Chapter 25

2.1K 128 1
                                    


Ace Blythecrelle Ignatius


Nakakaasar. Kahit anong gawin ko, ayaw akong paalisin ni Mama sa palasyo. Hindi ko tuloy magawang yayain si Lina para bukas. Sabi ni Mama ayos lang daw na pumunta ako mag-isa dahil kasama ko naman silang pupunta.


Inilibot ko ang paningin ko pagkapasok namin sa hall. Hindi ko maiwasan na mag-alala dahil sigurado akong wala siyang kasama ngayon, noong huli na mag-isa siya ay hinayaan niya ang sarili niya na pagtulungan.


Nang-magtama ang mata namin, nakita ko ang pinakamagandang babae na ngayon ko lang nakita maliban sa aking ina. Labis ang ginawa kong pagpipigil para hindi siya lapitan ng mga sandaling iyon.


Sinadya ko talagang hindi sumama kila Misty nang lapitan nila ito dahil alam kong may kasalanan ako sa kaniya. Inasar pa ako nila Misty dahil hindi ko daw nayaya si Lina.


Nakita ko kung papaano siya tumakbo palabas ng hall habang umiiyak. Hindi ko man alam ang dahilan pero makikita ang sakit sa kaniyang mga mata habang nagsasalita si Queen Lucille.


Madali ko siyang sinundan at nakita ko siya sa labas ng hall umiiyak ng tahimik. Nilapitan ko ito at ibinigay ang panyo ko sa kaniya at umupo sa tabi.


Inihilig ko ang kaniyang ulo sa balikat ko at hinayaan na doon siya umiyak. Mga ilang minuto pa ay natapos siya sa pag-iyak at inalis ang ulo niya sa kaniyang balikat saka ako tinignan.


“Pasenya ka na, naalala ko lang kasi ang mga magulang ko.”


“Ayos lang sa akin pero kahit anong lakas mo ay iyakin ka naman.” Napasimangot ito dahil sa sinabi ko.


Napatingin kami sa hall nang biglang tumugtog ang musika sa loob. Mukhang tinuloy pa rin nila ang pagdiriwang pagkatapos magsalita ng reyna.


“Saan ka nanggaling bakit wala ka nitong mga nakaraang araw?” Napatawa ako sa tanong niya.


“Sa kaharian namin, ayaw akong pauwiin ni mama.”


“Ganun ba?”


Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at inilhad sa harapan niya ang kamay ko. Tinignan niya lang ako.


“May I have this dance?” Nakita ko ang pamumula ng mukha niya pero tinanggap niya pa rin ito. Kasabay ng buwan sa taas ay isinayaw ko siya ng marahan.


“I know that it’s not been a long time since we met but I have already developed this feeling since the first time I saw you. I don’t want you around boys, I don’t want you getting hurt, I don’t want to see you cry. I always want your smiles, laugh and clumsiness. At first, I was in denial with myself but you made me realized that no matter how hard I tried to hide this feeling, it’s a failure.”


“I will not let time and chances pass. Can I have my second wish?” Marahan siyang tumango.


“Will you be mine?” Bumitaw ito ng hawak sa akin at tinitigan ako.


“Alam kong parang ang bilis pero ayos lang naman kung hindi mo sagutin or hindi mo tuparin.” Natatakot kasi ako sa pagiging tahimik niya.


“Pwede bang ako naman ang maging honest?” Pagkakataon ko ngayon na paratumango ng marahan.


“Sa totoo lang, naaasar pa rin ako sayo hanggang ngayon. Alam mo bang hinintay kita na yayain ako para sa ball nato? Hinintay pa kita magdamag para lang umasa kung tatanungin mo ako o hindi. Nakakaasar ka dahil boses mo pa lang ang maririnig ko tumitibok na yung puso ko. Papaano pa kaya yung mga ginawa mo para sa akin nung nakaraan? Nakakaasar ka dahil ang gwapo mo.” Napatigil siya sa huling sinabi at tinakpan pa ang bibig. Hindi ko maitago ang mga ngiti sa aking labi.


“Nagwagwapuhan ka sa akin?”


“Sino bang hindi? Kasasabi ko lang diba?”


“Sorry na. Ayaw talaga akong paalisisn ni mama noon. Hindi pa naman huli ang lahat diba? Ikaw lang din naman ang aayain ko wala ng iba.” Mas lalo kong pinaglapit ang katawan namin.


“Can you be my date tonight?” Tumango lang ito.


“No, no. no.” Iniling-iling ko pa ang ulo ko. “Sa pagkakaalam ko hindi ganyan para sagutin ang tanong ko?”


“Ang arte mo naman.” Napatawa ako dahil kinusilapan niya ako.


Napatigil lang ako sa pagtawa ng mayroon akong naramdaman na malalambot na bagay sa aking pisngi.


“Yan na rin ba ang sagot sa second wish ko?” Akala ko ay sasabihan niya na naman akong maarte pero sa labi niya na ako hinalikan sa pagkakataong iyon.


Wala pa sana akong balak na paghiwalayin ang mga labi namin ngunit nakarinig kami ng malakas na pagsabog sa likod lamang ng hall.


Nagkatinginan kaming dalawa at agad na pumasok sa loob. Makikitang nagkakahulo sa loob ang lahat ng estudyante ngunit pinapakalma na sila ng mga Royals at ng mga faculties ng Academia.


Ang nakakapagtaka ay marami ang nakahandusay sa sahig, hindi naman umabot ang pagsabog sa loob ng hall. Tumatakbo na lumapit sila Maxwell sa amin.


“Mukhang mayroong nakahalo sa pagkain kaya nawalan ng malay ang ilan sa mga estudyante, maging si Queen Lucille ay nawalan ng malay.”


Leilina Lucerne Lusitania


Pagkarinig ko sa sinabi ni Misty na maging si ina ay nawalan ng malay, nagmadali akong pumunta kung saan ang kinaroroonan niya. Mayroong nakapalibot na mga kawal kaya ayaw akong paraanin.


“Paraanin niyo ako, isa akong healer, titignan ko ang kalagayan ng reyna.” Ngunit kahit anong pilit ko ay ayaw akong padaanin dahil daw wala silang pinagkakatiwalaan sa sitwasyon ngayon. Napaluhod ako sa sahig.


“Paraanin niyo siya.” Isang ma-awtoridad na boses ang aking narinig kaya inangat ko ang aking paningin. Ang ama ko.


“Maraming Salamat po.” Yumuko ako sa kaniya.


“Walang anuman, pagalingin mo na ang iyong ina.” Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko na narinig ang mga huli niyang sinabi.


Lumapit ako kung saan nakahiga ang aking ina. Pinakiramdaman ko ang katawan ni Ina. Naramdaman ko ang isang malakas na kapangyarihan na katulad ni Zenon. Sinabi ko na na ba, may masama itong binabalak. Pero bakit hindi ako ang inutusan nito?


Inilapat ko ang kamay ko sa aking ina at ginagawa ko ang aking makakakaya. Ngunit parang may pwersang pumipigil sa akin. Kapag gumagamit ako ng healing power ko ay hindi ko kayang pamanhidin ang nararamdaman ko.


Ngunit kahit anong gawin ko sa healing power ko ay hindi ito tumatalab. Ginawa ko ang isang bagay na ngayon ko lang susubukan. Isa sa sinabi sa akin ng mga diyosang nakasama ko ay kakaiba ang aking enerhiya kaya matutuklasan na ako kaagad ang Prinsesa kapag ginamit ko ang mga kapangyarihan ko ngunit pinipigilan ito ng suot kong pulseras kaya walang nakakaalam na ako ang Prinsesa.


Sinubukan kong ilipat ang enerhiya ko sa katawan ni Ina. Matagal-tagal pa na paulit-ulit ko yung ginawa at pagkatapos pa ng ilang sandali ay naramdaman ko ang marahan nitong paghinga. Ang ginawa ni Zenonsa mga tao na nandito sa Academia ay mayroong pansamantalang pumipigil sa pagtibok ng puso.


Hindi ko namalayan na nakapalibot na pala sa amin ang First Triad maging ang pamilya nila.

______________________________________

May rupokism ka rin ba Lina? 🙄

Pero ano naman kaya ang kasamaan na ginawa mo Zenon? Tsk. Tsk.

Enjoy reading!

Lovelots 💛


Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now