Unwanted 27

1.1K 31 2
                                    

IBANG-IBA ang araw ngayon kumpara sa ibang mga araw na nagdaan. I don't know if it's just me but I know that today will not be the same as yesterday.

Maaga pa pero nakapagbihis na ako at nakaayos nadin ang mga gamit ko na inayos ko lang lahat kahapon.

Huminga muna ako ng malalim bago kinuha ang maleta ko at naglakad na palabas. Today, I'm planning to find myself.

Habang naglalakad papunta sa Dean's office, madaming mga estudyante ang nakatingin sa akin. I'm no longer using my contact lense, I'm letting them see the real color of my eyes. And I don't really care.

Siguro kaya din ako pinagtitinginan ay dahil halos lahat ng estudyante na nandito ay mga nandoon din sa gymnasium kahapon. Ofcourse, they knew. Mabilis kumalat ang balita lalo na kung tungkol sa apat na 'yon.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Nakita ko si Mr. Mariano, ang Dean ng Western Academy na nakaupo sa swivel chair habang may binabasang mga papeles.

Nag-angat siya ng tingin at parang nagulat sa maletang dala ko kaya ngumiti ako.

"Goodmorning, Dean!" nakangiting sabi ko.

"G-goodmorning, Ms. Montero. What can I do for you?" parang nalilito pa na sabi niya.

"Aalis na po ako." magalang padin na sabi ko.

"You're not wearing your...oh, nevermind." sabi nito at ngumiti nalang sa akin bago ako pinaupo. "What are saying again?" tanong ulit nito.

Huminga ako ng malalim at inulit ang sinabi ko. "Aalis na po ako."

"Aalis? Saan ka naman pupunta, Ms. Montero?" kunot-noong tanong niya.

"As you can see Mr. Mariano, alam ko na pati ikaw may alam tungkol sa pakiusap ng Mommy ko kay Richard. Sa yaman ng pamilya nila Richard, paniguradong kahit sino ay matatakot na gawin siyang butler." huminga ulit ako ng malalim at pilit na pinapatatag ang sarili.

"He's a Faulkerson. Kung tutuusin mas mayaman pa sila sa amin. Nagkataon lang siguro na bored talaga silang magbabarkada, that's why they agreed."

"What are you trying to say Ms. Montero?"

"I'm leaving." nakangiting sabi ko. "Sa totoo lang po, naging masaya talaga ako dito sa Academy. All of the memories I've had was all worth it. Pero hindi naman po sapat na masaya lang tayo 'diba? Soon, I know that I need to face the world. Hindi lang naman po kasi umiikot sa apat na sulok ng Academy ang buhay ko. Kumplikado po ako, alam niyo naman po siguro 'yon." mahabang sabi ko.

Nakatingin lang siya sa akin, parang iniisip pa kung mapipigilan paba niya ako pero nakapag-desisyon na talaga ako. I'm not backing out. For the first time, gumawa ako ng desisyon na walang dumidikta sa aking iba.

"I can no longer change your mind, right?" nakangiting sabi niya.

Ngumiti ako at magalang na tumango.

"Having you here is a blessing. You will always be a blessing to this Academy, Ms. Montero." nakangiting sabi sa akin ni Dean. "Expect our support. Just do what makes you happy." nilahad niya sa akin ang kanang kamay niya.

Masayang tinanggap ko 'yon at nakipag-kamay sakaniya.

From this day forward, hindi na ako estudyante dito. Sila nalang ang kailangan kong harapin.

Oras na ng klase ngayon at papunta ako ngayon sa classroom namin, I just want to say goodbye. Nasaktan ako pero hindi magiging sapat 'yon para umalis ng hindi nagpapalaam.

Nang makarating ako sa classroom namin ay nakita ko si Ms. Vera, ang history teacher namin. Naalala ko noon, siya din yung teacher noong first day ko dito.

Huminga muna ako ng malalim. You can do it, Rain. Kumatok na ako sa pintuan kaya napunta sa akin ang paningin ng lahat.

"Oh, Ms. Montero. You're not wearing you uniform?" parang nagtatakang sabi ni Ms. Vera. "And you're late." dagdag pa nito.

"Pwede..po bang magpaalam?" nahihiyang sabi ko.

"Come in. Come in." sabi ni Ms. Vera.

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ng mga kaklase ko ng makita ang hawak-hawak kong maleta. Sino ba naman ang hindi magugulat hindi ba? Late akong pumasok, they all expect na absent ako. Sure na ako do'n. Tapos bigla akong susulpot na may hawak na maleta at hindi pa naka-uniform.

"Explain, Ms. Montero." sabi ni Ms. Vera.

As a teacher, Ms. Vera is not that strict. Parang nakatatak na sa utak niya na, lahat ng estudyante may kanya-kanyang dahilan. Never ko pa siya nakitang nagalit. She's one of the best teachers I've known.

Nilibot ko ang tingin sa buong classroom at natigil ang paningin ko sakaniya. Pumasok pala sila, mabuti naman.

"Hi!" nakangiting sabi ko, hindi alam kung paano magsisimula.

"Hello?" sabi ni Zane kaya natawa nalang ako.

Maybe a lot of them are wondering why am I laughing. Or paano pa nga ba ako nakakatawa sa mga nangyari kahapon? Hindi ko alam kung may alam din ba si Zane, pero tapos na.

"I'm here to say my goodbye." natahimik ang lahat. "I'm leaving."

"Why?" napatingin kaming lahat sa apat na bigla nalang tumayo at sabay-sabay na nagtanong.

"Dahil ba sa amin, Divi?" malungkot na sabi ni Jett. "We're very sorry."

"Divi, 'wag ka naman umalis." sabi din ni Gerald, medyo namumula na ang mga mata.

Siguro ito yung hindi ko makakasanayan, yung umiyak sila ulit sa harapan ko. Kasi sa totoo lang, nasaktan ako pero alam ko naman na nasaktan din sila.

Ngumiti ako sa lahat, lalo na sakanilang apat. "I'm leaving." ulit ko sa sinabi ko kanina. "Not because you did something wrong. I'm leaving because it's my choice." nakangiti padin na sabi ko.

"Hindi ko naman sinasabi na hindi na tayo ulit magkikita-kita. But for now, let me say my goodbye to all of you. I know that almost all of you doesn't like me at first. Na baka nga hanggang ngayon." natatawang sabi ko.

"Siguro matagal-tagal pa bago ulit tayo magkita..o baka hindi na." sabi ko sakanila.

Napansin ko na umiiyak na ang iba, ang iba naman ay halatang malungkot.

"Meeting you guys are one of the best moments of my life. But I need to leave. Alam ko na alam niyo yung tungkol sa akin, kayo ang unang nakaalam. Alam niyo na bago ko pa maipakita sainyo, bago niyo pa makita ang mga mata ko ngayon. Pero kahit na gano'n, hindi man ako sigurado kung totoo ba talaga lahat ng memories na meron tayo. Gusto ko lang malaman niyo na masaya ako. Masayang-masaya ako at enough na 'yon."

"Bakit ka aalis? Kung masaya ka, bakit mo kami iiwan?"

Gulat na napatingin ako kay Richard, nakatingin siya sa akin ngayon. Walang reaksyon ang mga mata niya.

"Hindi naman sapat yung masaya lang ako. Hindi pa ako buo, kung babalik man ako at magkita-kita ulit tayong lahat. Mas gusto ko na harapin ko kayo ng buo na ako, ng tanggap ko na ang sarili ko."

"But we already accept you." sabi ulit niya.

"And I didn't." malungkot ko siyang tinignan. "Hindi magiging sapat na tanggap niyo ako kung hindi ko tanggap ang sarili ko."

Napayuko nalang siya at hindi na nagsalita pa.

"Maraming salamat sa lahat-lahat, Class-A. Hanggang sa muli nating pagkikita." yumuko ako sa harapan ng lahat bilang tanda ng paggalang.

Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko na umiiyak halos lahat. Parang gusto ko na manatili nalang pero hindi pwede.

Because this time, I'll choose myself.


The Unwanted Childحيث تعيش القصص. اكتشف الآن