Unwanted 15

950 21 3
                                    

Buong araw kaming walang imikan ni Richard kahapon. Ni hindi niya ako hinatid sa dorm at hindi din siya nagpaalam. Basta nalang siyang umalis no'ng tapos na siyang kumain.

Kaya naman hindi ko din siya pinapansin ngayon. Hindi ko naman kasi siya inaano, kahit saan ko tignan hindi ko makita kung anong maling nasabi ko kahapon?

Mababaliw na ako kakaisip. Umagang-umaga todo iwas siya sa akin na parang may malala akong sakit.

Si Jett lang tuloy ang kasama ko buong maghapon. Bukod sa MIA si Richard, wala din yung dalawa dahil may aasikasuhin daw.

Hindi ko maintindihan, dapat ba akong mag-sorry? Pero nag-sorry na ako. Dapat ko bang ulitin para pansinin niya na ako?

Ang hirap mag-sorry ng hindi mo manlang alam kung ano bang nagawa mong masama.

"Hindi pa din kayo nag-uusap?" tanong ni Jett.

As usual nandito nanaman kami sa Field ng Academy, favorite place ko kasi 'to. At ngayon, umaasa ako na magkaroon manlang ako ng peace of mind. Simula kahapon nakikipagtalo na ako sa utak ko.

Gusto kong mag-sorry, kaso kusa siyang lumalayo. Magsasalita palang ako, nakatalikod na siya at malayo na ang lakad. Sinong matutuwa?

Sinubukan ko naman. Sinigaw ko yung salitang 'sorry' dahil nakatalikod na siya. Halatang umiiwas. Ano bang nagawa ko? Wala naman akong sakit.

Pakiramdam ko bumalik nanaman ako sa starting line. Starting line kung saan takot na takot nanaman ako.

"Hindi ko alam sakaniya. Hindi niya ako kinakausap."

Napabuntong hininga si Jett. "May mga araw talaga na gano'n si Richard."

"Mga araw na bigla nalang siyang iiwas?" natatawang tanong ko. Pero alam ko sa sarili ko na mabigat sa pakiramdam. "Iiwas ng hindi ko alam kung ano ba talagang problema?"

Napabuntong hininga ako. Siguro oo, hindi siguro tama na nakipag-away pa ako kay Richard. Nakipag-sagutan pa ako sa walang kwentang bagay. Pero bukod doon wala na akong maisip na nagawa ko.

"Jett.."

"Hmm?"

"Ano bang nagawa ko?" malungkot na sabi ko. "Si Richard, kaibigan ko siya. Hindi ako sanay na ganito siya. Parang ang bigat sa dibdib kapag gano'n, ayoko ng iniiwasan niya ako. Pwede niya namang sabihin kung anong nagawa ko."

"Hindi naman kasi madalas nagsasabi si Richard, Divi. Hindi ka matitiis non."

Hindi matitiis? Pero buong araw na niya akong iniiwasan. Hanggang kailan ba siya iiwas? Magkatabi lang kami sa upuan. Ang awkward kaya kapag nag-iiwasan kayo tapos katabi mo lang siya.

"Ano bang problema niya Jett? Bakit kayo kinakausap naman niya? Ako lang yung hindi."

Inakbayan ako ni Jett. "Magiging maayos din lahat. Naguguluhan pa si Richard kaya siya lumalayo, Divi. Pero kapag nakapag-isip isip na 'yon, babalik din sayo 'yon."

"Sana nga.." malungkot na sabi ko. "Ayaw kong mawala sa akin si Richard dahil lang sa hindi ko alam na dahilan."

Lalo niya pang hinigpitan ang pagkaka-akbay sa akin. "May gusto ka ba sakaniya, Divi?" biglang tanong ni Jett.

Para akong napaso at agad na umayos ng upo dahil sa tanong niya. Tumawa naman siya sa naging reaksiyon ko.

"G-gusto?" naguguluhang tanong ko.

Ngumiti siya sa akin. "Oo, gusto mo ba siya?"

Umiling ako sakaniya at ngumiti.

Tinapik niya ang ulo ko. "Sana nga hindi ka magkagusto sakaniya, Divi." malungkot na sabi ni Jett.

Simula ng araw na umiyak sa akin si Jett, ngayon ko nalang ulit siya nakitang malungkot. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi pwede.

"Divi, 'wag kang magkakagusto kay Richard." malungkot na sabi niya.

"B-bakit mo naman nasabi?"

"Kasi masasaktan ka lang, Divi. Masyado na kaming maraming kasalanan sayo, ayoko ng dagdagan."

Ngumiti ako kay Jett kahit hindi ko maintindihan kung ano ba ang sinasabi niya. Kahit hindi ko maintindihan kung anong kasalanan ang sinasabi niya.

"Kung ano mang kasalanan 'yon, pinapatawad ko na kayo."

Malungkot niya ulit akong inakbayan.

"Sana nga, Divi. Sana nga.."

Naka-akbay lang sa akin si Jett habang nakaupo kami. Walang nagsasalita.

"Jett?"

Humigpit ang akbay niya sa akin. "Hmm?"

"Kapag ba...nagkagipitan na..." hindi ko alam kung paano ko ipagpapatuloy ang tanong ko.

Natatakot ako sa magiging sagot.

"Nagkagipitan?" tanong ni Jett.

Huminga muna ako ng malalim. "Kapag ba nagkagipitan na...mananatili pa ba kayo sa akin? Kapag ba inaayawan na ako ng lahat...nandiyan pa din ba kayo?"

Natatakot ako. Natatakot ako na dumating yung araw na kailangan ko ng harapin ulit yung mundo.

Dahil alam ko naman na hindi habang-buhay nandito ako sa Western Academy. Hindi habang buhay itong Academy ang tutuluyan ko. Hindi habang buhay mapoprotektahan ako ng Academy laban sa mas malaking mundo sa labas nito.

Tumawa ako ng mapansin kong hindi makasagot si Jett. "Hayaan mo na. 'Wag mo nalang pansinin ang tanong ko. Naiintindihan ko, Jett." nakangiting sabi ko.

Nakangiti pero alam ko sa sarili ko na...malungkot ako. Malungkot ako kasi kahit si Jett hindi sigurado kung mananatili paba sila sa akin.

Nakakatakot ang mundo para sa kagaya ko. Nakakatakot ang laki ng mundo. Pero mas nakakatakot ang mga tao.

We are made to protect the world, but...does becoming judgemental is part of us being the protector of the world?

Nakakalungkot. Nakakalungkot kung paano mag-isip ang mga tao. Pero mas nakakalungkot kasi kahit anong sabihin mo, sarado ang tenga nila para sa paliwanag mo. Hindi ka nila maiintindihan dahil magkaiba kayo ng paniniwala.

Nagulat ako ng hawakan ni Jett ang balikat ko at hinarap ako sakaniya. Seryoso ang mga mata niya.

Ngumiti siya sa akin. "Ano nga yung tanong mo?" nakangiting tanong niya.

Hindi ako nakapagsalita. Gulat pa din.

"Tinatanong mo kung nasa likod mo padin ba kami kapag nagkagipitan na?" tanong niya habang nakangiti.

Unti-unti naging seryoso ang mga mata niya.

"Wala na kami kapag nangyari 'yon Divi." seryosong sabi niya.

Unti-unti mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.

Iba pa din talaga kapag narinig mo sa bibig yung bagay na ineexpect mo na. 'Yon bang expected mo na yung sagot pero kapag narinig mo...masakit pa din?

Hindi talaga tayo magiging handa kahit anong paghahanda pa ang gawin natin. Utak lang natin ang magiging handa sa mga pangyayari pero hindi ang mararamdaman natin.

We will never be ready for something just because we expect it to happen. Hindi gano'n iyon at ngayon ko napatunayan 'yon.

"Ayos lang, Jett. Naiintindihan ko."

Tumawa siya. Nakatingin lang ako sakaniya, nagtataka dahil sa pagtawa niya.

"Hindi mo na-gets 'no?" nakangiting sabi niya. Ginulo niya ang buhok ko habang nakangiti pa din sa akin.

"Wala na kami sa likod mo, Divi. Alam mo kung bakit?"

"B-bakit?" naguguluhang tanong ko.

"Dahil nasa harapan mo kami." seryosong sabi niya. Wala ng pagtawa sa mga mata niya at puno nalang ng sinseridad. "Nasa harapan mo kami para ipaglaban ka. Hindi kami tanga para maghintay lang sa likuran mo habang hinuhusgahan ka ng ibang tao. We will never be called as the 'Princes of Western Academy' for nothing. Hindi kami natanggap dito dahil lang sa mayaman kami, Divi. Makapangyarihan kami, with or without the help of this Academy."

And that left my mouth open...with shock.

The Unwanted ChildWhere stories live. Discover now