Chapter 1

12.1K 307 14
                                    

Leilina Lucerne Lusitania

Sa isang maliit na barong-barong kung saan malayo sa bayan, puro tunog ng suntok at sipa ang maririnig sa isang dalagang nag-eensayo sa malawak na bakuran sa likod ng barong.

"Lina! Tama na muna iyan! Magpahinga ka muna at kainin ang inihanda Kong pagkain!" Pigil sa akin ni Nanay.

Napahinto ako at nilapitan si Nanay.

"Nay kahit hindi na sana kayo nag handa ng pagkain. Busog pa naman po ako."

"Anong busog pa? Bumangon ka ng madaling araw at nagsimulang mag-ensayo na walang laman ang tiyan, hindi ka naman kumain kagabi tas sasabihin mong busog ka pa. Nako Lina tigilan mo nga ako. Pano ka lala-" Pinigilan ko nang mag-salita si Nanay.

"Ito na nga po at kakain na, hindi naman po kailangan pag sabihan."

"Papaanong hindi kailangan pag sabihan, ang tigas ng ulo mo. Ewan ko ba kung saan ka nagmana." Natatawa na lang akong lumapit at niyakap siya sa likuran.

"Siyempre sa kagandahan sa inyo, pero sa katigasan ng ulo malamang kay Tatay." Natatawang nag-iling ng kaniyang ulo si Nanay.

“Loko kang bata ka. O siya matanong ko nga kung bakit at anong nakain mo at nag-eensayo ka?” Naramdaman kong parang kinakabahan si nanay sa kung ano isasagot ko.

Bakit nga ba?

*Flashback*

“Gising Lina. Gising. Kailangan mong malaman kung sino ka.” Sabi ng mumunting tinig saking isipan.

“Sino ka? Anong kailangan kong malaman kung sino ako. Ako si Leilina Adina.” Balik ko sa kaniya.

“Mali ang mga bagay na alam mo. Mali ang pagkakakilanlan mo sa sarili mo. Mali ang mga sinabi nila sayo.” Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya.

“Hindi ako naniniwala sayo. Sino ka ba? Magpakita ka.” Bumangon ako at natagpuan ko ang sarili kong nakahiga sa isang malaparaisong lugar. Maraming makukulay na bulaklak, iba’t ibang klase ng mga puno at ang iba ay hitik pa sa bunga. Mapayapa kahit saan ka tumingin.

Inikot ko ang buong paligid at hindi pinansin ang tinig na kinakausap ko. Napamangha ako sa talon na walang kasing linaw, makikita mo ang mga isdang nagsasayaw sa ilalim ng tubig. Parang ayaw ko ng umalis sa lugar na ito. Pero mali ito.

Kinurot ko ang sarili para maibalik sa realidad.

“Nasaan ka na? Magpakita sabi!” Inikot ko ang paningin pero wala pa rin akong makita.

“Hindi ko kinakailangang magpakita sayo. Ako at Ikaw ay iisa. Ako ang natutulog mong katauhan sa loob ng iyong katawan. Kaya maniwala ka sa akin, kilala kita dahil tayo ay iisa.”

Napatanga ako sa sinabi niya.

“Harapin mo ang iyong sarili sa tubig ng talon” Ginawa ko ang sinabi niya.

Nagulat ako ng nag-iba ang aking anyo sa aking repleksiyon sa tubig. Napakaganda niya, para siyang isang prinsesa kung ituturing pero kung titignang mabuti ako nga ito.

“Naniniwala ka na ba?” Tanong ng repleksiyon na nasa tubig.

“Malapit na. Ano ang nalalaman mo tungkol sakin?” Parang may nagtulak sakin na maniwala at makinig sa kaniya.

“Una sa lahat, ang totoo mong pangalan ay Leilina Lucerne Lusitania. Ibig sabihin hindi mo totoong mga magulang ang kinikilala mo at nag-aalaga sayo sa loob ng maraming taon. Mayroong kang kapangyarihan, hindi lamang pagdating sa pisikal na pakikipaglaban ang iyong kayang gawin ngunit ikaw na ang bahalang umalam kung ano ang iyong kapangyarihan.” Hindi ako makapagsalita sa nalaman.

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now