Chapter 35

2K 126 0
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


Ano ang ginagawa niya rito? May balak ba siyag manggulo? Bakit ngayon pa kung kailan nagsasaya ang lahat? Bigla akong nataranta dahil sa nakikita ko.


“I am glad to see you here Princess.” Hanggang ngayon ay makikita mo ang mukha niyang walang kabuhay-buhay at purong kadiliman.


“What are you doing here Llyr?” Oo. Si Llyr ang nandirito sa harap ko.


“Of course- manggugulo?” May mga ngising nagkukubli sa sulok ng kaniyang labi habang binibigkas ang bawat salita.


“Hindi kita hahayaan.” Inihanda ko ang sarili ko sa kung ano ang kaniyang maaaring sagot o kilos.


Tumawa ito ng malakas. “Malakas na ang loob mo para suwayin ang ipinapagawa ng Prinsipe Zenon? Nakalimutan mo na bang hawak niya ang iyong mga tumayong magulang?”


“Hindi ko nakakalimutan ang kahayupan ng walang kwenta mong Prinsipe. Isa siyang duwag, gumagamit ng mga taonga lam niyang pipigil sa kalaban niya?”


“Ikaw ba Prinsesa, hindi ka ba isang duwag?” Napatigil ako dahil sa kaniyang mga sinabi. “Nagtatago sa likod ng mga taong nakilala at naging kaibigan.” Sinubukan kong pigilan ang sarili sa pamamagitan ng pagkuyom ng aking kamay ngunit alam kong sa mga oras na iyon ay handa na akong sugudin siya pero hindi ko dapat hayaan na kontrolin ako ng aking emosyon kaya sinubukan kong kumalma.


“Kahit kailan ay hindi ko sila gagamitin sa anong ikakapahamak nila. Ikaw Llyr, hindi mo ba alam na labis ang sakit na ipinaramdam mo sa mga taong nagmamahal sayo? Sa mga taong iniwan mo para lamang magpagamit sa isang tao na tulad ni Zenon? Hanggang ngayon ay nagbabakasakali silang babalik ka at muli silang makakasama.”


Nakita ako pagtatalo ng kaniyang kalooban sa mata. Alam ko na likas kay Llyr ang maging isang mabuting nilalang.


“Don’t you dare lie to me! Hawak din ni Zenon ang pamilya! And what? Hinihintay nila akong bumalik? Don’t make me laugh.” Sinong pamilya ang tinutukoy niya?


Naalala ko ang mga bagay na itinuro sa akin ng mga Diyosa. “I am not trying to. Yan ba ang mga pinaniwala sayo ni Zenon. Lahat ng bagay na yun ay walang katutuhanan! Hayaan mo akong tulungan ka, maipapaliwanag at masasabi sayo ng mga mahal mo sa buhay ang totoo.”


“Papaano mo ako matutulungan? Ang pulseras na ito ang nagsasabi na hawak ako ni Zenon at sa oras na trinaydor ko siya ay mawawalan ako ng pamilya!”


“Ang pamilya na tinutukoy mo ay ligtas at nasa loob ng pasilyo na dapat na sisirain mo para mapahamak lahat ng tao sa loob. Alam mo bang Engagement Party ng nakababata mong kapatid ang nagaganap sa loob? Matagal ka na nilang hinihintay.” Pinalumanay ko ang aking boses at inilahad ko ang aking kamay sa kaniya. Nakita kong bumalik ang natural nitong mata at aabutin na ang aking kamay ngunit bigla itong bumalik sa itim at muling lumayo sa akin.


“Paano ako makakasiguro na hindi mo ako niloloko?” Kahit walang kasiguraduhan ang aking gagawin ay pinili ko itong harapin at talunin ang kadiliman sa katawan ni Llyr. Ito na siguro ang magandang regalo kay Maxwell at kay Blythe pati na rin kay Miss Celosia. Alam kong higit silang naapektuhan sa pagkawala ni Llyr.


Ang gagawin ko sa kaniya ay ang mahikang sinubukan sa akin ng mga Diyosa upang tanggalin ang pulseras ngunit apat na sila ay hindi pa rin ito natanggal pero hindi ako susuko at susubukan ito kay Llyr.


Naramdaman ko ang sakit sa aking puso ngunit hindi ko ito ininda at pinagpatuloy at paulit-ulit na na ginawa ang mahika. Naramdaman ko ang pag-akyat ng mga itim sa marka hanggang sa aking balikatt ngunit napangiti ako ng makarinig ng tunog na para bang nabasag. Sa wakas, nagawa kong alisin ang pulseras sa pulsuhan ni Llyr. Naramdaman ko ang aking panghihina ngunit pinilit kong makatayo ng tuwid.


Nakaramdam ako ng yakap at alam kong si Llyr ito. “Maraming salamat Mahal na Prinsesa.”


“Alam ko kung ano ang iyong nararamdaman ngunit maaari mo bang alisin sa aking ang mga bisig mo baka magalit si Blythe.” Nakita ko ang pagtataka sa kaniyang mga mata ngunit alam kong nakuha na nito ang ibig kong sabihin.


“Kasintahan mo na pala ang batang yon. Handa akong ialay ang buhay ko dahil walang katumbas ang kabutihang ginawa mo sa akin Prinsesa. Pinalaya mo ako mula sa impyerno kong buhay.”


“Hindi lang ako ang nagpalaya sayo, alam ko kung papaano mo rin ito nilabanan. Nakikta ko sa iyong mata.”


“Prinsesa, suot mo pa rin ang pulseras, bakit ang aking ay natanggal mo na?”


“Sa kasamaang palad ay hindi ito gumagana pagdating sa akin.”


“Papaano ako ngayon haharap sa pamilya ko? Ang laki ng kasalanan ko sa kanila Mahal na Prinsesa.”


“Alam ko na, bakit hindi ka gumawa ng ingay at magpanggap na hawak mo ang aking buhay?” Nakita ko ang alinlangan sa kaniyang mga mata.


“Huwag kang mag-alala, magtiwala ka sa akin alam mo naman na mabubuti silang tao.” Kahit napipilitan ay ginawa niya pa rin ang sinabi ko. Ginawa ko pag itim ang kaniyang mata sa pamamagitan ng ilusyon para mas makatotohan.


Nang makagawa siya ng ingay ay mabilis na lumabas lahat ng nasa loob para tignan kung ano ang nangyayari.


“Kuya.” Narinig kong sabi ni Maxwell.


“Kuya Llyr, bitawan mo si Lina!” Narinig ko ang hagulgol ni Dahlia sa tabi ni Maxwell.


“Hindi ko siya bibitawan hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko.” Sinubukan din siyang kausapin ng mga magulang nito ngunit nakita ko si Blythe na malapit ng sumabog sa galit. Iniling-ilangan ko pa si Blythe dahil mabubulilyaso ang lahat kung papalabasin niya ang kapangyarihan niya.


Nakita ko ang pagpigil sa kaniya ni Misty at salamat dahil kumalma siya.


“Kuya Llyr! Kuya! Bumalik ka na sa amin, bakit ka ba nagkakaganyan? Itigil mo na to walang kahahantungan ang ginagawa mo napapaligiran ka nna Kuya. Maawa ka Kuya.” Nakita ko ang pagluhod ni Maxwell na mabilis na dinaluhan ni Dahlia.


“May ginawa ba kayo para sa akin?” Tanong ni Llyr.


Ang mas ikinagulat ko ay ang pagluhod din ni Blythe. Ang isang Blythe na kilala ng lahat bilang isang malamig na tao ay lumuhod sa kanilang harapan.


“Ako na lang Kuya! Patawarin mo kami, ako, dahil hindi ka namin nailigtas nung mga panahon na yun. Walang araw na hindi ko sinisisi ang sarili ko sa mga nangyari sayo, Patawarin mo ako.”


Pwede na. Ibinulong ko ito kay Llyr at unti-unti niya na akong binitawan at inalis ang itim sa kaniyang mga mata.


Mabilis ang naging kilos ni Maxwell at Blythe ay niyakap ang Kuya nila.

______________________________________

What a beautiful reunion 🥺

Enjoy reading!

Lovelots 💛



Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now