Unwanted 14

849 24 2
                                    

Ang boring ng araw ngayon, buong araw kaming walang ginagawa dahil busy ang mga teachers para sa gaganaping Foundation Day dito sa Academy.

Ang alam ko pinag-uusapan na nila ang magiging set-up, magpapapasok kasi sa Academy sa araw na 'yon. Magiging open sa mga tao ang Academy, kaya naman paniguradong hihigpitan ang security.

May meeting daw ang mga teachers kaya walang magtuturo sa amin ngayon. Binigay sa amin ang oras para daw makapag-usap o gawin ang mga gusto namin. Ang dami ngang nagtanong kung bakit hindi nalang daw gawing walang pasok tutal wala naman daw nagtuturo.

But as usual, the Academy won't allow that.

"Maglaro tayo guys!" pag-aaya ni Chiara habang tinataas ang hawak niyang bote.

"Anong laro naman?" bored na tanong ni Jett. "Truth or Dare? Pang bata lang 'yan. At ano namang itatanong niyo sa truth? Kung sino ang crush namin?" natatawang sabi niya.

Tumawa ang mga nakarinig no'n, pikon na naupo nalang si Chiara dahil do'n.

Simula ng ma-kiss niya si Gerald no'ng birthday ko ay lagi na niyang binabasag ang kung ano mang sasabihin ni Chiara. Si Chiara daw kasi ang dahilan kung bakit nangyari 'yon, ito daw ang umisip ng laro at ito daw ang nagsabi na dapat mga lalaki ang maglalaro.

Minsan nga naaawa na ako kay Chiara, pinag-initan talaga siya ni Jett. Pero hindi naman din siya nagpapatalo. Madalas silang dalawa na ang nagkakasagutan.

"Nasa'n nga pala si Zane?" tanong ko kay Richard.

Kunot-noo siyang napatingin sa akin. "Bakit mo hinahanap si Zane?"

Nagtataka man sa biglaang pagbabago ng mood niya ay sumagot pa din ako.

"Wala lang, pansin ko kasi siya lang ang absent ngayon."

"Madalas siyang absent pero ngayon kalang nagtanong." masungit na sabi niya.

Napatitig naman ako sakaniya, ano kayang problema ng lalaking 'to?

"Bakit mo ako tinitignan?" nakataas-kilay na tanong niya.

"Bakit mo ako sinusungitan ha?" pagtataray ko din sakaniya.

Bored na bored ako ngayong araw kaya naghahanap ako ng pwedeng maitanong sakaniya para kahit papaano may makausap naman ako.

"Bakit mo kasi siya hinahanap?"

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sakaniya. "Ano naman ngayon kung hinahanap ko si Zane?" naguguluhang tanong ko.

"Ano ngang dahilan kung bakit mo hinahanap si Zane!" medyo tumaas ang boses niya. Hindi naman siya sumigaw pero may ibang nakarinig.

"Ano naman ngayon kung hinahanap ko nga!" inis na sabi ko din sakaniya.

"Gusto mo ba 'yon?"

"Ano naman kung gusto ko nga siya?"

Napatitig siya sa akin, parang hindi makapaniwala.

"So, gusto mo siya?" mas mahinahon ng tanong niya.

"Ano ngayon?" pikon na sabi ko.

Ano bang mali sa pagtatanong kung nasaan yung tao? Kapag ba nagtanong ako ibig-sabihin may gusto na ako sa taong 'yon?

"Oh, chill. Bakit nag-aaway kayo?" tanong sa amin ni Quenzo.

Ngayon ko lang napansin na nakatingin na pala sa amin ang mga kaklase namin.

"Para kayong mag-jowa na may LQ." sabi naman ni Gerald na lumapit na ngayon sa amin ni Richard.

"Ano bang pinag-aawayan niyo?" tanong din ni Jett.

The Unwanted ChildWhere stories live. Discover now