Unwanted 16

900 21 2
                                    

"Divi!"

Naalis ang tingin ko kay Jett ng marinig ang kung sino man na tumawag sa pangalan ko.

Nakita ko sila Gerald at Quenzo. Nasa likuran naman nila si Richard na parang bored na bored at nakapamulsa habang naglalakad.

"Anong meron ha?" nakataas kilay na tanong ni Gerald. "Pinagpapalit mo na ako, Jett?" nakasimangot na sabi nito.

"Tado!" nandidiring sigaw ni Jett at lumayo kay Gerald na yayakap sana sakaniya.

"Porket first kiss ka ni Gerald ginaganyan mo na siya, Jett."

"Ang dumi ng bibig mo Divi, ah."

Napahalakhak ako dahil sa sinabi ni Jett. Sinamaan niya ako ng tingin kaya mas lalong lumakas ang tawa ko. Kahit kailan talaga 'to.

Napatingin ako kay Quenzo ng sikuhin niya ako. Tinaasan ko siya ng kilay pero nginuso niya lang si Richard.

'Ano?' tanong ko sakaniya ng walang boses.

Lumapit siya sa akin para sana bumulong kaso may tumamang bote sakaniya.

"Aray!" sinamaan niya ng tingin si Richard. "Bakit ba?"

Nagkibit balikat lang siya na parang walang ginawang masama. "I missed to shoot the bottle."

Hindi ko alam pero bigla nalang ngumisi si Quenzo dahil sa sinabi ni Richard. Tumingin ito sa akin at lalong lumawak ang ngisi. Para siyang drug addict na nakangisi habang pabalik-balik ang tingin sa amin ni Richard.

"Adik kana ba Quenzo?"

Napangiwi siya sa tanong ko. "Ano ba namang tanong 'yan Divi?"

"Ang panget mo na daw kasi, 'diba Divi?"

"Aba't bastos ka Jett ah! Mas matanda pa din ako sayo!"

At kung dati si Jett at Gerald ang naghahabulan, ngayon sila naman ni Quenzo.

"Hoy Jett! Pinagpapalit mo nako, ah!" sigaw ni Gerald bago humabol sakanila.

Nakangiti ako habang nakatingin sakanilang tatlo. Ngayon ko lang nakita si Quenzo na nakipag-habulan ng ganon. Para silang mga bata na nagtatawanan habang naghahabulan.

Maraming napapatingin dahil sa ingay nila, hindi ko alam kung napapansin ba nila o wala lang talaga silang pakialam.

May umubo sa gilid ko kaya napatingin ako kay Richard na nakatingin din pala sakanila.

"Rain.."

"Richard.."

Nagtinginan kami ng sabay kaming magsalita at sabay din na nag-iwas ng tingin.

Awkward..

"Ah, ikaw na muna ang magsalita." sabi ko sakaniya bago nanahimik.

"Hindi, ikaw nalang muna. Makakapaghintay naman ako."

Napatingin ako sakaniya na nakatingin na din pala sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero natawa nalang ako dahil sa nangyayari ngayon. Nakita ko na natawa na din siya. Siguro napansin niya na sa tagal naming magkasama, ngayon pa kami nagkaganito. Parang out of place lang yung ganitong scenario sa aming dalawa kasi hindi naman talaga kami gano'n.

We've known each other for months now. And there's no awkward silence like this. Kung meron man, ilang oras lang ok na ulit. Siguro ang kaibahan lang ngayon kasi araw din ang lumipas bago kami ulit mag-usap. Pero alam ko, naiintindihan ko kahit na magulo. Kasi may away kami, eh. Hindi ko naman ineexpect na agad-agad ok na kami. For sure he has his reasons for avoiding me, for acting as if he can't see me.

The Unwanted ChildWhere stories live. Discover now