Chapter 2

4.7K 173 0
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


“Nanay punta lang po ako sa burol at magpapahangin.”


“O siya sige pero mag-iingat ka at bumalik bago maghapunan.”


“Opo.”


Naglakad na ko papuntang burol. Maraming mga tanong ang umiikot sa loob ng aking isipan lalo na kung buhay pa ba ang mga totoo kong magulang.


Papayagan kaya ako nila nanay kung sakaling gusto kong pumunta sa may gitnang bayan para hanapin at alamin kung nasaan ang mga tunay kong magulang. Pero hindi ko alam kung saan mag-uumpisa.


Hay buhay. Ang alam ko lang sa buhay ko, isa lang akong simple at masiyahing dalaga na anak nila tatay at nanay. Hindi pala. Ang gulo pala ng buhay ko. Ano kaya ang gagawin ko? Hindi ko din alam.


Hindi ko napansin ang mga luhang nag-uunahan sa aking mga pisngi. Tumayo ako sa pagkakaupo at napagdesisyonan na ituloy dito sa burol ang pag-eensayo.


Suntok dito, sipa doon. Wala akong ginawa kundi mag-ensayo. Pero napatigil ako ng sandali at napaisip. Tinignan ko ang aking kamay. Ano kaya ang kapangyarihan ko? Wala sigurong espesyal sa akin dahil hindi naman ito lumabas noong bata pa ako o baka wala naman talaga.


Naisip ko baka hindi talaga totoo na may kapangyarihan ako. Kasi naririnig ko sa mga karatig na baryo, bata pa lamang ay malalaman mona ang iyong kapangyarihan kaya mula noon nakatatak na sa isipan ko na wala akong kapangyarihan dahil wala namang lumabas nung mga nasa batang edad pa lamang ako.


Inabot ako ng antok at nahiga sa damuhan upang ipikit ang aking mga mata para magpahinga. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kaiisip kung ano na ang nangyayari sa buhay ko.


Someone’s POV


“Sire, we have found where she’s hiding.”


I faced my servant and I can’t stop myself from smiling upon hearing that good news.


“Where is she?”


“She’s hiding far from the Lusitania. In a small house far from many people.”


“Who’s with her?”


“I think she’s with some people whom she acknowledges as her mother and father.”


“Do they have elemental powers?”


“I don’t think so Sire, they are just healers, what shall we do?"


“Get some of our troops and get the girl.”


“Yes Sire.”


Finally,.


*End


Leilina Lucerne Lusitania


Paggising ko ay nakita kong palubog na ang araw kaya napagpasiyahan ko ng magsimulang maglakad at umuwi sa bahay.


Pagdating ko sa bahay ay nandoon na rin si Tatay at mukhang nasabi na sa kaniya ni Nanay na nalaman ko na ang katotohanan.


“Anak, alam mo na pala ang totoo?” Tanong sakin ni tatay.


“Opo, pero huwag kayong mag-alala hindi ko kayo kayang iwan. Tay san ka nga pala galing? Kanina ring paggising ko ng madaling araw ay wala na kayo.”


“Sa may bayan, pumunta ako sa huling lugar kung saan ka namin nakita kasama ang iyong tunay na ina. Baka sakaling magpakita ang mga magulang mo, tatlong buwan na lang ay sasapit na ang ika-labing walo mong kaarawan.” Nalungkot ako sa sinabi ni tatay. Kung buhay pa kaya sila may pakialam pa kaya sila sakin?



“Hayaan niyo na po muna, tatay. Pero papayagan niyo po ba akong pumunta sa may gitnang bayan? Tila nagulat sila nanay at tatay sa sinabi ko.


“Ano naman naisip mo at gusto mong pumunta sa bayan. Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sayo kanina, desperada ang tunay mong magulang na ilayo ka sa lugar na iyon!” Nagulat ako sa sinabi ni Nanay dahil napataas ito ng boses. Ano bang mali sa gusto ko?


“Nay, baka lang naman ayaw nila akong masama sa digmaang naganap sa gitna ng dalawang kaharian.” Pilit kong paliwanag para payagan nila ako.


“Tama ang sinabi ng nanay mo anak, at tsaka sabi mo kanina hayaan muna kaya hayaan mo na lang din kami ang maghanap sa mga magulang mo, malay mo naghahanapan din kayo ng totoo mong magulang.” Dagdag ni tatay.


“Sige po.” Wala akong nagawa kundi sumang-ayon na lang sa gusto nila. Pero para talagang may tumatawag sakin sa gitnang bayan.


“Tara kumain na tayo, kanina pa nakahanda ang pagkain. Saan ka nanaman ba nagpunta at nakaligtaan mo ang oras?”


“Nakatulog po ako sa may burol.” Napakamot ako sa ulo ko.


“O siya umupo na kayo at kumain na.” Sabay-sabay kaming nanalangin at pagkatapos ay kumain. Pagkatapos kong maghugas ng pinag-kainan ay nagpaalam na ko kay nanay at tatay na pupunta na saking kwarto.


“Nanay, matutulog na po ako.”


“Siya sige, magpahinga ka na at alam kong pagod ka.”


Pumunta na ko sa loob ng kwarto at humiga sa kama pagkaraan ng ilang minuto ay nakatulog din ako.


“Kailangan mong umalis.”


Napabalikwas ako sa kama ko dahil sa narinig at nakita ko na naman ang sarili ko sa isang di kilalang lugar ngunit ang makikita rito ay puro itim.


“Kailangan mong malaman kung sino ka. Mapanganib. Umalis ka na dito.”


Nagulat na lang ako ng biglang lumiwanag ang paligid at nakabalik na ako sa kwarto ko.


Tumayo ako sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto. Tingin ko ay tulog na sila nanay at tatay kaya lumabas ako sa loob ng bahay at naglakad-lakad hanggang sa naabot ko na ang burol kung nasaan ako kanina.


Naupo ako ulit doon upang magmuni-muni. ‘Sino ba talaga ako?’ Tanong ko sa loob ng aking isipan at napabuntong hininga na lamang. Nitong mga nakaraang taon masaya na akong sila nanay at tatay ang tumatayo at kinikilala kong magulang pero hindi pala sila ang totoo kong mga magulang. Bakit ba ang hirap ng buhay?


Tatayo na sana ako sa pagkakaupo ng may marinig akong pagsabog. Tumayo ako at tinignan ko ang kung saan nangagaling ng usok.


“Nay, Tay.”


Tumakbo ako ng mabilis ng makita ko kung saan nanggagaling ang usok. Mula ito sa aming bahay.


Pagkadating ko sa aming bahay, hinanap ko kaagad ang aking nanay at tatay.


“Nay, tay nasan po kayo!?” Sigaw ko pero wala akong narinig na sagot. Natatakot na ako sa nararamdaman kaya hindi ko napigilan ang sarili na umiiyak.


Muli ko silang hinanap sa buong lote. Pagdating ko sa likod ay nakita ko silang binubugbog ng maraming taong nakaitim. Bakit sila binubugbog? Sa pagkakaalam ko ay wala kaming kaaway o pinagkakautangan. Napansin ako ni nanay at sinenyasan na huwag akong lumapit. Napatakip ako ng aking bibig.


“Nasaan siya?” Mahinahong tanong ng taong mukhang sinusunod nila.


“Sino ba ang tinutukoy mo, kaming dalawa lang na mag-asawa ang nakatira rito sa aming tahanan.” Sabi ng aking tatay kaya nakatanggap siya ng tadyak sa tagiliran. Napapikit ako, hindi ko kayang tignan.


“NASAAN SIYA!? Hindi kayo sasagot?” Sinenyasan nito ang mga tauhan nito.


Sipa, tadyak at suntok ang natanggap ng aking mga magulang. Hindi ko na talaga kayang manuod, nakakaramdam ako ng sobrang galit, pakiramdam ko ay nag-iinit ang aking buong katawan. Lumabas ako sa aking pinagtataguan at-


“ITIGIL NIYO YAN!” Sigaw ko at may lumabas na apoy sa aking kamay ng dahilan ng pagkaubos ng kalahati sa kanila.


Nagulat ako sa aking nakita sa aking kamay. Totoo nga ang sinabi niyang may kapangyarihan ako. Sa pagkakahulog ko sa nakikita sa aking kamay ay hindi ko namalayang nakalapit na sila sa akin.


Sinubukan ko ulit silang patamaan ng apoy, nagtagumpay naman ako ngunit nakaramdam ako ng matinding sakit na nanuot sa lahat ng kalamnan ko. Pakiramdam ko ay nabigla ang katawan ko.


Nahawakan nila ako at napaluhod sa lupa. Narinig ko pang tinatawag ako nila nanay at tatay bago ako nawalan ng malay.












Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now