Unwanted 05

1.3K 40 1
                                    

Ilang minuto ata akong natulala dahil sa ginawa ni Richard. Normal lang naman siguro sa magkaibigan 'yon hindi ba?

Umiling nalang ako at nagsimula na ding kainin ang pagkain ko. Nginunguya ko ng maayos ang bawat subo ng pagkain na ginagawa ko, 'yon kasi ang utos ni Mommy.

"Divi?" napatingin ako kay Jett ng bigla siyang magsalita.

Ngayon ko lang napansin na tapos na pala silang apat na kumain. Agad akong napapunas ng bibig ko at uminom ng pineapple juice.

"Sorry! Pasensiya na!"

"Ha?" parang naguguluhang tanong ni Gerald.

"Tapos na pala kayong kumain, pasensiya na ha? Kailangan ko kasing nguyain ng mabuti yung pagkain ko."

"Hindi naman 'yon ang sasabihin ko, Divi." sabi ni Jett na nagsimula nanamang tumawa. "Hindi ko mapigilang matawa kapag nagrereact ka."

Natawa nalang din ako, hindi dahil sa katangahan ko. Natawa ako kasi tumatawa sila, napasaya ko sila. Atleast may ambag ako dito, kanina kasi pinatawa nila ako sa mga kalokohan nila.

Nang tumigil na sila sa pagtawa, tumigil na din ako. Nakakahiya naman kung ako nalang ang tumatawa, eh yung tawa lang naman nila yung tinatawanan ko.

"Divi.." sabi ni Jett. "Bakit parang namangha ka no'ng makita mo si Gerald?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong ni Jett.

Ngumisi siya sa akin. "Crush mo siya?"

Napaubo ako ng wala sa oras dahil doon, feeling ko mailalabas ko din ang kinain ko dahil sa pag-ubo. Agad kong ininom ang tubig na inabot ni Richard bago huminga ng malalim.

"Hindi naman sa crush ko siya." medyo mahinahon na sabi ko.

"We? 'Wag kana mahiya hindi ko ipagkakalat."

Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Hindi daw niya ipagkakalat pero napaka-lakas ng boses niya. Rinig na rinig nga sa apat na sulok ng cafeteria. Napaka-ingay.

"Hindi nga." natatawang sabi ko sakaniya. Nakikita ko na interesado talaga siya sa magiging sagot ko.

Nahihiya akong napatingin sakanilang apat bago ako umusog at ilapit ang mukha ko sakanila.

"Secret lang natin 'tong sasabihin ko ha?"

Para naman silang asong tatlo na tumango-tango. Si Richard lang ata ang nakatingin lang sa akin na parang nag-aabang lang ng sasabihin ko.

"Kasi ano..."

"Ano?" sabay-sabay na sabi nilang tatlo.

"Ano kasi..." nahihiyang sabi ko.

"Ano nga?" sabay-sabay ulit na sabi nila.

"First time ko makakita ng koreano!" nakapikit na sabi ko.

Wala akong narinig na kahit anong tunog na nagmumula sakanilang apat kaya dinilat ko ang kaliwang mata ko para tignan sila.

Nakita ko si Jett na umaalog ang balikat habang nakayuko sa table. Si Gerald naman ay nakatakip sa bibig. Si Quenzo naman ay nakatingala habang namumula ang mukha. At si Richard. Si Richard na nakangiti habang nakatingin sa akin.

Nang buksan ko na ng tuluyan ang mga mata ko ay bigla nalang tumawa ng napaka-lakas si Gerald na sinundan ng tawa nilang tatlo.

Nakita kong pati si Richard nakikitawa na.

Parang gusto ko nalang tuloy videohan ang pagtawa nilang apat. Napangiti ako.

Nakakahiya man pero totoo naman ang sinabi ko. Siguro nakakatawa para sa ilan dahil ilang taon na ako pero ganoon nalang ang reaksiyon ko kay Gerald ng makita ko siya.

Natahimik din ang buong cafeteria at nakatingin lang sa apat.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at pinicturan sila. A candid photo of them.

Kahit sa picture kitang-kita na masaya sila. Ang pagtawa lang ng apat na gwapong lalaki sa harapan ko ang naririnig sa apat na sulok ng malaking Cafeteria ng Academy.

Walang nang-istorbo o nag-ingay, parang lahat ay napahinto habang tumatawa sila. It's like the clock stops from ticking and it made everyone here stop from moving.

What a beautiful view.

"Lahat ata ng sasabihin mo Divi tinatawanan namin." sabi ni Quenzo habang natatawa pa.

"Oo nga!" natatawang sabi din ni Jett habang pinupunasan yung luha sa gilid ng mata.

Parang na-starstruck ang mga estudyante habang nakatingin sakanila.

Hindi ba palangiti ang mga 'to? Bakit ganito ang reaksiyon ng mga estudyante?

Natigil lang ang pagtingin sakanila ng ilan ng malakas na tumunog ang bell.

"Nako, tara na Divi!" nagpapanic na sabi ni Jett bago ako hawakan sa kamay at hilahin.

Tumatakbo kaming lima papunta sa classroom namin, medyo malayo pa naman 'yon.

"Ang malas naman!"

"Chill, Gerald." natatawang sabi ni Quenzo.

Napahiwalay ako sa kamay ni Jett ng bigla akong hilahin ni Richard. Napatingin ako sakaniya dahil sa ginawa niya.

"Dito ka sa akin."

Magsasalita pa sana ako ng bigla nalang niya akong hilahin at tumakbo nanaman kami. Puno ang elevator kaya puro reklamo si Gerald.

"B-bakit ba tayo...tumatakbo?" hinihingal na tanong ko.

"PE ngayon, Divi."

"Anong meron kung PE, Jett?"

"Papatakbuhin tayo ng dalawang oras kapag na-late tayo."

"Sa wakas!" hinihingal na sigaw ni Gerald ng makarating kami sa classroom.

"Hindi tayo late." masayang sabi ko.

Masaya kaming naglakad pabalik sa upuan namin. Ngayon ko lang napansin na halos pala lahat ay nakatingin na sa amin.

Pawis na pawis ako ng makaupo sa pwesto ko. Ramdam ko din ang hingal dahil sa pagtakbo. Sa bahay namin, hindi ako tumatakbo. Kahit naman subukan ko ay hindi naman ako papayagan.

"Oh," agad akong napatingin sa katabi ko na inaabot sa akin ang tumbler niya.

"A-anong gagawin ko diyan?"

"Lunukin mo?" sinamaan ko siya ng tingin kaya tumawa siya. "Inom kana."

Inabot ko 'yon at uminom na. Minsan hindi ko alam kung boyscout ba 'tong si Richard o kailangan niya lang maging handa palagi dahil butler ko siya.

Hindi ko din maiwasang isipin kung...totoo ba lahat ng 'to. Kung totoo ba yung pinapakita nila sa akin o ginagawa lang nila dahil kaibigan ko si Richard. At hindi ko din alam kung kaibigan ko ba talaga siya o trabaho lang para sakaniya ang lahat.

Sa kinalakihan ko, hindi ako kailanman nabigyan ng ganitong atensiyon.

Hindi ako tumawa ng ganoon gaya ng pagtawa ko kanina habang kasama ko sila.

"Aray ah!" gulat na sabi ko ng bigla akong pitikin sa noo ni Richard.

"Matutunaw ako, tama na kakatitig."

"Ang yabang ah!" natatawang sabi ko.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at nakitawa na din sa akin.

Kapag sobrang saya ng mga pangyayari, hindi mo mapipigilang mapatanong; ano kayang kapalit nito?

Masaya ako...

Pero hanggang kailan kaya?

The Unwanted ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon