Unwanted 24

907 26 2
                                    

Suddenly, everything seems so blur. Parang tumigil ang paligid, tumigil ang oras at ang paggalaw ng mga tao. At ang pinakamalalaㅡparang naririnig ko ang pagkawasak ng puso ko, mga pirasong basag na pero unti-unti pading nawawasak. Pinong-pino. Walang natira.

"Divi.." rinig ko ang boses ni Dane, pero kahit na gano'nㅡhindi ako humarap.

Ramdam ko ang tingin sa akin ng mga estudyante dito, na kagaya koㅡwalang alam sa mga pangyayari. Kagaya ko na ang inaasahan lang ay ang magaganap na concert ng V5, but unexpected things really do happen in a very unexpected situation like this.

Parang kanina lang, parang ilang oras lang ang lumipas ng maisip ko na hindi na ako yung 'Unwanted Child' na sinasabi nila. Parang kanina lang. Pero ang bilis naman umaksyon ng tadhana, hindi ko pa man naeenjoy ang realization na 'yonㅡbinawi na agad.

It feels like my world stops from moving and it pains me because the person who makes my heart beatsㅡbreak me.

Totoo nga siguro, na sa pinakamasakit na paraan mo malalaman ang nararamdaman mo para sa isang tao. I realized that he's not the only one falling in this game of love, I am too.

Now I have my doubts. Is he really inlove with me? Or it's just me who believes that there would be someone who'll accept and love me whole heartedly. Is being inlove with me is still part of his game?

It was all scripted. Damn it.

"Baby!" hindi ako lumingon.

"Rain!" sigaw niya ulit. Pero nanatili akong nakatingin sa malayo.

Just like the rain, my tears are continously falling. But unlike the rain, my tears won't stop. Am I named before the rain, because of continous pain?

May humawak sa balikat ko pero parang wala ako sa sarili ko.

"Rain, baby, listen to me please."

Nag-angat ako ng tingin, hinawakan ko ang mukha niya. Napangiti ako ng mapait.

Ang dami kong gustong sabihin, pero hindi ko kaya. Richard, hindi ko kaya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko, pinipigilan ang paghikbi.

Whenever I'm with him, everything just feels so unreal. Na minsan, naiisip ko na baka hindi siya totoo. Na baka panaginip lang ang lahat ng 'to at dinadaya lang ako ng imaginations ko. But above all the doubts, I still wished for him to be real. I'm silently praying every night for all of this to be real, kasi natatakot ako. Kasi parang hindi ko sila mapapakawalan kung panaginip lang 'to.

Hindi ko napansin na nanginginig na pala ang balikat ko, dumudugo na ang ibabang labi ko sa pagpipigil ng iyak ko kahit na wala namang nangyayari. Umiiyak padin ako. Kahit anong pigil ko, umiiyak padin ako sa harapan niya.

"R-rain.." basag ang boses niya ng tawagin niya ako sa pangalan ko. At parang mas lalong nadagdagan ang sakit dahil do'n. "Listen to me, p-please.."

"W-why Richard?" basag na boses na tanong ko. "B-bakit?"

"Baby.." parang hirap na sabi niya.

"Don't 'baby' me!" malakas na sigaw ko habang patuloy ang mga luha ko sa pagtulo. Nakaduro ang kamay ko sakaniya. "I want to know why! Why Richard?!" pagod na pagod na tanong ko.

Hindi siya sumagot. Nakayuko lang siya sa harapan ko habang nakaturo sakaniya ang kamay ko. Parang mas lalong sinaksak ang puso ko, hindi niya itinanggi eh. Hindi niya itinatanggi!

Ang kaninang kamay na nakaturo sakaniya ay naihawak ko nalang sa mga mata ko, sinusubukang punasan ang mga luhang pumupuno na sa buong mukha ko.

Napapikit ako habang patuloy sa paghikbi. "I want to know why! Damn it!" sigaw ko.

"D-divi.." rinig ko ang boses ni Jett. Nag-angat ako ng tingin at nakita silang tatlo, katabi nila Dane. Umiiyak din habang nakatingin sa akin.

"Alam niyo 'diba? Alam niyo?!"

Napapikit siya bago tumango. Napasinghap ako ng hangin sa sobrang sakit na nararamdaman. "How could you?! How could all of you fool the hell out of me?! Para saan? Sa ibibigay sainyo?"

"Divi.." umiiyak na sabi ni Gerald. "M-makinig ka samin."

Napaupo ako, umiiyak padin. "D-dont! 'Wag na 'wag kayong lalapit." sabi ko at inangat pa ang kamay ng makitang lalapitan sana nila ako.

"Divi, hindi namin ginusto. Maniwala ka." humihikbing sabi ni Jett. "D-divi maniwala ka."

"No'ng una, trip lang namin. Bored lang kami." sabi naman ni Gerald. "P-pero habang tumatagal, ginagawa na namin 'yon hindi dahil sa may makukuha kami kapag kinaibigan ka namin. G-ginagawa namin 'yon kasi totoong importante kana samin."

Parang pinupunit ang puso ko habang naririnig ang mga hikbi nila. My boys are crying infront of me.

"D-divi, sorry. S-sorry for hurting you." humihikbi nadin na sabi ni Quenzo.

I thought I'm no longer unwanted. Too bad, my fate will not let me.

Meeting them is like a roller coaster ride, masaya, exciting, nakakatakot at the same time nakaka-kaba. I captured every moment I had with them, because I know that situation like this might happen.

Kasi noong una palang, naghihinala na ako. Hindi normal maging mabait sa gaya ko, the fact palang na alam nila kung anong kulay ng mga mata ko. Pinakita ko na sakanila pero wala silang reaksyon, parang normal lang. I thought that maybe because they accept all of me kaya gano'n, but I'm not that dumb. Maybe I'm young, too dumb to believe that it's really posible for someone to accept me.

Pero gano'n naman talaga 'diba? We're too young and too dumb. Puro laro at pasarap ang iniisip natin, kasi nga bata tayo. Kasi hindi pa tayo mulat sa pait ng mundo. But painful experience like this will make us stronger.

Kapag bata, kahit hindi kapani-paniwalaㅡpapaniwalaan nila. Kapag bata kahit imposibleㅡaasa. Kasi gano'n talaga.

But maybe, we can't really ready ourself from hurting. Hindi mo pwedeng saktan agad yung sarili mo para lang maging handa sa mga sitwasyon na ganito, kahit handa ang isip moㅡhinding hindi magiging handa ang puso mo sa magiging pagkawasak nito.

Our heart will never be ready to be broken.

May hinala ako pero hindi ko alam na ganito kalala. May alam ako pero hindi ko alam na ganito kasakit ang nagawa nila. Alam kong may mali, pero hindi ko alam...na ganito pala.

That everything we had were all scripted.

All the laughters, happiness, memories, moments, deep talks, and all weren't true. None of them are real that's why whenever I'm with them, everything just feel so unreal.

Because in the first place, nothing are real.

Parang movie lang, gawa ng malawak na imahinasyon ng sumulat. Pero alin man do'n ay hindi makatotohanan. Funny how we compare our situation to a movie. It all happen in real life. Damn it, really.

The Unwanted ChildWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu