Chapter 18

2.2K 136 4
                                    


Ace Blythecrelle Ignatius


Humingi siya sa akin ng deal kaya binigay ko ang gusto niya.


“You will grant my three wishes.”


“Hindi ba parang unfair yun, sa akin isa lang tapos sayo tatlo.” Tumawa ako sa sinabi nito.


“In conclusion, isa lang naman talaga ang akin.”


“Ano yung tatlo mong hiling.”


“That’s for me to know and for you to find out.” Ngitian ko lamang ito ng nakakaloko.


“Deal?” Tanong ko kay Lina.


Sinimangutan niya lang ako pero kinalaunan ay pumayag din ito. “Deal. Pero no monkey business.”


“No monkey business.”


“Let’s start.” Ako ang unang sumugod pero agad niya itong nasalag.


Pinagpatuloy namin ang paglalaban, sa bawat tira na ginagawa namin ay mahahalatang ito ay napakabigat na parang ayaw magpatalo kaya nakukuha naming ang atensiyon ng ibang First Triad.


Masyado kong minaliit si Lina, totoong marunong siyang makipaglaban kahit siya ay hamak na healer lamang.


Natamaan ako ni Lina sa aking mukha kaya napangisi ito. “Isa.” Sabi nito at sumugod ulit.


Aaminin ko na ngayon lang ako nakaharap na nahirapan ako pagdating sa physical kahit ang mga kasama kong lalaki sa First Triad ay hindi ako magawang patamaan ni minsan. Kaya nabibilib ako sa kaniya.


Nagawa kong itulak ang kaniyang tira ngunit napaatras lamang si Linaa. Sumugod ako ulit upang hindi palagpasin ang pagkakataon na mapatumba siya ngunit bigla itong yumuko at pinatamaan ako sa likod.


“Dalawa. Mukhang mananalo ako.” Inaayos nito ang kaniyang tayo ngunit hindi nakalagpas sa aking paningin ang pagod a kaniyang mukha, kanina pa mukhang pagod ngunit nagagawa niya pa rin akong tapatan.


“You wish.” Sabi ko dito at sabay kami ngayong sumugod sa isa’t isa. Napansi kong nasa amin na lang ang atensiyon ng lahat pati na rin si Miss Celosia.


Hindi ko alam kung gaano kami katagal na naglalaban, ang alam ko lang talaga ay wala gustong magpatalo sa aming dalawa.


Sa wakas ay nakulong ko siya sa aking mga bisig kaya hindi ito makagalaw. Hindi ko na sinayang ang pagkakataon at ikinawit ko ang paa ko sa kaniyang mga paa at pinatumba ito ngunit bago pa siya bumagsak ay nagawa niyang abutin ang aking mga paa kaya sabay kaming bumagsak.


Nagawa ko siyang patumbahin ngunit-


“Tatlo.” Narinig kong sabi nito.


Agad akong tumayo at inabot ko aking kamay para tulungan siyang tumayo.


Leilina Lucerne Lusitania


Nagawa ko siyang patamaan ng tatlong beses ngunit nagawa niya rin akong patumbahin.


“Paano ba yan? It’s a tie.” Nakangiti nitong sabi sa akin.


Kanina pa siya ngiti ngiti, yung puso ko ang bilis tuloy ng tibok. Magtigil ka please.


“Gagawin mo ang sinabi ko and I’ll will grant you your three wishes.”


“Okay.” Simple lang nitong sagot.


“That’s enough for today. Everyone did a great job. Magpahinga na muna kayo.” At umalis na din si Miss Celosia.

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now