Chapter 29

2.1K 137 0
                                    


Skye Lonan


KAHIT nakapag-usap na kami ni Misty kanina ay hindi pa rin kami nagpapansinan. Pagkabalik niya kanina sa mga kasamahan namin ay niyaya niya na ang mga ito para magpatuloy sa aming pupuntahan. Nagtaka pa ang mga ito at tumingin sa akin ngunit nginitian ko na lang sila ng malungkot at nagkibit-balikat na lang ako.


“Sa wakas narating na rin natin ang bayan ng Darya!” -Pierre.


“Saang bayan galing?” Tanong ng mga gwardya na nagbabantay sa tarangkahan ng bayan.


“Estudyante kami mula sa Academia Lusitania.” Ipinakita ni Misty ang papel na binigay ni Headmaster sa amin para sa mga ganitong sitwasyon.


“Maaari na kayong pumasok.”


Pagpasok ay sa amin kaagad napunta ang kanilang atensyon ngunit kinalaunan ay ipinagpatuloy rin ang kaniya-kaniyang gawain.


“Subukan nating magtanong.”


Huminto kami sa isang pwesto kung saan nagbebenta ng mga iba’t ibang patalim.


“Maaari po bang magtanong?” Pukaw ni Misty sa atensiyon ng nagbabantay. Nang makita nito si Misty ay kaagad naman itong yumuko.


“Kayo po pala Prinsesa. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?”


“May kilala po ba kayong Abiline Acadia?” Tila nagulat ito sa tanong ni Misty.


“Meron po Mahal na Prinsesa ngunit sa dulo pa nitong bayan siya naninirahan.”


“Ganun po ba? Maaari niyo po bang ituro sa amin ang mas mabilis na daan para makapunta doon?”


“Kung gusto niyo ay sasamahan ko pa kayo-“ Tinignan kami nito isa-isa.


“Mga kasamahan ko po sila sa Academia.”


“Maraming Salamat po pero hindi ba kami makakaabala sa inyo?”


“Naku hindi po Prinsesa.”


“Kung mamarapatin niyo pwede po bang ngayon niyo na kami samahan papunta sa kaniyang tahanan?”


“Huwag kayong mag-aalala, pwedeng-pwede.”


Muling nagpasalamat si Misty sa matandang lalaki.


Sinundan naming ito at napunta kami sa tapat ng isang malawak na lawa.


“Pagpasensiyahan niyo na dahil mas mapapabilis ang ating pagpunta sa kaniyang tahanan sakay ng isang bangka.”


“Ayos lang po sa amin.” Sabi ni Dahlia.


“Ano pong pangalan niyo?” Tanong ni Auria.


“Pasensiya na sa hindi pagpapakilala, ang tawag nila sa akin ay Mang Renso.”


“Mang Renso may iba po ba kayong alam tungkol kay Miss Acadia?” Tanong ni Maxwell.


“Noong una ay si Abilene ang gumagawa ng mga patalim at iba’t ibang uri ng mga sandata para sa aking tindahan. Napakaganda ng kaniyang mga gawa kaya binabalik-balikan kahit ng mga ibang kalapit bayan.”


“Ano pong nangyari?” Tanong ko dahil nakakarinig ako ng pero sa susunod na mga sasabihin nito.


“Pero isang araw tumigil siya sa paggawa nito at lumipat sa dulo ng bayan ng Darya. Sinubukan ko itong kausapin ngunit pinagsarhan niya lang ako ng pintuan kaya ni isa ay walang naglakas-loob na muling kausapin siya. Ngunit ngayon ay baka makausap niyo.”

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now