Unwanted 06

1.1K 30 1
                                    

Natigil ako sa negative thoughts ko ng biglang sumigaw ang kaklase namin. I think she's the class monitor.

"Guys! Magpalit na daw tayo ng damit, punta nalang daw tayo sa oval sabi ni Mr. Chan."

Ang sinabi niyang 'yon ay umani ng madaming reklamo sa mga kaklase namin.

"Papatakbuhin nanaman niya tayo."

"Oo nga! Nakakainis!"

"Tapos nakakahiya kapag may kasama tayong ibang class do'n."

Ilan lang ang mga 'yan sa naririnig kong reklamo ng iba naming kaklase. At dahil baguhan ako dito, wala akong kaalam-alam sa mga sinasabi nila.

"Stop complaining! Kapag na-late kayo mas lalong lalaki ang parusa niyo!"

And with that, I don't know if it's just me pero parang automatic na nagmadaling kumilos ang mga kaklase ko.

"Magpalit kana ng PE, Rain." napatingin ako kay Richard na nakatayo na pala.

Konti nalang kaming naiwan dito sa loob ng classroom, halos lahat ay nag-uunahan na papunta sa locker.

Susunod na sana ako sakaniya ng bigla niyang tawagin yung babae kanina.

"Dane!" napatingin sa amin si Dane. Nakita ko na namula siya ng tawagin siya ni Richard.

"R-richard, a-ano 'yon?" nauutal-utal pa na tanong niya.

She's obvious. Gusto niya yung butler ko. Napangiti ako dahil doon, iba pala talaga ang epekto niya sa mga estudyante dito. Who wouldn't like him?

"Paki-samahan nalang muna si Rain. Ikaw na ang bahala ah?"

Matagal silang nagkatitigan na parang nagkakaintindihan. Weird.

"Sure!" sagot ni Dane matapos ang medyo matagal na titigan nila.

Girlfriend ba siya ni Richard? Wala namang sinasabi sa akin si Richard. Hindi ko din naman kasi sila madalas na makita.

"Mauna na kami, Rain. Kita tayo sa oval."

Tumango nalang ako sa sinabi ni Richard bago tumingin kay Dane na nakatingin na pala sa amin.

Sabay-sabay kaming lumabas ng classroom at nagkahiwalay lang ng papunta na sa locker room. Nasa left wing kasi ang locker room ng boys at nasa right wing naman ang sa amin.

Ang awkward ng atmosphere namin ni Dane. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita o ano.

"Divi.." nagulat ako ng sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay nagsalita siya.

"Hmm?"

"Magtatanong ako, ayos lang?" nakangiting sabi niya sa akin.

I don't know but I find it strange.

"Sure. Ano ba 'yon?" nakangiting sabi ko.

Isinawalang bahala ko nalang ang nararamdaman ko. Baka iniisip ko lang 'yon at hindi naman pala talaga gano'n. Parang may nasesense ako pero hindi ko nalang pinansin.

"Si Richard.." sabi niya. Nakita ko kung paanong kumislap ang mga mata niya ng banggitin niya ang pangalan ni Richard.

"Gusto mo siya?" nagulat siya ng unahan ko siya.

"Ako? Hindi!" defensive na sabi niya habang namumula.

Napangiti nalang ako. "Ano ba ang itatanong mo?"

"Anong tingin mo kay..Richard?"

This time napatingin na ako sakaniya, napatigil kami sandali sa paglalakad dahil nagulat ako sa biglang tanong niya.

The Unwanted ChildOnde histórias criam vida. Descubra agora