Chapter 8

2.6K 139 1
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


Inilibot pa ako nila Dahlia pagkatapos namin sa Cafeteria at ipinakita sa akin ang maraming lugar dito sa loob ng Academia at ang pinakagusto kong lugar sa lahat ng ipinakita nila ay ang tinatawag na Lost Magical Garden.


Tinawag daw itong ‘lost’ dahil nawawala ang pinagkukunan ng buhay nito, ang Mahal na Prinsesa na hindi ko alam kung sa kabutihan o kasamaang palad ay ako.


Pagkatapos ng naganap sa loob ng Cafeteria ay hindi na muli nilang binalak na magtanong. Mabuti naman dahil hindi ko na alam ang isasagot ko kapag nagkataon.


“Ito na ang kwarto mo. Wala ka sigurong kasama diyan dahil lahat ng estudyante ay mayroong sari-sariling silid na tutuluyan dito sa Academia.”


“Maraming Salamat.” Sabi ko sa kanila sabay yuko.


“Walang anuman, basta ikaw.”


“Oo nga, kung may kailangan ka o gustong malaman, huwag kang mahihiyang lumapit sa amin.”


“Kaya nga, hindi ko din alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam namin pag kasama ka namin.”


“Salamat.” Yun lamang ang nasabi ko sa kanila.


“O siya, siguradong pagod ka, pasok ka na.” Yun lang ang sinabi nila at tuluyan ng umalis.


Pagpasok ko sa loob ay nakahinga na ako ng maluwag. Sa sobrang kabaitan na ipinapakita nila sa akin ay kinakain na ako ng konsensya ko. Hindi ko na alam talaga ang gagawin ko.


Huminga ako ng malalim at isinantabi lahat ng nasa laman ng aking isipan.


Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto. Maluwag ito at nandito na lahat ng kakailanganin, mas malaki pa ito sa dati naming tinitirahan.


Abala ako sa pag-aayos ng aking mga kagamitan nang biglang umilaw ang pulseras na nakasuot sa akin.


“Kamusta ang pagpasok sa Academia Prinsesa.” Boses ni Zenon ang narinig ko mula sa pulseras.


“Ano ang kailangan mo?” Yun ang ibinungad ko sa kaniya.


“May nalaman ka bang impormasyon?” Nagdalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya ang mga nalaman ko ngayon. Pero sila Nanay?


“Ang pagpasok dito sa Academia ay sa pamamagitan ng lagusan sa tarangkahan ng paaralan. Yung malilinis lang ang budhi ang tiyak na makakapasok.” Sinabi ko sa kaniya ng walang kabuhay buhay.


Tumawa ito ng malakas. “Nagulat ako at nakapasok ka pa? Ipagpatuloy mo ang ginagawa mo Prinsesa at magiging ligtas ang iyong mga pekeng magulang. Huwag kang mag-alala hindi nila malalaman ang ganito nating usapan dahil dugo mo ang ginawa kong proteksiyon ng pulseras na ito.” Bago nawala ang liwanag sa pulseras ay maririnig ulit ang malademonyo nitong tawa.


Doon lamang bumagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan na tumulo mula sa aking mga mata.


Hinayaan ko lamang ang mga ito na tumulo. Prinsesa nga ako ngunit may pakiramdam din ako na nasasaktan. Humiga ako sa aking kama at hinayaan ang sariling makapagpahinga mula sa mahabang araw.


Ano ang magagawa ko kung sa simula pa lang ay pagod na ako?


Naging mahaba ang gabi ngunit maaga akong nagising at inihanda ang aking sarili para sa panibagong araw.


Nagdesisyon ako na kakalimutan lahat ang mabibigat na pakiramdam at mga negatibo sa akin isipan. Ngunit gagawin ko ang lahat upang mailigatas sila nanay at sisikapin kong hindi makasakit sa loob ng Academia.

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now