Chapter 17

2.3K 136 3
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


“You would only obtain our powers if you are worthy of it.” Inulit ulit ni Godess Nova ang kaniyang sinabi kaya-


“Of course.” Taas noo kong sagot. Siyempre kung mamaliitin mo ang sarili pilit kang ibaba ng ibang tao. Kaya kailangan na isipin ko lagi na kaya ko.


Tumaas ang sulok ng labi ni Goddess Nova bago ulit ito nagsalita.


“Okay, shall we start.” Tatlo silang pumila sa harapan ko.


Wait. Huwag mong sabihin na sabay silang aatake sa akin.


“Isn’t unfair?” Tanong ko sa kanila baka bigyan ako ng awa diba?


“Nothing is unfair here my dear.” Kinabahan ako sa sinabi ni Goddess Maris pero hindi ako pwedeng panghinaan ng loob, para sa mga taong mahalaga sa akin.


Sabay-sabay silang tumakbo papunta sa akin kaya inihanda ko na lang ang sarili ko at agad kong pinamanhid ang aking katawan.


Sa una ay hindi muna sila gumamit ng kapangyarihan kundi ang kanilang kakayahan sa pisikal na pakikipaglaban ang kanilang ginamit upang ako ay atakihin.


Hindi ako makahanap ng butas dahil tatlo silang umaatake sa akin kaya wala akong magawa kung hindi ang umiwas ngunit napatamaan ako ni Goddess Nerissa sa akin tiyan kaya napaatras ako.


“Where not even starting, is that all what you’ve got?” Mapang-asar na tuya ni Goddess Nerissa.


Agad kong inaayos ang aking tayo at ako naman ang unang sumugod. Mas binilisan ko ang aking kilos sa pakikipaglaban sa kanilang tatlo. Natamaan ko si Goddess Maris kaya ito natumba sa gilid ngayon si Goddess Nerissa at Nova ang aking katapat.


Sabay ang ginawa nilang pag-atake ngunit pareho kong nasalag ito at inipit gamit ang aking mga kamay kaya pareho ko silang tinulak ngayon nagawa kong patumbahin silang tatlo.


Ngunit sa kanilang pagtayo nag-iba ang kanilang anyo at sa tingin ko ngayon gagamitin na nila ang kanilang kapangyarihan sa akin.


“Pyrokinesis.” Sabi ko at pinalabas ang apoy sa aking mga kamay. “Energy emission.” Dagdag ko pa kaya lalong mas lumaki ang apoy sa aking mga kamay.


Mukhang mahaba-habang gabi ito.


Paggising ko kinabukasan nakaramdam ako ng matinding pananakit ng katawan, hindi kasi ako tinigilan nung tatlong Diyosa na nakalaban ko kahapon. Totoo nga ang sinabi ni Goddess Hestia wala silang awa.


Naalala ko ang mga nangyari kahapon.


*Flashback*


Namumuo na din ang kanilang kaniya-kaniyang kapangyarihan sa kanilang mga kamay ngunit bago pa nila ako atakihin ay may naramdaman ako kaya pagsugod nila ay pinatay ko ang aking apoy sa kamay at tumayo lang sa gitna at hinayaan ang kanilang gagawin.


Sabi ko na nga ba. Wala silang balak na patamaan ako kaya pinadaplis lang nila ito sa aking gilid ngunit ramdam ko ang lakas ng kanilang kapangyarihan.


“Magaling.” Narinig kong pumalakpak ang tatlong Diyosa.


“Akala namin ay hindi mo makikita at mararamdaman ang gagawin namin.”


Yumuko sila sa akin na para bang humihingi ng tawad.


“Alam namin ang nangyayari sa iyo Mahal na Prinsesa ngunit patawarin mo kami dahil wala kaming magawa upang tulungan ka. Alam kong wala pang sinasabi sa iyo ni Hestia para hindi ka mag-alala ngunit kami rin ay isinumpa ng Hari ng Kahariang Nemesis noong naganap ang digmaan, hindi namin magagamit sa pinakamalakas na lebel ng aming kapangyarihan at hindi rin namin maaaring lisanin ang lugar na ito kundi ay tuluyan kaming mawawalan ng kapangyarihan.” Sabi sa akin ni Goddess Nova.


Kaya naman pala, ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit wala silang magagawa upang kalabanin si Zenon.


“Noong una ay hindi naming maiwasan ang mainis dahil lagi mong minamaliit ang iyong sarili, nasa paligid lang kami lagi ng lugar na ito at pinapanuod ka.” Naiintindihan ko ang sinasabi ni Goddess Maris.


“Huwag po kayong mag-alala, aalisin ko ang sumpang inilagay sa inyo at tutulungan na makalaya kayo dito.” Sabi ko sa kanila.


“Alam namin iyon at may tiwala kami sa iyo. Ano group hug?” Natawa na lamang kami kay Goddess Nerissa. Nagyakapan kaming lima ngayon ay kasama na si Goddess Hestia.


“Tuloy ulit ang ensayo.” Narinig kong sabi ni Goddess Nova ng naghiwalay kami sa yakap.


“Ensayo na naman.” Natawa kaming lahat sa turan ni Goddess Nerissa.


*End*


Yun ang dahilan kung bakit masakit ang buo kong katawan, ngayon kahit nananakit ay pinilit kong tumayo sa aking higaan at nag-ayos na ng sarili.


Pagbaba ko ay gising na din silang lahat. Ginugulo ni Dahlia si Maxwell, nagbabangayan si Pierre at Auria, si Misty at Skye parang walang pakialam sa paligid nila. At as usual si Blythe wala ring paki-alam sa nangyayari sa paligid niya at tahimik na kumakain. Hindi siguro ako magsasawa na tignan silang ganito kasaya. Paano na kaya pagnalaman nila ang tinatago ko? Hay.


“O Lina! Gising ka na pala. Halika na kain ka na, si Skye ang nagluto.” Tinignan ko si Skye.


“Lina bakit parang pagod ka? Masama ba pakiramdam mo?” Napalunok ako sa tanong ni Dahlia sa akin.


“Ayos lang ako. Marunong ka palang magluto Skye?” Pagdidivert ko ng topic.


“Aray ko naman, alam kong wala sa itsura pero marunong ako.” Natawa na lang kami sa sinabi nito.


“Faster, the training will start today, Miss Celosia said to me yesterday.” Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Blythe.


Panira naman to ng atmosphere. Wala kaming nagawa kundi ang magmadali.


Hindi kami pinadiretso ni Miss Celosia sa room kundi sa training grounds pero ang sakit talaga ng katawan ko wala talagang patawad sa akin sina Goddess Nova kahapon.


Kumpleto na kami dito sa training grounds at nandito na din si Miss Celosia.


“Today, you will be practicing with your partner.” Umupo si Miss Celosia sa bench na nasa grounds.


“What are you waiting for I already gave you your partners.” Nagulat kami sa sinabi ni Miss Celosia, ibig sabihin si Blythe pa rin ang magiging partner ko?


Lumapit sa akin sina Misty. “Ayos ka lang ba na si Blythe ang training partner mo?” Tanong nila sa akin.


“Huwag kayong mag-alala kahit papaano ay marunong ako pagdating sa physical combating.”


“Sabihin mo lang sa amin kung pahihirapan ka niya hah.” Tumango lang ako sa kanila.


“Start.”


Pumili na ng kaniya kaniyang lugar ang ibang Royals kung saan sila mag-eensayo samantalang kami ni Blythe ay nanatiling nakatayo sa aming pwesto.


“So, shall we start.” Lumapit ito sa akin. Pero may naiisip ako.


“Wait before we start let’s make a deal.” Sabi ko.


“What for?” Kunot noo nitong tanong sa akin.


“Wala lang. For fun?” Mukha itong nag-isip ng matagal.


“What’s your deal?” Taong nito sa akin.


“Kapag natamaan kita ng tatlong beses babawasan mo ang pagiging masungit mo.”


“Easy. It’s time for my deal.” Bigla akong kinabahan ng tumaas ang sulok ng labi nito.


“Sa oras na mapatumba kita…..” Ano ba yan? Pabitin ang lalaking to.


“You will grant my three wishes.”

______________________________________

3 wishes.... Ewan ko sayo Blythe 😒

Sanaol may mag-gragrant ng wish ko.

Enjoy reading!

Lovelots 💛



Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now