Chapter 40

2K 125 1
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


“I’m sorry dahil kailangan kitang ilayo sa lahat ng kaguluhan dito.” Pinanoud ko ang aking mga magulang kung gaano sila kasaya kasama ang impostora ko.


“Mother, it’s okay with me dahil alam ko na ginawa niyo lang po iyon para sa ikabubuti ko.” Hindi ko alam kung papaano kinakaya ng konsensiya niya magpanggap.


Pero kumunot ang noo ko dahil wala ang tingin ng aking ama sa impostor kundi nasa akin? Bakit? May sumibol na kasiyahan sa aking dibdib, sana alam ng aking ama na niloloko lamang sila.


“Masaya ako dahil kapiling ka na namin ngayon.” Mabilis na tinanggal ng aking ama ang kaniyang mga titig sa akin at niyakap ito. Hay.. Baka nangangarap lamang ako. Hindi na naman nakalagpas sa aking tingin ang mapang-asar na ngiti ng impostor sa akin.


“Sige na po, balik na po kami sa silid namin kasi pupuntahan namin bukas ang kwintas na ibinigay niyo sa akin. Pupunta na lang po ako sa palasyo bago ako ang kaarawan ko.”


“Sige mag-iingat ka hah.” Huling sabi ng aking ina bago sila umalis.


“Ano Leilina, masakit ba na hindi mo malapitan ang iyong mga magulang?” Bulong nito sa akin habang naglalakad kami pabalik sa building ng First Triad.


Akmang sasabunutan ko ito ngunit ng humarap si Blythe kaya hinaplos ko na lamang ito na parang aso.


“Magpakabait ka kasi.” Mabilis naman nitong tinanggal ang kamay ko.


“Pwede ba kitang maka-usap Lina?” Nagulat ako sa sinabi ni Blythe ganun din sina Misty. Tumango lang ako sa kaniya.


“Babe?” Makati na sabi ng impostor.


“Saglit lang ako.” Kahit nagmamaktol ang impostor ay kinaladkad na ito ni Dahlia at nagtungo na sa building.


“Huwag ka nang makisapal.” Natawa na lamang ako dahil sa kalokohan nila.


“Anong pag-uusapan natin?” Simpleng tanong ko kay Blythe ng kami na lamang ang natira.


“Bakit hindi mo sinabi na ikaw si L?”


“Bakit ko naman sasabihin sa isang taong naninira ng pangako?” Balik kong tanong sa kaniya.


“May dahilan ako kaya hindi na ako nakabalik nang sumunod na araw.”


“Pero pwede mong sabihin sa akin ang totoo, hindi iyong pinaasa mo akong darating ka pa.” Matigas kong sabi sa kaniya.


“Patawarin mo ako.” Hingi niya nang tawad.


“Matagal ko nang tinanggap kung ano man ang mga nangyari noon.”


“Ganoon na lang ba kadali na kalimutan ang sa atin Lina?”


Mabilis ko na ikinnubli ang emosyon sa aking mukha. “Madali lang naman kung may bago ka na.” Gusto kong masuka dahil sa sinabi ko ngunit patawarin mo ako Blythe pero para ito sa kaligtasan mo.


Tumawa ito ng pagak. “Nagbabakasakali lang naman ako kung mahal po pa ako.”


“Alam mo Blythe kung babalikan mo lang ang nakaraan mas maganda na balikan mo na lang yung aso mo. Mukhang mahal na mahal niyo naman ang isa’t isa.”


“Pagdudahan mo na ang lahat huwag lang ang pagmamahal ko sayo.” Ibinalik niya ang linya na sinabi ko rin sa kaniya noon.


“Alam mo Blythe, pagod ako, gusto ko nang magpahinga.”

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now