Unwanted 20

989 17 1
                                    

"Uyy, kawawa naman si Richard Divi." sabi ni Jett na nasa tabi ko.

Natawa ako ng malakas dahil sa sinabi ni Jett. Sinong mag-aakala na magiging gano'n ang reaksyon niya sa sasabihin ko?

"Yiieeee~ tuwang-tuwa sa piling ng isa't-isa~" pakantang sabi ni Gerald na nasa kabilang gilid ko.

Napangiwi ako sa pangit ng boses niya. Napailing ako habang nakatingin sakaniya kaya napahinto siya.

Tinapik ko ang balikan niya. "Hindi talaga perfect ang mga tao, naiintindihan kita." sabi ko sakaniya.

Napanganga siya habang sinusundan ako ng tingin habang dire-diretso naman akong naglalakad.

Tumatawa si Jett sa tabi ko kaya hindi ko nadin mapigilang matawa. Habang tumatagal, lalo ko silang nakililala. Lalo akong natutuwa sa mga reaksyon nila at mas lalo akong sumasaya kapag kasama sila.

"Hindi na kita bati, Divi!" sigaw ni Jett mula sa likuran namin.

Tumingin ako kay Jett na nakatingin na din pala sakin ngayon, ngumisi ako.

Dahan-dahan akong humarap kay Gerald, parang nagulat. Napatakip pa ako sa bibig ko para naman pang-best actress ang award ko. Tinry ko yung best ko para maluha ang mga mata ko at hindi naman ako nabigo.

Pati sila Richard at Quenzo na sabay na naglalakad ay napahinto at napatingin din sa akin na nakatingin ngayon sa mga mata ni Gerald.

Parang gulat na gulat pa siya na naluluha ako habang nakatingin sakaniya.

"D-divi, b-bakit ka umiiyak?" gulat na tanong niya sa akin.

Hinayaan kong tumulo ang mga luha sa mga mata ko. "H-hindi mo na 'ko bati." kunwaring malungkot na sabi ko.

Kinakabahang tumawa si Gerald. "J-joke lang 'yon, Divi. Hehe."

Nakasimangot akong tumingin kay Richard, parang nanghihingi ng tulong. Lihim akong napangiti ng ngitian niya ako kahit na halatang nag-aalala ang mga mata niya.

"Walanghiya ka, Gerald."

"R-richard naman, j-joke lang eh!"

"Walang joke-joke. Tumakbo kana!"

"J-joke nga--ahhh!"

Nang maghabulan sila ay bigla nalang tumawa si Jett kaya tumawa na din ako ng malakas. Si Quenzo naman ay nakangisi habang nakapamulsa na naglakad papunta sa amin.

Umiiling-iling pa siya. "Nice acting, Divi." parang proud pa na sabi niya habang nakangisi pa din.

"Ang galing whoaaaa!"

"Ako lang 'to, Jett." nakangising sabi ko.

"Kaya Idol kita, eh." natatawang sabi niya. "Ako coach neto, Quenzo. Galing 'no?"

"Ulol!"

Tumatawang naglakad kaming tatlo. Nasa gitna nila ako habang nakahawak ako sa mga braso nila. Tumatalon-talon pa ako habang tawa naman sila ng tawa.

"Ahh! Ang saya ng ganito." nakangiting sabi ko.

"Masaya din kami sayo!" sabay nilang sabi kaya tumawa kaming tatlo.

"Voltes VI! Voltes VI!" masayang chant ko habang naglalakad kami.

Madaming napapatingin samin, siguro dahil kasama ko ang dalawa sa pinaka-sikat dito. Palagi naman kaming magkakasama pero kung makatingin sila parang mangha padin sila.

"Bakit mo kasi pinaiyak!"

"Richard naman, joke nga lang kasi."

"Ang cute niyang umiyak pero 'wag mo namang paiyakin!" inis na sabi ni Gerald.

"S-sorry na nga, eh."

'Yon ang tagpo na nadatnan naming tatlo. Nakita namin sila sa gitna ng wide space na nagtatalo. May ibang napapatingin na din sakanila dahil sa lakas ng boses ni Richard.

Natawa naman si Quenzo ng marinig ang pinag-uusapan nila. "Patay 'tong si Gerald." tumatawang sabi niya.

"Paktay ka, taba." sabi naman ni Jett bago tumingin sakin. "Good job, Princess." sabi niya sa akin bago kumindat.

Natawa ako ng batukan siya ni Quenzo. "Wala kang originality."

Nakasimangot na hinimas ni Jett ang ulo niya na binatukan ni Quenzo.

Habang tinitignan ko sila, napapangiti ako. Kasi alam ko, napapansin ko na hindi lang ako ang naging masaya. Hindi lang ako ang nagbago. Hindi lang buhay ko ang umayos, sakanila din.

Tinignan ko si Jett, kahit na nakasimangot siya may multo ng ngiti sa mga labi niya. Sa nagdaang mga buwan, nakikita ko kung paanong sumaya si Jett. Hindi na siya yung Jett na nagpapanggap, siguro nasasaktan padin siya pero masaya akong makita na nagiging ok na siya. Hopefully. Nginitian niya ako kaya napangiti din ako.

Tinignan ko naman si Quenzo, si Quenzo na parang si Richard lang. Masyasong tahimik at misteryoso. Hindi siya palakibo noong nakilala ko siya, gano'n padin naman ngayon pero may iba na. Marunong na siyang mang-asar, mas nakikita ko na yung pagmamahal niya sa mga kaibigan niya. Masaya ako para sakanya, sobrang saya. Naramdaman niya atang may nakatingin sakaniya dahil kinindatan niya ako.

Napatingin ako kay Gerald na patuloy sa pagso-sorry kay Richard. Kahit na nakasimangot, alam kong masaya siya. Kasi ngayon lang nakipag-habulan si Richard. Nakikita ko kung paano siyang sumaya dahil masaya ang mga kaibigan niya. I can say that Gerald is the most selfless person I've known. He can do everything for his friends. How lucky they can be. And how lucky I am to be part of this friendship.

Napatingin naman ako kay Richard na parang inis na inis dahil sa pag-iyak na ginawa ko. Habang tumatagal, mas nagiging expressive na siya. Tumatawa na siya kapag gusto niya, hindi nalang basta ngiti. Nasasabi niya na ang mga gusto niyang sabihin ng hindi nagdadalawang-isip.

By looking at the four of them, I can now say that finally. Finally I've found them, bunch of strangers that I can now call my family. Finally.

"Tama na 'yan! Group hug nalang!" sigaw ko sakanila.

Napatigil naman sa pagso-sorry si Gerald at tumakbo palapit sakin ng makita ako.

Niyakap niya ako agad. "Sorry na, Divi." sabi niya kaya napangiti ako.

"Move, Gerald." agad na napaatras at napataas ng dalawang kamay si Gerald sa nagbabantang boses ni Richard.

Napailing nalang ako. Tinaasan niya ako ng kilay kaya tinaasan ko din siya ng kilay. Agad siyang lumapit at kinulong ako sa mga braso niya.

"'Wag kana ulit iiyak ng gano'n." napangiti naman ako.

Kung alam niya lang na ginawa ko 'yon dahil alam kong maiinis siya at para nadin makisalamuha din siya sakanila.

"GROUP HUG!" malakas na sigaw ni Jett at nakiyakap samin, gano'n din ang ginawa nung dalawa.

"VOLTES VI! WALANG IWANAN!" malakas na sigaw ni Gerald.

"WALANG SUSUKO!" tumatawang sabi ni Quenzo.

"SOLID PA SA BATO!" tumatawang sabi din ni Jett.

"HINDI MASISIRA!" nakangiting sabi ni Richard habang nakatingin sakin.

Nginitian ko siya bago sumigaw. "AT HINDI MATITIBAG!" sigaw ko habang nakatingin kay Richard na nakangiti sakin.

"VOLTES VI LANG MALAKAS!" sabay-sabay naming sigaw at sabay-sabay kaming nagtawanan.

Maraming napapatingin sa amin dahil nandito sa wide space ng Academy at masyadong open para sa ibang estudyante, pero wala kaming pakialam.

Masaya ako habang kasama ko sila. Sobrang saya ko.

"Ang ganda ng ngiti mo." sabi ni Richard habang nakatingin sakin.

"Lahat naman ata maganda para sayo." natatawang sabi ko.

"Kasi ang ganda mo kahit anong anggulo."

The Unwanted ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon