Chapter 11

2.4K 118 0
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


Si Blythe, si Blythe ang nagtanong sa akin.


Literal kong sinampal ang aking sarili dahil sa naisagot ko sa kaniya dahil sa pagka-asar ko sa sinabi ni Goddess Hestia.


“So, all along you can understand and talk in English?”


“Mali ang iniisip mo.” Sabi ko dito dahil mukhang pinaghihinalaan na naman ako nito. Ano pa bang bago?


“Papaanong naging mali? You pretended in front of us that you don’t understand English.” Napayuko ako sa sinabi niya.


“How will you explain it to me?”


“Nagpupunta kami ni Tatay sa iba’t ibang bayan noon dahil sa trabaho niya. Dito din sila nagtrabaho noon sa Lusitania kaya naturuan ako. Sasabihin ko naman eh.”


“Pero pinagmukha mo muna kaming tanga sa umpisa.” Hindi ko na talaga alam ang sasabihin ko.


Natakot ako dahil tahimik lamang siyang nakatingin sa akin.


“Manloloko.” Yun ang huli niyang sinabi bago umalis, wala na rin akong choice at umalis na din sa garden at sundan siya.


“Blythe saan ka pupunta?”


“None of your business.” Hindi ko pinansin ang sinabi nito at sinundan pa rin siya.


“Ace!” Sigaw ko na rito para makuha ang atensiyon niya.


“What did you just call me?” Nanlilisik ang mga mata habang papalapit sa akin.


“Ace?” Pang-aasar ko pa rito.


“Don’t you ever call me Ace. Were not close.” So, close lang dapat pala sa kaniya ang tatawag nun sa kaniya.  Muli na namang naglakad ito ng mabilis.


“Please hayaan mo ako ang magsabi sa kanila.” Dire-diretso lamang akong naglalakad habang nakayuko kaya hindi ko napansin na tumigil ito. Tumama ako sa likod niya.


“Sorry. Hindi ko sinasadya.” Sagot ko kaagad dito dahil naiinis na naman ang kaniyang itsura.


“Can you please stop. Sa pagkakaalam ko nung unang araw mo palang dito hindi ka pasalita. Anong nangyari?”


“Ikaw akala ko ba hindi tumataas ng limang words ang sinasabi mo.” Naging isang linya lamang ang mga labi nito at halatang nagpipigil.


“Para sa ikakatahimik mo, hindi ko sasabihin sa kanila dahil sabi mo ikaw ang magsasabi at siguraduhin mo lang na wala ka talagang binabalak na masama.” Tumango tango lang ako sasinabi niya.


Bakit silang dalawa lang ang magkasama?”


“I told you she’s a b*tch.”


“Prince Blythe, so handsome.”


Hay nako pagpasok sa Cafeteria yun na agad ang narinig ko. Kailan ba matatapos bulungan nila tungkol sa akin? Naririnig ko naman. Buti na lang mahaba ang pasensya ko.


At ito namang kasama ko mukhang immune na sa bulungan. Sanaol.


“Dito tayo!” Sa di kalayuan natanaw ko ang First Triad sa isang mesa sa gitna. Mukhang para lamang sa kanila iyon.


“Bakit kayo magkasama ni Blythe?” Tumataas na kilay na tanong ni Misty. Creepy.


“Nagkasalubong lang kami.”


“Nagkasalubong tapos sabay pa ring pumunta ng Cafeteria?” Tumango tango naman si Auria.


Ano bang problema nila?

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now