Chapter 36

2K 132 4
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


Pagkatapos ng mga nangyari sa labas ay ipinagpatuloy ang Engagement Party nina Maxwell at Dahlia. Halatang mas naging masaya ang lahat kasi dinagdagan ang rason kung bakit nagdiriwang ang lahat yun ay ang pagbalik ni Kuya Llyr. I decided to call him Kuya dahil mas matanda naman ito sa akin.


“Dapat pala sinamahan na lang kita kanina.” Nakayakap na sabi sa akin ni Blythe. Hindi mo lang alam, kung sinamahan mo ako kanina ay hindi ko magagawa ang mga bagay na ginawa ko.


“Ayos lang ako, hindi naman ako sinaktan ni Kuya Llyr.”


“And now you are calling him Kuya.” Nakasimangot niyang sabi. Ano ba ang mali sa tawag ko?


“Bakit? Mas matanda naman siya ng ilang taon. Ang babaw mo naman magselos.” Panunuya ko sa kaniya.


“Selos? Ako magseselos? No way.” Tumango lang ako sa kaniya kaya mas lalong napasimangot ito sa akin. “Yun lang? Tango lang? Hindi mo man lang ba pipilitin na nagseselos nga ako?” Gusto kong matawa dahil sa reaksiyon nito.


“Sabi mo hindi ka nagseselos, para mas mabilis ang usapan. Ikaw na rin naman ang nagsabi na hindi ka nagseselos.” Natahimik ito pagkatapos ay umalis na sa kaniyang upuan at iniwan ako. Mukhang napikon ko ata.


“Mahal na Prinsesa.” Napalingon ako kung sino ang tumawag sa akin at mabilis na sinenyasan na tumahimik.


“Hindi nila alam?” Tanong nito sa akin.


“Hindi nila alam.” Pabuntong-hininga kong sinabi.


“Papaanong nakasama ka sa First Triad.”


“It’s a long story. Kuya bakit mo nga pala ako tinawag?”


“Pwede bang sa labas natin pag-usapan.” Nadinig ko ang lungkot sa kaniyang mga sinabi peero hindi ko ito pinansin at tumango na lamang. Hinanap pa ng mga mata ko si Blythe para sana magpaalam ngunit hindi ko ito mahagilap.


Narating naming ang gilid ng pasilyo kung saan walang gaanong dumaraan na tao.


“Ano ang pag-uusapan natin Kuya?” Tanong ko sa kaniya.


“Huwag kang mabibigla sa aking sasabihin Lina……” Matagal bago ito muling nagsalita.


“Natatakot naman ako sa pagiging tahimik mo Kuya.”


“Matagal ng patay ang mga tumayo mong mga magulang.” Mabilis nitong sabi ngunit tama lamang para maintindihan ko. Mabilis na tumulo ang aking mga luha, sa una lang ay hikbi lamang ang aking ginagawa pero mas lalong lumakas ang aking hagulgol dahil hindi ko kinakaya ang sakit. So all this time, niloloko lang ako ni Zenon.


Hindi ko pinakialaman ang aking mga luha at pinilit na nagsalita. “Sigurado ka ba Kuya Llyr?”


“Sigurado ako.” Hinayaan ko ang aking sarili na mapaupo sa sahig at umiyak ng malakas.


Simula ng bata ako, sila ang nakasama ko. Kahit na hindi nila ako tunay na anak ay pinalaki at minahal pa rin nila ako. Ginawa nila ang lahat para sa akin, para huwag akong mapahamak pero ako ang walang nagawa para sa kanila. Ni hindi ko man lang nasuklian ang lahat ng paghihirap nila. Ako ang may kasalanan kung bakit nasira ang buhay nila. Nasira ang buhay ng mga taong inosente at nagnanais lamang na magka-anak. Manololoko ka Zenon. Sisiguraduhin kong may kakalagyan ka.


“Kuya, maaari mo bang sabihin sa akin ang nalalaman mo?” Alam kong hinayaan lang ako ni Kuya Llyr na tanggapin ang lahat kaya wala itong imik sa tabi ko.


“Noong gabing pumayag ka sa kagustuhan niya, wala na ang mga tumayo mong magulang. Noong mga panahong wala ka pang malay ay tinapos na ang buhay ng iyong mga magulang. Ilusyon lang ang lahat ng pinakita sayo ni Zenon.”


Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Mas lalong gumunaw ang mundo ko dahil sa simula pa lamang ay wala na akong nagawa para sa kanila.


“Wala akong kwenta. Wala akong kwenta.” Paulit-ulit kong sinasabi habang sinasaktan ang sarili. “Ni wala man lang akong nagawa para sa kanila, siguradong sobrang takot ang naramdaman nila.” Naramdaman ko ulit ang mga luhang nalalaglag mula sa aking mata. Lumuhod sa harap ko si Kuya Llyr at niyakap ako dahil gusto kong mabawasan ang sakit yumakap ako sa kaniya pabalik dahil alam kong siya lang ang nakakaintindi ng nararamdaman ko.


“Patawarin mo ako Lina, wala man lang akong nagawa para sayo. Huwag mong sisihin ang sarili mo, ako ang nandoroon, ako dapat ang gumawa ng paraan para hindi ka na dumaraan sa paghihirap na to.”


“Huwag mong sisihin ang sarili mo Kuya Llyr. Wala kang kasalanan.” Pag-angat ko ng tingin ay nagtama ang paningin namin ni Blythe. Mabilis akong bumitaw sa pagkakayakap kay Kuya Llyr ng makita ko itong tumalikod at humakbang paalis.


“Pasensya na Kuya Llyr, kailangan kong habulin si Blythe.”


“Sige na Lina, baka maging iba ang pagkaka-intindi niya sa kaniyang nakita."


Mabilis akong nagpaalam at nagpasalamat kay Kuya Llyr at hinabol si Blythe. Salamat na lang dahil nahanap ko siya kaagad.


“Blythe!” Tawag ko dito ngunit pag-angat ng kaniyang paningin ay walang sing-lamig ang mga titig nito.


“Mukhang magkakilala talaga kayo ni Llyr.” Nagulat ako dahil sa unang pagkakataon ay hindi niya ito tinawag na kuya.


“Hindi, mali ang iniisip mo-“ Mabilis niyang pinutol ang sasabihin ko.


“Mali? Anong mali sa iniisip ko ngayon? Makikita kita na may kayakap na ibang lalaki at sa lugar pa talaga na walang dumadaan. Ano ang mali?”


Kahit na ganun ay pinilit kong maging mahinahon. “May pinag-usapan lang kami.”


“Anong pinag-usapan niyo? Kung papaano niyo ako lolokohin?” Dahil sa gulat ko ay nasampal ko siya.


“Kahit kailan ay wala akong balak na lokohin ka pagdating sa pagmamahal ko sayo.”


“Talaga lang ha? Hindi mo pa ba ako niloloko sa lagay na yan.”


“Bakit ang babaw mo mag-isip?! Paniwalaan mo kung ano ang gusto mong paniwalaan pero alam ko sa sarili ko na kahit kailan ay tunay ang pagmamahal ko sayo. Mahal kita. Alam mo kung gaano kita kamahal at kapag nagmamahal dapat may tiwala sa isa’t isa. Pero sa mga sinasabi mo ngayon parang wala kang tiwala sa akin.”


Mabilis itong lumapit at hinawakan ang braso ko. “Patawarin mo ako Lina. Nakain lang ako ng selos ko. Hindi ako nag-iisip ng tama. Hindi ko kaya kapag may kukuha sayo mula sa akin. May tiwala ako sayo.”


“May tiwala ka nga ba sa akin?” Ginaya ko ang tono niya kanina. “Kausapin mo na lang ako kapag may tiwala ka na sakin at maayos na ang isip mo.” Hindi ko na siya hinitay na makasagot at iniwan siya doon.

______________________________________

May nakahula ba na patay na talaga ang mga tumayong magulang ni Lina?

A bumpy rode for everyone! Stay tuned!

Enjoy reading!

Lovelots 💛

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now