Chapter 10

2.5K 124 1
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


Pagkatapos na pagkatapos magsalita ni Headmaster Cove ay pinatuloy na ang mga estudyante sa kaniya kaniyang silid kung saan namin hihintayin ang tatayong Adviser naming sa loob ng tatlong buwan.


Paglabas namin ay bigla na naman akong dinamba ng yakap ni Dahlia.


“Lina, ang galing kasama ka namin!” Tuwang tuwa na sabi nito habang nagtatatalon.


“Oo nga, nagsasawa na din ako sa mga mukha ng kasama ko.” Dagdag ni Pierre


“Nakakahiya naman sa iyo.” Ganti sa kaniya ni Auria.


“Bakit parang malaking bagay sa ibang estudyante na kasama ko kayo?” Tanong ko sa kanila.


“Because your power is only on low level.” Nagulat kami nang biglang magsalita si Blythe.


“Ano ba Blythe?” Sita sa kaniya ni Skye.


“Makakasama natin si Lina ng matagal, dapat matuto tayo na pakisamahan siya.”


“Bakit ako ang magaadjust para sa isang katulad niyang mababa?” Sagot ni Blythe bago ito tuluyan na umalis.


Nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi ko na lang ipinahalata.


“Hindi ko kayo maintindihan pero sa tingin ko hindi maganda ang sinabi niya tungkol sa akin.” Yun na lamang ang sinabi dahil baka mag-away sila dahil sa akin.


Bakit ang dali para sa kaniya ang manghusga. Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil naninikip na naman ang dibdib ko. Ang sabi ni Goddess Hestia kontrolin ko ang aking emosyon.


“Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ni Blythe.” Sabay hagod sa likod ko ni Misty.


“Nakita siguro ni Headmaster Cove na magiging malaki kang tulong sa mga misyon namin.” Dagdag pa ni Maxwell.


“Ang mga estudyante dito sa Academia ay nahahati base sa kanilang kayang gawin.”


“Third Triad o lowest Triad ang tawag sa mga estudyante na nagsisimula pa lang na malaman o kontrolin ang kanilang kapangyarihan. Second Triad o middle triad naman ang mga estudyante na may alam tungkol sa witch crafts o sa……paggagamot. At ang highest triad naman ay ang First Triad kung saan kami nabibilang.”


“Baka tama lang ang sinabi ni Blythe na mababa lang ako. Totoo naman pala.”


“Hindi totoo yan.”


“Kasama ka na namin kaya nabibilang ka na ngayon sa First Triad.”


“Kahit panggagamot lang ang kaya ko?” Tinignan nila ako at ngumiti.


“Oo, malaki ng tulong sa amin yun.”


Alam kong kinokontrol ko ang emosyon ko pero parang hindi ko ito mapigilan pag sila ang kaharap ko.


“Punta na nga tayo sa sa silid natin.” Anyaya ni Misty sa amin.


Pagpunta namin kung saan ang magiging room namin ay doon lang namin nalaman na wala ang mga guro dahil may meeting sila pagkatapos ng naganap sa Central Hall.


Ngunit kapansin-pansin rin na wala si Blythe dito.


“Kadalasan naman ay walang ginagawa ang First Triad dahil puro pagsasanay at misyon ang ipinapagawa.” Tinanguan ko si Maxwell.


“Pwede ba akong maglibot muna sa Academia?” Tanong ko sa kanila.


“Pwede naman. Gusto mo samahan ka naming?” Sabi ni Dahlia

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now