Chapter 22

2.2K 139 2
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


“Anong nangyari kila Alexander at sa mga kasama niya?”


“Yung mga kasama niya binigyan lang ng mababang parusa at hinayaan na manatili rito sa Academia, si Alexander naman napaalis na ng Academia.” Sagot sa akin ni Maxwell.


“Mabuti naman at wala ng manggugulo sa atin. Mabuti na rin at hindi ganun kalalim ang sugat ni Blythe.”


“Ikaw Lina, magpahinga ka na rin muna, maayos naman na ang lagay ni Blythe. Tignan mo ang katawan mo puro pasa.” Tumango naman ako sa pahayag ni Misty.


“Huwag kayong mag-alala, ayos lang ako konting pahinga lang to.”


“Sige, basta magpapahinga ka ah.”


“Mauuna na muna kami Lina kasi pinapaliwanag ni Miss Celosia ang nangyari.” Sabi ni Auria.


“Saglit lang, hindi ba’t ako ang dapat na magpaliwanag?”


“Ayos lang daw sabi ni Miss Celosia basta magpapahinga kayo ni Blythe.”


“Sige, alis na kami Lina.”


Naiwan na kami ni Blythe sa loob ng clinic ng Academia. Mukhang suki na ko nitong clinic ah.


Hindi ko alam kung papaano kami naidala ni Blythe sa Clinic, hindi na rin ako nagtanong kila Misty dahil alam ko marami pa silang gagawin.


Magkalapit lang kami ng kama ni Blythe, hindi na rin ako umalis dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit nakahiga si Blythe dito sa clinic.


Umupo ako sa tabi ni Blythe at ginamit ang aking kapangyarihan upang pagalingin siya, itinigil ko lang ito nang alam ko ng mawala na ang sugat ni Blythe. Wala akong pakialam kung mapagalitan man ako ang kailangan ay mapagaling ko si Blythe.


Humingi ako ng maligamgam na tubig at pamunas sa tagapangalaga na nandoon sa clinic. Pinunasan ko si Blythe sa kaniyang mga braso, nang pupunasan ko na ang mukha niya ay biglang gumalaw ang kamay niya at hinawakan ang kamay ko.


Tinignan niya lang ako at pinakawalan na din ang kamay ko kaya pinagpatuloy ko ang ginagawa kong pagpupunas sa kaniya.


“Why did you do that?” Tanong nito pagkatapos kong punasan siya.


“What?” Taas-balikat kong balik sa kaniya.


“I know that you used your healing power on my wound but look at yourself your still full of bruises.”


“Stop arguing with me, I can’t heal myself but a simple rest will do.” Pumikit ito na para bang pinipigilan ang galit.


“What happen to Alexander?” Tanong nito matapos pakalmahin ang sarili.


“Si Alexander napaalis na ng Academia and the rest they already have their punishment.”


“How about the people that cause your bruises?” Hindi ako sumagot.


“Tell me you’re not planning to sue them, right?”


“Ayaw ko ng gulo.”


“I will not let this pass, even if I will be the one to catch who did that to you.”


“Come here you need to rest.” Naging malambot ang ekpresyon nito sa kaniyang mukha.


Lumapit ako sa kaniya at nahiga sa tabi niya. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kaniya pero ang alam ko lang masaya ako kapag kasama ko siya.

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now