Chapter 41

2K 120 0
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


Si Dahlia ang sumalo sa atake na ang dapat ay para sa akin. Hindi ko alam kung papaano siya nakalapit sa akin pero iniligtas niya ako. Gustong-gusto ko ngayon na saktan ang sarili ko dahil sa nangyari. Hindi ko rin maisip kung papaano nagawa yun ni Blythe. Pero hindi ko siya dapat sisihin dahil wala siyang alam sa lahat ng mga ito.


“Patawarin mo ako Maxwell.” Tatlo lamang kaming nasa loob ng infirmary ng Academia.


“Wala kang kasalanan Lina. Alam kong ginawa iyon ni Dahlia dahil ayaw niyang masaktan ang kaibigan niya.” Pero nararamdaman ko ang sakit kay Maxwell dahil nakikita niya ang mahal niya na nasa masamang kalagayan.


Nangingitim ang braso ni Dahlia dahil sa atake na natamo niya. Magdadalawang araw na rin na walang malay si Dahlia ngunit hindi ako umalis sa tabi niya dahil hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili ko sa mga nangyari.


“Sige Lina, kukuha lang ako ng makakakain. Huwag mo ring parusahan ang sarili mo. Hindi magugustuhan ni Dahlia na makita kang nagkakaganiyan dahil lang sa kaniya.”


“Salamat, Maxwell.” Tumango lamang ito at lumabas na ng infirmary.


Tuwing kami na lang ang matitiira sa loob ng infirmary ni Dahlia ay sinusubukan ko itong pagalingin ngunit nahihirapan ako sa tuwing humihigpit ang pulseras na nasa akin kaya panay ang kirot ng dibdib ko.


Inilapat kong muli ang mga kamay ko kay Dahlia at sinubukan muli na pagalingin siya. Napapikit ako sa kirot na muling naramdaman ngunit hindi ako tumigil sa aking ginagawa. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi ng unting-unti nawala ang sugat ni Dahlia, pati na rin ang itim sa kaniyang braso ay wala na. Nang itinigil ko ang panggagamot ay hindi ko naramdaman ang mga binti ko kaya muntik na akong matumba. Buti na lamang ay nakahawak ako sa kama bilang suporta.


Sana ay tuloy-tuloy na ang paggaling mo Dahlia, kung hindi ko sana sinabi ang lahat sayo ay malamang hindi ka mapapahamak.


Oo, sinabi ko ang lahat ng aking lihim kay Dahlia.


(Flashback)


May lumapit sa amin na isang estudyante habang nag-uusap kami nila Misty sa garden tungkol sa pagdating ng impostor.


“Ipinapatawag po kayo ni Headmaster sa kaniyang silid.” Sabi nito at umalis na.


Naunang naglakad sina Misty at Auria, susunod na dapat ako pero naramdaman ko ang kamay ni Dahlia sa aking mga braso.


“Guys, mauna na kayo, papasama lang ako saglit kay Lina.” Paalam ni Dahlia kina Misty.


“Huwag kayong papahuli.” Tumango lamang si Dahlia sa kanila.


“Saan tayo pupunta Dahlia?” Tanong ko sa kaniya.


“May gusto lang sana akong linawin Lina.”


“Ano yun Dahlia?” Tumahimik ako at hinitay ang mga sasabihin niya.


“Ikaw ba ang tunay na Prinsesa Leilina?” Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Papaano niya nalaman? Bago pa ito makahalata lalo ay kaagad kong itinanggi ang kaniyang tanong.


“Saan mo naman narinig yan? At isa pa nandiyan ang prinsesa.”


“Hindi ako naniniwala na siya ang Prinsesa simula pa lang. Noong engagement party namin ni Maxwell, narinig ko na tinawag ka ni Kuya Llyr na mahal na prinsesa, akala ko tatawanan mo lang ang sinabi niya dahil biro lamang ito pero kaagad mo itong pinatahimik. Nakita ko kayong dalawa na lumabas kaya sinundan ko kayo at narinig ang mga pinag-uusapan niyo pero hindi ko maintindihan ang topic niyo.”


Ngayon alam kong wala akong kawala dahil sa mga sinabi niya. Wala akong ibang ginawa kundi ang tumango na lang at aminin na ako ang Prinsesa.


“Ako nga Dahlia.” Mabilis itong umiyak na parang bata at yumakap sa akin.


“Sabi ko na eh, mula pa lang nang pumasok ka sa Academia, naramdaman ko na. Pati ang pangalan mo.” Hinaplos ko ang buhok nito at tinitigan siya.


“Patawarin mo ako Dahlia, hindi ko ginusto na magpanggap kung sino ako.”


“Bakit naman Lina?” Itinaas ko ang kamay ko kung nasaan ang pulseras.


“Bago pa akong pumasok dito sa Academia ay nakuha na ako ng mga alagad ni Zenon ang prinsipe ng Dark Nemesis. Hawak niya ang mga magulang ko at ang gusto niyang kapalit ay ang pag-eespiya ko sa Academia, sa tuwing hindi ko sinusunod ang kaniyang kagustuhan ay papahirapan niya ang aking mga magulang. Mararamdaman ko iyon dahil sisikip ang pulseras sa aking kamay.”


“Kung ganoon ay hindi sadya ang nangyari sa Muguet forest kung saan unang nakita si Kuya Llyr at ang ibang pagpasok ng kalaban sa Academia.” Tumango ako sa mga sinabi niya. Akala ko ay magagalit na ito sa akin dahil humiwalay siya sa yakap niya sa akin.


“Iyang mga itim na marka sa braso mo, dahil sa pulseras na suot mo at kontrolado ng kalaban?”


“Ang pinag-usapan namin noon ni Kuya Llyr ay tungkol sa mga tumayong magulang ko na hawak ni Zenon. Matagal na pala niya itong pinatay at niloko lamang ako para gawin lahat ng gusto niya. Ang mga itim na marka na ito ay bigla na lamang sumulpot at hindi ko alam ang gagawin nito sa akin.”


“Hindi ako magagalit sayo dahil alam kong ikaw din ang gumagawa para maayos ang lahat. Pero bakit hindi ka na lang humingi ng tulong sa amin?” Natigil ako sa tanong niya.


“Naisip ko na iyon noon ngunit ayaw ko kayong mapahamak.” Yumakap ito ulit sa akin.


“Masaya ako dahil kapakanan namin ang iniisip mo pero hanggang kailan ka tatakbo?” Hanggang kailan nga ba?


“Dahlia, kailangan ko ang tulong mo, ang impostor ay mayroong masamang balak, kailangan mo siyang pigilan kapag may nangyari sa akin.”


“Pero Lina-


“At gusto kong ilihim mo pa rin ang pagkatao ko. Alam ko sa mga sandali na ito ay gagamitin ng impostor ang panloloko ko sa inyo.”


“Pero alam kong maiintindihan nila kapag nalaman nila ang totoo at alam kong ikaw ang papanigan nila.” Sana nga Dahlia. Sana nga.


“Halika na punta na tayo kila Headmaster.”


(End of Flashback)


“Gising ka na, birthday ko na bukas.” Bulong ko kay Dahlia. Hinalikan ko ang kaniyang noo at naglakad na papuntang pinto ngunit pagbukas ko ay ang mukha ng impostor ang bumungad sa akin.


Magsasalita na sana ako ngunit hinawakan niya ang buhok ko at kinaladkad ako hanggang sa labas. Pag-angat ko ay nakita ko ang mga galit na mukha ng First Triad, may ilang kawal na nandito at ang ibang estudyante ay nakapaligid na rin sa amin.


“Walang hiya ka, napahamak si Dahlia ng dahil sayo at hindi ko nakuha ang kwintas! Isa kang traydor! Manloloko!”


Ngayon alam ko na kung bakit galit ang emosyon na makikita sa kanilang lahat. 

______________________________________

In a relationship, friends or a special someone, trust is the most important because love is useless if you don't trust each other.

HELLO! I'M BACK HUHUHU...
Sorry ngayon lang ulit naka-ud masyadong busy sa school ieh. Andaming requirements huhuhu...

Thank you sa support niyo sa mga nagbabasa pa rin ng story na to...

Enjoy reading!

Lovelots 💛



Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now