Chapter 5

3.2K 133 0
                                    


Leilana Lucerne Lusitania


“Nay, Tay!” Sigaw ko sabay takbo papunta sa kanila upang yakapin. “Anak.” Sabi ni Nanay habang hinahaplos ang buhok ko.


“Paano po kayo nakawala kay Zenon?” Tanong ko sa kanila.


“Hindi rin namin alam anak, nasa gitna na lang kami ng lugar na ito pagkagising namin.” Sabi ni Nanay.


“Hindi namin alam kung saan pupunta kaya hinanap na lang namin ikaw.” Dagdag pa ni Tatay.


Niyakap ko ulit sila ng mahigpit. “Ang mahalaga ay kasama ko na kayo ulit.” Maluha-luha na sambit ko.


“Mahal ka namin anak, tandaan mo kami lang ang tunay at nag-iisa mong pamilya.” Napahiwalay ako ng yakap sa kanila.


Nagulat na lamang ako ng may matinding kirot na sumirit sa aking puso. Hinawakan ko ang dibdib at namilipit sa sakit, “Ah!” sigaw ko lamang ang maririnig.


Napabalik ako sa aking huwisyo ng bumulong sa akin ang isang boses. “Huwag paiiralin ang emosyon at ganun din ang puso sa lahat ng bagay minsan kailangan mo ring gamitin ang iyong utak.” Doon lamang pumasok sa utak ko na boses ni Hestia ang aking narinig.


Ibinalik ko ulit ang aking tingin kayla Nanay. Nagulat na lamang ako ng magbago ang kanilang itsura sa isang nakakatakot na nagwawalang halimaw. Nasa ilalim ako ng isang ilusyon! Ilusyon lang ang lahat!


Muntik na akong mapuruhan sa pag-atake ng dalawang halimaw buti na lamang ay nakabalik ako sa katinuan at naiwasan ang kanilang tira. ‘Ah!’ Sigaw ko sa aking pagkakatalsik nang sinubukan kong lumapit upang gamitin ang aking nalalaman sa pisikal na pakikipaglaban ngunit naunahan nila ako sa pag-atake.


“Gamitin mo ang iyong kapangyarihan.” Boses Hestia ang aking narinig.


Nag-isip muna ako kung gagamitin ko ba ang aking kapangyarihan, natatakot ako na baka mawalan ako ng control.


“Alalahanin mo lagi sa sarili mo na kaya mo. Hindi ako ang makakatulong sayo para makontrol ang iyong kapangyarihan kundi ang sarili mo. Gabay mo lamang ako sa lahat ng iyong gagawin.”


Huminga muna ako ng malalim bago ko pinalabas ang aking kapangyarihan. Muli ay naramdaman ko ang apoy na bumabalot sa aking mga kamay. Inihanda ko ang sarili dahil nakita kong pasugod na ang mga halimaw. Humanap ako nang tiyenpo kung kailan sila titirahin. Bago pa man sila makalapit ay pinatamaan ko sila ng apoy kaya tuluyan silang natupok nito at naglaho bilang mga abo sa hangin. Napahinga ako ng malalim.


(Palakpak) Narinig ko ang palakpak ng isang taong naglalakad papalapit sa akin habang nawawala ang makapal na usok na nakapalibot sa lugar.


“Magaling Prinsesa.” Sabi ni Hestia pagkalapit sa akin. “Nalagpasan mo ang pagsubok na aking binigay. Ngunit ang pagsubok na iyon ay simple pa lamang kailangan mong paghandaan ang mas mabibigat na pagsubok para sa iyo.”


Niyakap ko siya.  “Maraming salamat Goddess Hestia! Pero totoo bang kaya ko ng kontrolin ang kapangyarihan ko?” Tanong ko sa kaniya.


“Basta mayroon kang tiwala sa sarili mo ay kaya mo itong kontrolin ngunit huwag pauunahin ang emosyon, maaari itong maging dahilan ng iyong pagkakapahamak.” Napatango lang ako sa sinabi niya.


“Kailangan ko ng magpaalam Goddess Hestia sa susunod na lang.” Pagpapaalam ko sa kaniya.


“Walang anuman Mahal na Prinsesa.” Muli itong yumuko sa harapan ko. “Hanggang sa muli.”


“Nandito na po tayo.” Paggising sa akin ng isang kawal na naghatid sa akin.
“Maaari ko bang itanong kung bakit hanggang dito niyo lang ako dapat na ihatid?” Tanong ko dito.


“Dahil mararamdaman nila na may nakapasok na kalaban.” Napatango ako sa sinabi nito, oo nga naman.


“Sundan niyo lamang po ang ilog na iyan at sa dulo ay makikita niyo na ang tarangkahan ng Academia Lusitania.” Itinuro niya ang mga direksiyon na dapat tahakin at dapat gawin upang marating ko ang paaralan. “Maraming Salamat.” Pinasalamatan ko ito dahil di naman ito mukhang masama.


“Looks can be deceiving Princess.” Nagulat ako sa pagbabago nito ng kaniyang tono. “Huwag na huwag kang mabilis na magtitiwala. Lahat ng sinabi at sasabihin ni Zenon saiyo ay huwag mong pagkakatiwalaan.”


“Saglit lang, hindi kita maintindihan, sino ka ba? Hindi bat kakampi ka ni Aise?”


“Paumanhin Prinsesa ako si Llyr ang kanang kamay ni Prince Zenon.” Napasigaw ako dahil muntik na akong malaglag sa pagkakababa, buti na lang ay nahawakan ako kaagad ni- “Ano ulit pangalan mo?” Hindi ko kasi naintindihan.


“Ang pangalan ko ay Llyr.”


“Kung ganon Llyr bakit mo sinasabi ang mga bagay na ito.” Itinaas niya ang kaniyang kamay at nakita ko din ang pulseras na katulad ng sa akin.


“Katulad mo ay hawak din niya ako ngunit wala akong pamilya.” Walang kabuhay-buhay na sabi nito sa akin. Nalungkot ako sa sinabi niya. “Lumakad na po kayo Prinsesa, magtataka ang Prinsipe kung magtatagal pa ako rito.”


“Ah sige. Salamat.” Yumuko lang ito sa akin at umalis na.


Hay. Buhay nga naman. Kinuha ko na ang aking mga gamit at tinahak ang lugar na itinuro ni Llyr. Ano kaya ang nangyari sa buhay niya? Bakit siya hawak ni Zenon? Anong nasa kamay niya para pasunudin si Llyr. Napabuntong hininga lang ako ulit.


Ang haba na ng nilalakad ko bakit parang ang layo naman ng Academia. Habang naglalakad ay ninanamnam ko ang ganda ng paligid. Hindi ako lumalayo ng aming lugar, sasama lang ako kay tatay sa karatig na baryo kapag may trabaho siya at pagkatapos noon ay uuwi na kami kaagad kaya hindi ko rin madalas makita ang ganda ng ibang bayan.


Ngunit iba ang ganda ng Lusitania. Ang lalago ng mga halaman at puno sa paligid, marami ring hayop na makikita at ang linaw ng tubig sa ilog. Ang payapa ng aking paglalakad ng may maramdaman akong kakaiba sa paligid, parang may mga nakatingin sa akin.


Pumikit ako at pinakiramdaman ang aking paligid. Salamat kay Hestia dahil sa mga pagsasanay naming ay tumalas ang aking pakiramdam sa lahat ng bagay. Pito sila.


Maxwell Thames


“Hayyyyy…Bakit kaya tayo ang pinagbantay sa front gate ng Academia? Mas gusto ko pang matulog na lang?” Humihikab na sinabi ni Pierre.


“Hoy nakalimutan mo na bang nandito tayo dahil sa kagaguhan mo?!” Sigaw sa kaniya ni Misty


“Kasalanan ko bang maling tao ang binangga ng lalaking iyon. Yun tuloy nakatikim.” Pamamayabang ni Pierre.


“Umayos ka nga parang hindi ka Prinsipe.” Pagpapaalala sa kaniya ng kapatid niyang si Dahlia


“Hoy Dahlia Kuya mo pa din ako, mas nauna ako sayo ng 2 minuto.” Sabi nito ngunit hindi siya pinansin ni Dahlia.


“Ano ba kasing nangyari?” Tanong ni Auria. Napa ‘Tsk’ na lang si Pierre kaya si Skye na lang ang nagkwento.


“Nabangga niya yung nakaaway niya sa cafeteria, tapos kung ano ano na yung sinabi nakabangga niya, alam mo naman si Pierre mainitin ang ulo kaya ayun nasuntok niya.” Kwento ni Skye.


“Pero hindi pa rin tama na pinatulan niya yun.” Sabi ko sakanila


“Tama nga naman.” Buntong hininga ni Auria.


“Someone is near.” Nagulat kaming lahat nang nagsalita si Blythe. Lahat kami ay naalarma dahil meron nga, buti na lang nandiyan siya.


Tumakbo kaming lahat at pinalibutan siya. Babae, isang babae. Napahinto siya sa paglalakad, siguro ay dahil naramdaman niya ang presensiya namin. Nagseniyasan kaming lumabas kaya lumabas kaming lahat.

______________________________________

More and more characters will be revealed 😊

Lovelots ❤️

Read Well 😘

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now