Chapter 7

2.7K 131 2
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


Paglabas namin sa loob ng silid ni Headmaster Cove ay nagulat ako dahil dinamba ako ng yakap ni Dahlia.


“Sorry tungkol sa mga magulang mo.” Sabi nito sa akin.


“So-sorry?” Siyempre kailangan kong magkunwareng walang alam tungkol sa wikang ingles.


“Ayyy.. Oo nga pala. Ang ibig sabihin ng ‘sorry’ ay paumanhin.” Sabi nito kaya tumango tango na lang ako kunware ay naintindihan ko.


“Tara samahan na natin siya sa kaniyang silid.” Sabi ni Skye.


“Hindi ba mas maganda kung ililibot muna natin siya sa Academia?” Sabi ni Auria.


“Oo nga naman para hindi siya maligaw sa pagpasok niya.” Dagdag pa ni Misty


“Kayo na lang.” Si Blythe naman ang nagsalita at umalis na ito.


“Sige kayo na lang na mga babae. Babalik na rin kami.” Sabi ni Maxwell at mukhang nagkaintindihan naman kaming lahat, pumayag din sila Dahlia.


“Pagpasensiyahan mo na si Blythe ganun talaga yun.” Sabi ni Misty


“Pinsan ko yun pero hindi ko alam kung anong nangyari sa buhay niya. Dati naman ay hindi siya ganun. Nakikitawa pa siya sa amin ngunit ngayon kung magsalita ay hindi na lalagpas sa limang salita.” Dagdag pa nito. Kaya naman pala, may history.


Habang naglalakad kami ay iniisip ko kung bakit sumikip itong pulseras na aking suot kanina kaya napabuntong hininga na lang ako.


“May problema ba?” Tanong ni Dahlia sa akin.

“Wala naman.” Sagot ko rito.


“May napansin lang ako, hindi ka rin pasalita katulad ni Blythe.” Sabi ni Auria.


“Hindi ko lang gusto.” Yun na lamang ang sinabi ko sa kanila.


“Ito yung cafeteria, sabay-sabay kumakain ang estudyante dito, may tutunog naman bawat dorm kapag umagahan, tanghalian at hapunan na.” Sabi ni Misty.


“Pero pwede naman pumunta sa Cafeteria kahit ano mang oras dahil laging may nagtitinda sa loob. Ano, gusto niyo bang pumunta sa loob? Nagugutom kasi ako eh.” Sabi ni Dahlia, natawa naman ako.


“Bakit?” Tanong ko ng mapansin kong lahat sila ay nakatingin sa akin.


“Mas maganda ka kapag nakangiti ka or tumatawa.”


“Oo nga, para ka talagang isang Diyosa.”


“Wait lang kanina ko pa nakikita eh, may kahawig ka hindi ko lang maaninag kung sino.” Kinabahan ako sa sinabi ni Auria.


“Oo nga nuh, sino ba?” Dugtong pa ni Misty.


“Alam mo Lina, Lina na lang ang itatawag ko sayo ang haba kasi ng Leilina, kung gusto mo ng kausap nandito lang kami, kaibigan na ang turing naming sa iyo.” Sabi ni Dahlia kaya tumango na lang ako sa kaniya.


“Tara na samahan na natin si Dahlia.” Sabi ni Misty kaya pumasok na kami sa loob ng Cafeteria.


“Bakit walang mga estudyante?” Tanong ko sa kanila, kanina ko pa kasi napapansin na walang estudyante sa paligid.


“Oo nga pala nakalimutan namin na sabihin sa iyo, ang swerte mo dahil bukas pa lang simula ng klase dito sa Academia, kaya wala pang mga estudyante dito ay dahil nasa kaniya-kaniya pang bahay na tinutuluyan sa labas ng Academia ngunit meron namang mga estudyante ang ginustong manatili dito sa loob ng Academia.” Napatango-tango na lang ako sa sinabi ni Auria.

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now