Chapter 14

2.4K 153 4
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


Pagkalabas namin ng classroom sabi sa akin nila Misty sa bahay na nila ako tutuloy. Ang first triad daw kasi may sarili silang bahay or building for safety measures din daw kasi. Hindi ko na rin kakailanganing alalahanin ang mga gamit ko dahil ito ay nailipat na.


Sinabihan ko silang mauna na muna dahil pupunta ako ulit ng Lost Magical Garden. Pagkapunta ko dito ay tiniyak ko munang wala si Blythe.


Umupo ako sa damuhan. Tinignan ko ang pulseras na nasa aking kamay. Pinilit ko itong tanggalin ngunit hindi ko talaga matanggal kahit noong kasama ko si Goddess Hestia hindi namin ito maalis sa aking kamay.


Naluluha na naman ako dahil hindi talaga maalis sa isipan ko na sobrang hina ko, walang kwenta ang mga malalakas na kapangyarihan kung hindi ko maililigtas ang mga mahal ko sa buhay.


Nawala ang mga nasa isip ko ng maramdaman ko ang pulseras na humihigpit sa aking kamay.


Narinig ko ang boses ni Zenon kaya ginamit ko ang aking kapangyarihan at pinakiramdaman ang paligid kung meron mang tao para hindi marinig ang usapan naming ni Zenon.


“Ano ang kailangan mo?” Bungad ko sa kaniya kaagad.


“Wala naman Dear Princess, naiinip lang kasi ako, any news?”


“Wala naman maliban sa gagawin namin sa Wisteria Forest”. Narinig ko ang pagtawa nito. Feeling ko sinusunog ako sa loob ko.


“Salamat sa pagiging masunurin Prinsesa, alam mo naman siguro kung ano ang mangyayari sa nanay at tatay mo kung hindi mo ako sinunod diba?” Narinig ko na naman ang malademonyo nitong tawa.


Yun lang ang huli kong narinig sa kaniya bago lumuwag ang pulseras kaya nakahinga ako ng din ako ng maluwag.


Hindi ko namalayan na naman ang mga luhang tumutulo galing sa mga mata ko. Hanggang kailan ba ako iiyak?


Maaga kaming tinipon ni Miss Celosia sa likod ng Academia dahil ito ang daan papunta sa Wisteria Forest.


Sila Dahlia humihikab pa. Nagrereklamo na bakit ang aga-aga.


“Lina ayos ka lang ba? Gusto mo kausapin natin si Miss Celosia?” Nagulat ako sa tanong ni Maxwell.


“Hindi na, Salamat Maxwell.” I heard Blythe scoffed. Ano problema niya?


“Magandang umaga sa inyong lahat. Pasensya na kung kinakailangan kong gisingin kayo ng maaga. Katulad nga ng sinabi ko isipin niyong isa ito sa inyong pagsasanay o isang misyon. Huwag kayong mag-alala dahil ang Wisteria Forest ay naglalaman lamang ng mga ligaw na hayop, wag lang kayong magkakamali na tawirin ang pagitan nito at ng Muguet Forest dahil wala na itong proteksiyon galing sa Academia. Mag-iingat kayo sa pagkuha ng dahon ng Wisteria Tree. Yun lang. Ah, isa pa pala by pair not by group. Mararamdaman ko kung nasa panganib kayo dahil sa kwintas na pinasuot ko sa inyo. Pero wala naman sana.” Naglaho bigla si Miss Celosia.


Lumapit ako kay Blythe dahil ganun din ang ginawa ng iba. Nilapitan nila ang mga partner nila.


“Alam mo ba kung anong itsura ng Wisteria Tree?” Tanong ko sa kaniya ngunit hindi niya ako sinagot at naunang naglakad. Galit ba siya? Doon ko lang napansin na kami na lang pala ang natitira.


Tahimik lang kaming naglalakad. Tinignan ko ang dala-dala niya, mukhang magaan lang iyon. Magaan lang din naman yung akin. Maiinom at pagkain lang ang dala ko.


“Alam mo ba kung saan nakatanim ang Wisteria Tree?” Nagtanong ako ulit dahil hindi niya sinagot ang tanong ko kanina. Papaano namin hahanapin ang Wisteria Tree kung hindi alam kung anong itsura at kung saan nakatanim diba?

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now