Chapter 44

2K 122 2
                                    


Dahlia Nerissa Arden


“Dahlia!” Narinig ko ang sigaw ng aking mga kaibigan nang makita ako sa pintuan ng hall.


“Ibaba niyo ang lahat ng inumin na hawak niyo ngayon.” Ulit ko pang sabi sa lahat. Ngunit pagtataka lang ang sagot nila sa akin.


“Dahlia ano bang sinasabi mo?” Tanong ni Misty habang nagmamadali na lumapit sa akin.


“Mayroong lason ang hawak niyong inumin.”


“Saan mo nalaman yan? Sino ang nagsabi sa iyo?” Tanong ni Headmaster.


“Hindi na iyon mahalaga, kailangan niyong makinig sa akin. Ang Leilina na nasa harap niyong lahat ay impostor.”


Mas lalong nagulat ang lahat at ang kanilang mga tingin ay nalipat sa Leilina na nasa harapan nila.


“Is it true baby?” Tanong ni Queen Lucille at akmang lalapit ngunit lumayo ang impostor sa kaniya.


“Tell me it’s not true!” Naghyhysterical na ang reyna.


Akala namin ay sasagot na ang impostor pero itinaas lamang niya ang kaniyang mga kamay at nagkibit-balikat.


“I’m done here.” Pagkatapos nang kaniyang sinabi ay bigla na lamang itong nagbago ng itsura at naglaho na sumagot sa katanungan ng lahat.


Napa-upo si Queen Lucille sa sahig kaya agad na dinaluhan siya ni King Calixto, ang ama ni Lina.


“Dahlia, mabuti naman at ayos ka lang.”  Muling lumapit sa akin sila Auria at niyakap ako.


“Saan mo nalaman na impostor lamang ang kasama natin.” Tanong ni Headmaster Cove kaya kaagad akong tumalima.


“Kailangan nating ilabas si Lina sa loob ng kulungan sa Academia.” Biglang nagbago ang timpla nang mga mukha nila at napalitan ng galit.


“Bakit ilalabas ang isang manloloko?” Singit ni Blythe kaya agad akong lumapit sa kaniya at binigyan siya ng isang sampal.


“Dapat sa lahat ng naririto sa Academia, ikaw ang maniniwala at makikinig sa kaniya!” Sigaw ko sa kaniya habang siya ay hindi pa nakakabawi sa sampal ko.


“Dahlia, naririnig mo ba ang sinasabi mo?! Niloko tayo ni Lina, nagpanggap siya na kakampi natin para lamang mag-espiya!” Inalog-alog pa ni Misty ang balikat ko. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko kaya agad siyang tumigil sa ginagawa


“Hindi niya kasalanan ang lahat. Hindi niya ginusto ang lahat ng nangyayari. Parang-awa niyo na tulungan niyo si Lina!”


Akmang sasampalin ako ni Auria ngunit pinigilan ito ni Maxwell.


“Pati ba naman ikaw Maxwell?!” Naguguluhan nilang tanong.


“Sino ba siya para tulungan?” Mas lalo akong nag-init ng marinig ang tanong ni Blythe.


“Dahil siya ang tunay na prinsesa!” Bago pa ako makasagot ay naisigaw na ni Maxwell ang kanina ko pang gustong sabihin.


Ang mukha nila ngayon ay napalitan ng gulat at pagsisisi. Nang marinig nilang lahat ang sigaw ni Maxwell. Agad na nagmadaling lumapit sa amin ang kaniyang mga magulang.


“Totoo ba ang sinasabi?” Tanong ng Hari kaya tumango ako.


“Kaya kailangan po natin siyang ilabas doon sa lalong madaling panahon.” Mukhang naniwala naman ito kaya niyaya niya na ako kung nasaan si Lina.


Pero bago pa kami makalabas sa hall ay mayroong nagpasabog dito. Purong usok ang humarang sa daraanan namin. Nang mawala ang usok, makikita ng lahat sa loob ang labas dahil kalahati ng hall ang nawala.


Nang mawala ang usok sa paligid ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita.


“Lina!” Sigaw ko kaya napalingon ang lahat kung saan ako nakatingin.


Lumulutang ito sa ere habang walang buhay na nakatingin sa amin ang kaniyang mga mata. Napalipat ang tingin namin sa lalaking nasa tabi nito.


Ace Blythecrelle Ignatious


“Dahil siya ang tunay na prinsesa!”


Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko sa lahat ng narinig. Para akong nabibingi. Ngunit habang nakatayo ako sa kawalan ay unti-unti akong kinaakain ng pagsisisi dahil sa lahat ng nagawa at lalo na sa mga nasabi ko sa kaniya. I was so harsh the last time I saw her.


I love her so much to the point that it hurts for me to know that she is just deceiving us from the very start. Dahil doon nasabihan ko siya ng masasakit na salita.


Muntik na akong matamaan dahil sa pagsabog, mabuti na lamang ay nahigit ako kaagad ni Pierre kaya sabay kaming bumagsak sa sahig.


“Lina!” Napatingin ako sa tinititigan ni Dahlia.


Lumulutang ito sa ere kasama ang isang lalaki. Kilala ko kung sino ang kasama niya, ang Prinsipe ng Kadiliman.


(Evil Laugh)


Napatingin ang lahat dahil sa pagtawa nito.


“Look at you struggling to get up. Yan pa lang ang ginagawa ko, paano pa kaya kung siya mismo ang gumawa niyan sa inyo?” Nakakalokong sabi nito habang nakatingin sa walang kamalay-malay na Lina.


“Nagmamaka-awa ako, huwag mong sasaktan ang anak ko!” Pagmamakaawa ng ina ni Lina.


“Wala akong balak na saktan siya, kaso hindi niya sinunod ang mga gusto ko.” Hindi ko napigilan ang sarili ko at pinatamaan siya ng kapangyarihan ko ngunit bumalik lang ito sa akin.


“Ohh, her destiny is here. I heard that you hurt her because you did not believed her. So sad.” Akmang susugod akong muli pero pinigilan ako nila Skye.


“Bro, hindi makakatulong ngayon ang pag-aalburoto mo baka masaktan si Lina.”


“I already told you that I have the ace of winning this upcoming war but you didn’t take my warning seriously.”


“Kahit kailan hinding-hindi siya susunod sayo!” Sigaw ni Dahlia pero bigla na lamang itong napa-upo na kaagad dinaluhan ni Maxwell.


“(Evil laugh) Alam ko na hindi siya susunod sa akin but sad to say that I have deceived her also. I will be able to control her perfectly because of the bracelet I have put in her wrist. When the dark markings reach her heart, it’s the end for all of you. You want to know what causes these markings to move and reach her heart."

Natahimik ang lahat at hinintay na sabihin ang gusto nitong iparating.

"Loneliness, sadness and guilt. Na alam kong pinaranas niyo sa kaniya kaya ang kailangan ko na lang gawin ay maghintay. And as the time goes by, I will feel her pure heart slowly fading and when it’s completely gone, she will look at you with only hatred in her eyes.”


Bigla na lamang silang naglaho matapos ang huli niyang mga sinabi. Bigla akong nanghina ng pumasok sa isipan ko na muling nawala sa akin ang mahal ko dahil hindi ko siya pinakinggan at pinaniwalaan. Paulit-ulit sa utak ko at naririnig ko ang kaniyang pagmamaka-awa sa akin na pakinggan siya. Hindi sana mangyayari anng lahat ng ito kung pinaniwalaan ko siya.


Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko ngunit agad ko itong pinunasan dahil alam kong wala itong katumbas sa nararamdaman niyang sakit ngayon. Patawarin mo ko.

______________________________________

Trust is very crucial. But please don't take advantage of gullible people~

End is near. Please stay with Lina until the end.

Sorry ngayon lang naka-update kasi alam niya na modulessssss, yah with s kasi madami hahahaha

Wag kakalimutan magpahinga... Malaking tulong din po ang pray para sa mga kababayan natin na nasalanta ng bagyo 🤧🙏
Mag-ingat po ang lahat.

Enjoy reading!

Lovelots 💛





Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now