Chapter 26

2.1K 139 0
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


Pagtayo ko ay umikot ang paningin ko buti na lang ay mabilis si Blythe kaya naalalayan niya ako.


“Are you okay?” Tanong ni Blythe.


“Huwag kang mag-alala, ayos lang ako.”


“What healing power did you use? My healing power is not working.” Narinig kong sabi ni ng nanay ni Misty.


“It’s a technique use in Adina Familia of Healers.” Simple kong sabi dahil magtataka sila kapag sinabi kong binigay ko ang enerhiya ko dahil isa lang akong simpleng healer.


“Adina Familia? I’ve never heard about the kind of familia?” Masyado nilang inaalam ang paligid nila kaya no choice ako kung hindi ang mag-explain.


“We live in the mountains far from the city and we rarely go out.”


“I think ikaw lang ang makakaligtas sa iba pang walang mga malay.” Narinig kong sabi ni Ama kaya tumango ako.


Umalis ako sa pagkakahawak sa akin ni Blythe at pinuntahan ang iba pang walang malay. Marami na ang ayos na ang pakiramdam pero habang tumatagal ay nanghihina ako, pinapanuod pa rin ng iba ang ginagawa ko.


“Lina! Ano ang nangyayari sa kamay mo?” Napatingin ako sa aking kamay tulad ng sinabi ni Dahlia.


Lumilitaw ang mga ugat ko ngunit ang kulay ay nagiging itim. Mas lalong humihigpit ang kapit ng pulseras. Pinag-walang bahala ko ito at itinuloy ang aking ginagawa. Lumapit sa akin si Blythe at hinawakan ang kamay ko.


“Let yourself rest for a while, look at your hands, we don’t know the consequence of what you are doing.” Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Blythe.


“I’m okay, mas kailangan nila ang tulong ko kapag hindi naagapan ay maaari nila itong ikamatay.” Makikita na hindi ito sang-ayon sa sinabi ko pero kinalaunan ay hinayaan niya akong magpatuloy.


Naramdaman kong may tumutulong mainit na likido mula sa aking ilong ngunit pinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa ko.


“Lina!” Narinig kong sigaw nila pero hindi ko napansin.


Natapos ko ang ginagawa ko pero hindi na ako makatayo dahil nandidilim na ang mga paningin ko.


Narinig ko ang mga tanong sa paligid ko kung ayos lang ako ngunit hindi ko na rin ito marinig at tuluyan nang nawalan ako ng malay.


PAGMULAT ko ng aking mga mata ay nakita ko na naman kung nasaan ako. Suki na talaga ako sa Clinic. Suot ko pa rin ang gown ko mula kagabi? Hindi ko alam kung anong oras na.


Nakita ko ang tulog na Blythe na nasa tabi ko habang hawak ang kamay ko. Kaming dalawa lang ang nandito sa clinic. Naramdaman niya sigurong gumagalaw ako kaya napamulat ito ng mata.


“Ayos ka na ba?” Ngumiti ako sa kaniya at tinanguan siya.


“Ilang oras akong walang malay?”


“Halos tatlong oras na din.” Ang haba naman na pala.


“Kamusta nga pala yung mga ginamot ko?”


“Pagkatapos mong mawalan ng malay ay sila naman ang nagkamalay.”


“Pasensya na at pinag-alala kita.” Nakayuko kong sabi.


Naramdaman kong hinila niya ako ng marahan at niyakap.


“You were so brave but can you please put yourself first, look at your hands-

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now