka. Kapag nakapagpahinga kana ulit, katok kalang sa dorm ko."

Hindi na siya nakipagtalo pa at hinatid nalang ako sa dorm ko para ilagay ang mga pinamili ko. Madami-dami din 'yon kaya ako na ang nagbuhat ng iba. Hindi naman mabigat ang binuhat ko dahil 'yon lang daw ang pwede kong buhatin.

"Take care, Rain." paalam niya sa akin bago siya yumuko.

"Take care, Richard." sabi ko bago siya kawayan.

Tahimik ko lang siyang tinitignan habang palabas ng dorm ko, nakita ko pa na kumaway siya ulit sa akin bago umalis kaya kumaway ulit ako habang nakangiti.

Hindi ko mapigilang maging positive sa magiging school year ko dito sa Academy. Nakikita ko kasi ang kabaitan na meron si Richard, so I expect na ganoon din ang ibang students dito.

Siguro iba-iba ang mga estudyante pero hindi naman siguro nila ipapahiya ang pamilyang kinabibilangan nila.

Inayos ko ang mga pinamili ko at sinimulang ayusin ang buong dorm.

Linagyan ko ng pictures ang mga picture frames na binili ko kanina sa department store. Ang iba naman ay nilagyan ko ng quotes para kapag pagod na pagod na ako galing sa pag-aaral ay mamo-motivate ako.

Agad kong sinabit ang mga 'yon. Nilagay ko din ang mga librong binili ko kanina sa national bookstore. Ang totoo niyan ay mahilig talaga akong magbasa, pero dahil hindi ko nadala lahat ng libro ko kaya bumili nalang ako ng mga librong pwede kong basahin.

May nabili din akong mga flowery plants na pwede kong ilagay sa loob ng dorm, maganda siya sa mata at nakakadagdag sa peaceful atmosphere.

Pinalitan ko din ang sapin ng kama ko at mga kumot at unan. Mas naging lively ang kwarto ko at ang buong dorm ko dahil sa mga binili ko.

Kung dati ay sa panaginip ko lang madalas makita ang ganitong ayos ng kwarto. Kung dati ay pinapangarap ko lang magkaroon ng kwarto na nasa akin ang desisyon, ngayon nagagawa ko na.

Nararamdaman ko na ang mga bagay na nagagawa ko ngayon na hindi ko naman nagagawa noon.

And I just can't help but to smile.

Unti-unti nararamdaman ko na buhay ako. Hindi kagaya dati na kailangan pang may dumikta bago ako kumilos. Now, I can freely do what I wanted to do without the orders of others. It feels like the chains are already gone. I'm now free. Hindi pa ganoong malaya pero ramdam ko na.

Maybe studying here in the Academy is the start of my freedom. Having a life again after that incident.

"Kuya..we made it!"

The Unwanted ChildWhere stories live. Discover now