Chapter 32

2K 130 0
                                    


Ace Blythecrelle Ignatius


“I was seven when I first met her. While walking in the forest, I saw her beside his father. She gave me a bright smile when our eyes met.” Una kong pagkwekwento kung papaano ko nakilala ang pinaka-unang itinuring kong tunay na kaibigan.


Tinignan ko ang ekspresyon ni Lina pero nakakunot lang ang noo nitong nakatingin sa akin.


“Saan gubat yon?” Tanong niya sa akin.


“It’s called Pyro Forest in my hometown.” Nakita ko ang paglaki ng mga mata nito pero ipinagwalang-bahala ko na lang ito.


“I saw her talked to her Father and when her father leaved, she approached me.”


*Flashback*


“Bakit nandito ka mag-isa?” She asked me as if I was not a stranger to her.


“Why you care?” I gave her a cold look but she just ignored it.


“You know having allies is better than being alone.”


“I don’t need allies.”


“Anong pangalan mo?” Hindi ko maiwasang tumingin sa mga matatamis na ngiti nito.


“Ace.” Simpleng sagot ko dito.


“Ganun lang kaikli ang pangalan mo? Edi iiklian ko rin ang sa akin, ang pangalan ko ay L.” Muntik na akong matawa sa sinabi nito na tila nakikipaligsahan ng ikli sa pangalan.


“Pangalan mo ba talaga yan?” Tumango-tango ito sa akin.


“Yan ang tawag sa akin ng ibang tao sa baryo namin.”


“Bakit ka ba nandito?” Ipinahiwatig ko ang kunwareng pagkainis.


“Wala naman, nakita ko kasi na para kang malungkot kaya nagpaalam ako kay Tatay na sasamahan na lang kita hanggang sa bumalik siya mula sa bayan.”


“Hindi mo ba naisip na baka masama ako?” Umiling-iling ito.


“Mas iisipin ko pa na kailangan mo ng kaibigan dahil sa itsura mo kanina.” Ano ba ang itsura ko kanina?


“Pwede ba kitang maging kaibigan?” Tanong sa akin ni L saka nilahad ang kaniyang kamay sa harapan ko.


Naging masaya ang mga sumunod na araw dahil nakahanap ako ng kalaro at kaibigan. Habang pinapalipas ang oras ay naglalaro kami ni L o hindi kaya nagkwekwentuhan. Tuwing umaga ay magkikita kami sa gubat at pagdating ng hapon ay uuwi ng pagod dahil sa kalalaro. Pero ng sumunod na araw ay may mahalagang sasabihin daw ang aking ama kaya hindi ko ito nasipot ng kinaumagahan.


“Blythcrelle, papasok ka na ng Academia kinaumagahan kaya ihanda mo na ang iyong mga gamit.” Wala akong nagawa kundi ang pumayag sa kagustuhan ng aking ama.


Nagmadali akong pumunta sa kagbatan kahit palubog na ang araw, nagbabakasakaling nandoon siya pero marahil ay wala na siya dahil hapon na. Pagdating ko ay wala akong nakita ni anino man lang. Kasalanan ko naman siguro dahil hindi ko siya nasipot nitong umaga.


Lumapit ako sa tabi ng puno kung saan niya ako unang nilapitan. Nakita ko ang isang batang babae na nakasandal at nakapikit ang mata.


“L?” Tawag ko sa kaniya. Dumilat ito ng mata pero ang mas ikinagulat ko ay ang pagtulo ng mga luha niya. Nagmadali ako sa tabi niya upang daluhan.


“Bakit ka umiiyak?”


“Kasi akala ko ayaw mo na akong kaibigan kaya di mo ako sinipot pero nagbakasakali ako na darating ka kaya hinintay pa rin kita.” Niyakap ko ito.


“Bakit naman kita magiging ayaw na kaibigan, ikaw lang naman ang kaibigan ko.”


“Talaga, Ace?”


“Oo.” Inabot ko ang kwintas na ibinigay sa akin noon ng Lola ko.


“L, itago mo ito hanggang bukas, kukunin ko ito sayo bukas.”


“Ang ganda naman nito Ace.”


“Alagaan mo ha.”


“Sabi mo eh. Nandiyan na si Tatay, sige mauna na kami. Paalam.”


“Paalam L.”


Leilina Lucerne Lusitania


Matapos ang kwento niya ay nakita niyang umiiyak ako kaya mabilis akong nagdahilan.


“Hindi mo naman sinabi na  nakakaiyak pala ang kwento mo.” Sabi ko pa habang pinupunasan ang luha ko.


“Up to now, hindi pa rin mawala ang guilt sa loob ko dahil sa panloloko ko sa kaniya. Hinanap ko siya sa Academia baka pumasok siya doon ngunit hindi ko siya nakita.”


Hindi ako makapaniwala na siya ang unang naging kaibigan ko. Lagi kong niyaya si Tatay na pumunta sa lugar nila para lamang makalaro siya. Nasaktan ako nang hindi niya ako binalikan kinabukasan. Inisip ko na wala na talaga siyang balak na bawiin sa akin ang kwintas na ibinigay niya.


Pero naisip ko na baka mayroon siyang dahilan kaya araw-araw ay bumalik ako sa lugar kung saan kami laging nagkikita hanggang sa natapos ang trabaho ni Tatay sa lugar na yun. Simula non ay hindi na ako nakatapak muli sa lugar na yun. Nagalit ako pero nag-isip ako ng maraming dahilan kung bakit hindi na siya muling nakabalik. Hiniling ko na lang na magkita kami ulit, binigay nga sa akin ang hiling ko ngunit hindi ko siya namukhaan ganun din siya, marahil ay bata pa lamang kami noon.


“Tara punta na tayo kung nasaan sila.” Hindi naman siya tumanggi sa yaya ko.


“Are you okay?” Tanong nito sa akin.


“Don’t worry, I’m fine.”


Pierre Arden


Hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako dahil sa mga sinabi ni Auria kanina. Parang isang sampal na nagpagising sa akin.


Lagi kong sinasabi sa kaniyang mahal ko siya upang biruin siya pero alam ko sa sarili na hindi yun para sa biro lamang. Totoo ang nararamdaman ko para sa kaniya kaya noong narinig ko na ikakasal siya kay Rafe parang tinanggal ang puso ko sa aking loob sa sakit.


Lalo na ng itinutulak ko pa siyang magpakasal sa ibang tao. At nang sabihin niyang mahal niya ako, hindi ko alam kung masaya ako dahil alam kong mahal niya rin ako o malungkot dahil tiyak na galit siya sa akin.


Nakita ko ang ina ni Auria kaya mabilis ko itong nilapitan.


“Oh, Pierre what can I do for you?”


“Your highness, I want you to stop the arrangement of marriage or Auria and Rafe.”


“And why?”


“Because I love her, and now I know that she loves me too, please your highness I’m willing to do anything for Auria. Please your highness, give me a chance.”


Nakita ko ang pag-ngiti nito pero hindi ko alam kung masama o mabuti ang ngiting yon.


“I’m giving you a chance but your chance is in the hand of Auria.” Sabay kindat sa akin.


“What do you mean your highness?” Nagkibit-balikat lang ito at nilagpasan ako.


I have to find Auria.

______________________________________

Wowerts naman pala ieh, Ace and L pa nga hshshshs

Pero Pierre already admitted his love for Auria~ go go go ka lang Pierre!

Enjoy reading!

Lovelots 💛

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now