Chapter 30

2.1K 142 0
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


“Mag-gagabi na, magpalipas na lang muna kayo rito.” Sabi ni Miss Abilene sa amin.


“Salamat po.” -Misty.


“Sige maghahanda lang ako ng hapunan.” Paalam ni Miss Abilene saka pumunta sa kusina.


Ipinaliwanag din ni Miss Abilene kanina sa mga Royals ang napag-usapan namin tungkol sa sandata at mukhang bukas din ng umaga ay tutuloy kami papunta sa kaharian nila Auria.


Lumapit sa akin si Blythe at umupo sa tabi ko.


“I thought I’ll lose you.” Ang OA naman ng lalaking to. Natatawa akong yumakap sa kaniya.


“Sigurado naman akong hindi ako sasaktan ni Miss Abilene kanina.”


“Kahit na, did you ask about those black markings on your arm?”


“Yes, but she doesn’t know what to do about it also.” Napabuntong hininga ito at yumakap sa akin pabalik.


“Huwag kang mag-alala, wala naman akong nararamdaman.” Pagsisinungaling ko.


“Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag nawala ka sakin. Gusto ko ang mga pagbabago sa akin simula ng dumating ka. I don’t want to return being a stone-hearted and expressionless bastard again.”


“I hope you can forgive me.”


“For what?”


“Nothing.”


Misty Oceane


“Nagka-usap na ba si Mang Renso at Miss Abilene?” Pagkatapos mag-gabihan ay nandito kami ngayon sa sala.


“Oo, ang sabi kanina ni Miss Abilene ay nagka-usap na raw sila ni Mang Renso at gagawa siyang muli ng mga patalim para sa tindahan ni Mang Renso.” Sabi ni Lina.


“Mabuti naman.” Lahat kami ay natuwa dahil muli nang babalik kung sakali ang sigla ng tindahan ni Mang Renso.


“Bukas nga pala, madaling araw ang alis natin patungo kila Auria.” Paalala ko sa kanila kaya napagpasyahan ng lahat na matulog na.


Akala ko lahat ay tulog na pero nakita ko ang pagbangon ni Skye sa kaniyang higaan at lumabas. Hanggang ngayon ay hindi kami makapag-usap ng maayos, kapag kakausapin niya ako ay hindi ko siya tinititigan sa mata at mabilis na tinatapos ang usapan.


Hindi ko alam kung papaano siya haharapin dahil sa mga kinilos ko nung nakaraan. Alam kong lagi ko siyang pinapangunahan pero mas maganda naman yung alam mo kaagad diba?


Kusang kumilos ang katawan ko sa pagkakahiga at sinundan si Skye sa labas.


“Hindi ka ba makatulog?” Tanong ko sa kaniya kaya napalingon siya sa direksiyon ko.


“Hmm…Bakit nandito ka? Malamig dito sa labas.”


“Skye, I want to say sorry, alam kong pinangunahan kita kaya-


“Bat nagsosorry ka nanaman?” Lumapit siya at ginulo ang buhok ko.


“Alam mo ba noong bago tayo umalis sa Academia, noong kinausap mo ako, tinanong mo ako kung gusto kita sa pagkabigla ko ay hindi ako nakapagsalita, kaya ang sasabihin ko sana sayo noon ay walang ibig sabihin ang pagkatahimik ko noon na ang akala mo ay walang ibig sabihin ang lahat ng ginagawa ko para sayo.” Natulala ako sa mga sinabi niya.


“A-ang ibig sabihin?”


“Oo (chuckles), I love you that’s why I’m doing all the things I can do even the small things just for you.” Parang nawala ang katawang lupa ko sa mga sinabi niya.

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now