Chapter 39

2K 119 1
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


Magmula nang bumalik kami sa Academia ay naging malayo kami sa isa’t isa lalo na nang dumating ang fake na Leilina. Ang babaeng nagpapanggap bilang ako ay nakita ko na noon sa palasyo ni Zenon ng minsan akong naroroon.


Parati ko na ring nakikita na magkasama ang impostor at si Blythe. Halos hindi na sila mapaghiwalay, marahil ay kagustuhan ng kaniyang mga magulang.


Pagkatapos kong ibigay ang kwintas noong isang araw ay hindi na kami muling nagkausap pa ni minsan. Madalas din akong nag-iisa sa garden. Buti na lamang ay napapagaan ng mga bulaklak dito ang aking pakiramdam.


“Lina!” Napa-angat ako ng tingin kaya nakita ko sina Misty, Dahlia at Auria sa aking harapan.


“Ayos ka lang ba?” Napapansin ko, parang iyon na lang lagi ang tanong nila sa akin. Tipid akong ngumiti at tumango.


“Ahmm.. Kamusta kayo ni Blythe?” Nag-aalangan na tanong ni Misty.


“Wala na.” Isa-isang nanlaki ang kanilang mga mata at mabilis akong dinaluhan sa pagkaka-upo.


“Sinong tumapos? Bakit?” Tanong ni Misty habang hinahagod ang likod ko.


“Ako na ang tumapos. Ayaw ko man ngunit mas hindi kakayanin ng konsensya ko kapag lumabag si Blythe sa kagustuhan ng kaniyang mga magulang.”


“Very Blythe. Matigas ang ulo.” Sang-ayon ni Misty.


“Pero sana mas mabuti kung hindi tuparin ni Blythe ang propesiya na yan. Mas mabuting mamatay ang impaktang yun.” Nakangusong sabi ni Dahlia.


“Sinong mamamatay?” Tanong ko.


“Oo nga pala, hindi mo narinig ang kondisyon sa propesiya. Kapag hindi natupad ang propesiyang nakasaad ay mamatay sa kanila ang isa.” Nang ma-realize ko ang sinabi ni Auria ay nanlaki ang mata ko sa gulat.


“Buti na lang ay nakipaghiwalay ako.” Mabilis kong patong sa aking pagkagulat.


“Ayaw ko pa rin sa kaniya.” Humalukipkip si Dahlia.


“Bakit naman?” Pa-inosente kong tanong.


“Ang sama ng ugali niya. Porke’t siya ang Prinsesa ng Lusitania ay akala mo kung sinong umasta. Ang arte-arte, gusto niya laging magkasama sila ni Blythe. At kung tarayan niya kami Lina, makita mo lang, manggigil ka talaga.” Gusto kong matawa dahil sa pagra-rant ni Dahlia.


“Seriously Dahlia, ikaw ba ang girlfriend ni Blythe.” Natatawang sabi ni Misty.


“Basta ayaw ko sa kaniya.”


“Hayaan niyo na, siguro ay dahil hindi siya lumaki rito.” Sabi ko sa kanila kaya agad silang tumutol.


“Anong hayaan?! Ang dapat sa kaniya ay ipinapatapon sa silid ng mga nagkasala.”


“Oo nga, dapat sa kaniya sinasampal para madala.”


Alam ko sa sarili ko na ngayon ay malungkot ako pero pilit nilang pinapagaan ang loob ko. Nakapagpasya na ako na lalapit ako sa impostor na iyan para malaman kung ano ang balak niya para hindi mapahamak ang nasa Academia.


“Balik na tayo, panahon na para kilalanin ang Prinsesa.” Anyaya ko sa kanila at tumayo na.


Pagkatapos ng munting usapan namin kanina sa garden ay ipinatawag ang First Triad sa loob ng silid ni Headmaster Cove.


“Ikinagagalak kong makilala ka Mahal na Prinsesa.” Halos masuka ako sa sariling sinabi sabay lahad ng aking kamay.


“Likewise.” Tipid nitong sabi at hindi pinansin ang nakalahad kong kamay. Katabi nito ngayon si Blythe sa kabilang side habang sila Dahlia ay nasa likuran ko. Sila Maxwell, Pierre at Skye naman ay alam ko na ramdam nila ang tensiyon sa loob ng silid marahil ay hindi rin nila alam kung saan papanig. Patuloy pa rin kasi ang masamang tingin nila Dahlia sa impostor.


Pero bago pa magkaroon ng war sa loob ng silid ay dumating na si Headmaster Cove.


“Okay, right now the whole Lusitania is ecstatic because of the comeback of Princess Leilina. But we have a battle we must fight and win with. So Princess Leilina, we have found that the magical weapon is with you and given by your mother. By the way, did you already meet your parents?” Base sa tanong ni Headmaster sa kaniya kung nasaan ang mahiwagang sandata ay halatang wala siyang maisasagot.


“Not yet but they will come here later.” Mabilis na tumango si Headmaster.


“Okay, nasa iyo ba ang magic weapon Princess?” Balik na tanong ni Headmaster na parang may pinupuntirya.


“I still haven’t figure it out where it is yet.” Mabilis na sagot ng impostor.


“Stop asking questions. Kararating lang ni Leilina dito sa Academia. Really, you don’t know where your necklace is?” Mabilis na lumingkis ang impostor sa braso ni Blythe at mapang-asar akong tinignan.


“I don’t know it babe eh. Let me remember.” Mabilis rin ang pag-alma nila Dahlia pero mabilis ko itong tinutulan. Inaamin ko na nasasaktan ako dahil mas pinili ni Blythe na ipaglaban ito.


“By the way Headmaster, bakit niyo po kami pinatawag?” Tanong ko pero nagkibit-balikat lang si Headmaster.


“I know now kung saan!” Matining ang boses na sinabi ng impostor. “Nasa mga nag-alaga sa akin noon. And it’s in the baryo kung saan nila ako pinalaki.”


Tinignan ko ang impostor, sigurado ako na mayroon itong masamag binabalak. Kailangan ko kaagad silang masabihan bago mahuli ang lahat.


“Okay, First Triad, Pupunta kayo sa lugar kung saan lumaki ang Prinsesa. Gusto ko na protektahan niyo siya hanggang sa makakaya niyo.” Gusto ko sana itong tutulan ngunit nakita kong may maitim na aura na pumalibot kay Blythe. Tinignan ko ang mga kasama namin kung nakikita nila ito ngunit hindi nila ito pinapakialaman. Bakit hindi ba nila nararamdaman na mayroong itim na kapangyarihan sa loob ng silid na to? Mabilis na tumaas ang sulok ng labi ng impostor, alam ko na kapag tumutol ako ay may mangyayari na hindi ko magugustuhan.


“Yes, Headmaster.” Sabay naming sagot at yumuko.


Ilang beses akong humanap ng tiyempo para makausap ang impostor kaya nang nakahanap ako ay mabilis ko itong hinablot sa isang pasilyo sa Academia na walanng gaanong dumadaan.


“Ano ang balak mo rito?” Diretsa kong tanong sa kaniya.


“Pakialam mo. Mukhang ikaw ang nagpalaya sa traydor na Llyr pero so sad hindi mo man lang mapalaya ang sarili mo.” Sabay taas sa kamay ko.


“Huwag na huwag mong idadamay ang mga kaibigan ko.” Banta ko rito pero tinawanan niya lang ako.


“Ano ang sa tingin mo kung bakit ako naririrto?” Mapang-asar na tanong nito. Akmang sasakalin ko ito ngunit tila pinipigalan ako ng mga sarili kong kamay na gawin iyon.


“Tignan mo, ni hindi mo man lang magawa na saktan ako. Wala kang kwenta, ni hindi mo man lang natulungan ang mga tumayo mong magulang noong isinisigaw nila ang pangalan mo, mga kaibigan mo pa kaya?” Biglang nandilim ang paningin ko dahil sa kaniyang mga sinasabi. Nararamdaman ko ang kapangyarihan ko na nagpupumilit kumawala at alam kong naalarma siya dahil doon kaya mabilis itong sumigaw.


Mabilis naman na dumating sila Blythe at nadatnan kami sa posisyong na parang sinasaktan ko siya. Mabilis kaming pinaghiwalay ni Blythe.


“Ano bang ginagawa mo?!” Tanong ni Blythe sabay tulak sa akin.


“I don’t know. Tanong mo sa aso mo.”


“What?” Mabilis na tutol ng impostora. “I’m not a dog.” Dugtong pa nito.


“Itali mo kasi nakakawala e.” Walang emosyon kong saad sa harapan ni Blythe at nilagpasan sila.


______________________________________

There is one impostor among us chour hahahaha

Stay safe... Mag sagot na yung magsasagot ng module nila pero pag nahihirapan na give yourself a break saka ulit mag sagot, wag magmadali take your time...🥰

Enjoy reading!

Lovelots 💛







Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now