Chapter 46

2.1K 118 0
                                    



Maximus Llyr Thames


I don’t like them being so vulnerable when Lina sacrificed her life so that she could protect us so I showed myself and clear all of their assumptions. Hindi ko na kayang manahimik habang ang tumulong sa akin ay nakuha ng masasamang nilalang.


Sinabi ko sa kanilang lahat kung ano ang aking nalalaman at ang ipinagawa sa akin ni Lina at ang kapalit ay tutulungan niya ako sa isang bagay na mahalagang-mahalaga para sa akin.


“Pero mayroong tinawag si Lina na maaaring makatulong sa atin habang wala siya. Kung sakali mang may mangyaring masama kay Lina ay naisip na niya ang paraang ito.” Sinabi niya ito noon sa akin na mayroong tutulong sa amin kung malagay man siya sa alanganin. Hindi ko man ito kilala pero alam ko na malaki ang itutulong nito sa amin.


Lahat ng nasa loob ay naginhawaan at nakahinga ng maluwag dahil sa mga paliwanag na narinig nila muka sa akin.


“Maaari ko rin bang malaman kung ano ang kapalit ng mga importanteng bagay na ipinagawa niya sayo?” Naputol ang ginhawa sa mukha ng lahat at muling nabaling sa akin ang kanilang atensiyon.


“Paano mo nasabi na may kapalit?” Balik kong tanong sa kaniya. Alam ko noong mga nakaraang araw ay ako ang isa sa naging dahilan ng pag-aaway nila ni Lina ngunit hindi ko kasalanan na naging makitid ang isipan niya at hindi pinaniwalaan si Lina.


“Sa lahat ng mga sinasabi mo nakakarinig ako ng pero sa mga ito.” Namangha ako dahil kahit na makitid ang isipan nito sa ibang bagay ay alam nito ang nangyayari sa isang sitwasyon.


Gusto ko rin sisihin ang sarili ko dahil sa mga nangyayari kung hindi ko lang sana tinanggap ang alok ni Lina ay hindi sana siya mapapahamak.


“Meron nga kapalit ang lahat ng mga bagay na pinagawa niya sa akin. Sinubukan ko itong pigilan ngunit ako man ay walang nagawa.” Dahil nakokonsensiya ako sinubukan kong pigilan ang gusto niya ngunit hindi ito pumayag at sinabi na hindi niya hahayaan na mawalan na naman ng pamilya ang taong mga mahal niya.


“Ano ang kapalit na sinasabi mo Llyr?” Napayuko ako dahil sa tanong ng ina ni Lina.


“Patawarin niyo ako.” Ito lamang ang mga salita na lumabas sa labi ko dahil hindi ko alam ang aking sasabihin.


Lumapit sa akin si Blythe at humawak sa magkabila kong balikat. Hanggang ngayon ay hindi ko parin siya matignan at pilit na iniiwas ang aking tingin.


“Ano ang kapalit na hiningi niya?!” Sunod-sunod na tumulo ang luha ko pero hindi ko pa rin magawang sabihin ang gusto niya.


“Ano ang kapalit?! Kuya?!” Inangat ko ang aking tingin at sinalubong ang kaniyang mata na puno ng pagmamaka-awa.


“Alam ni Lina na mayroong mangyayaring masama sa kaniya. Nalaman niya iyon ng kina-usap niya ang impostor pero hinayaan niya lang iyon na mangyari.” Nakaramdam ako ng hapdi sa gilid ng aking labi.


“Bakit ipapahamak niya ang sarili niya?! Sabihin mo sa akin?!” Tumulong sila Maxwell para ilayo sa akin si Blythe. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mapigilan ang sarili niya.


Ace Blythecrelle Ignatious


Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng mga nangyayari. Hindi ko rin mapigilan na sisihin ang sarili ko dahil naging bahagi ako ng mga pangyayaring ito. Hindi ko rin maisip kung papaano lumabas ang mga masasakit na salita noong araw na iyon.


Hanggang ngayon pinipilit kong intindihin kung ano ang gustong mangyari ni Lina. Kung bakit niya hindi niya sinabi sa amin ang katotohanan, kung bakit hinahayaan niyang saktan at ipahamak ang sarili niya?


“Bakit ipapahamak niya ang sarili niya?! Sabihin mo sa akin?!” At dahil gulong-gulo na ang aking isipan, ang mga kaibigan ko na lang ang umaawat sa akin.


“Dahil ang kapalit ng ipinagawa niya ay ang buhay ng mahal ko!” Napa-atras ako dahil sa sigaw rin na sagot ni Kuya Llyr.


“Ano ang ibig mong sabihin?”


“Alam ni Lina na mayroong binabalak si Zenon na kunin si Cordelia kaya kusa siyang sumama at ipinangakong ibabalik niya ng buhay dito sa Academia.” Doon na tuloy-tuloy na tumulo ang aking mga luha. Bakit? Bakit kailangan na siya pa ang magsakripisyo? Ang dami na niyang ginawa para sa amin.


“Patawarin mo ako Blythe, hindi ko siya napigilan.” Lumuwang ang pagkakahawak ko sa kwelyo ng kaniyang damit. Natulala at hindi ko alam ang gagawin.


“Calix, ang anak natin, ilan pang hirap ang dadanasin niya bago natin siya makapiling? Ang lapit na natin sa kaniya ngunit hindi natin siya natulungan. Kasalanan ko ang lahat ng ito kung hindi lang sana ako naging duwag noon, kasama natin siya ngayon.”


“Wala kang kasalanan Lucille. Ginawa mo lamang iyon dahil ayaw mong mapahamak ang anak natin, natulungan mo rin ako dahil sa ginawa mo. Kung hindi ka dumating ay marahil pati ako ay wala narin. Sa nakikita ko ngayon ay tama ang pagpapalaki sa kaniya. Lumaki siya ng matapang at malakas.”


“Patawarin niyo po sana ako Tito, hindi ko po sinabi sa inyo ang totoo kahit na alam ko. Mas pinili kong manahimik na lamang at walang ginawa.” Yumuko sa kanila si Dahlia.


“Ano ka bang bata ka, alam kong niligtas mo siya noong nakaraan. Hindi mo rin kasalanan ang mga bagay na hindi mo ginustong mangyari. Tumupad ka lamang sa pangako mo sa anak namin, dahil doon alam kong katiwa-tiwala ka Dahlia dahil pinagkatiwalaan ka ni Lina. Kung hindi rin dahil sayo ay nahuli na ang lahat para sa atin.”


Napatingin sa akin si Tito pero agad akong nag-iwas ng tingin.


“May sasabihin ka rin ba iho?” Lumapit ito sa akin pero nanatili akong nakayuko.


“Ayaw kong ang kasintahan ng aking anak ang pinaka-nanghihina sa panahon na ito.” Agad akong tumingin sa kaniya at ipinakita ang aking kahinaan.


“Hindi ko lang po mapigilan na sisihin ang sarili ko. Nakakaramdaman siya ngayon ng sakit at lungkot at alam kong isa ako sa dahilan. Ang daming masasakit na salita ang nasabi ko sa kaniya.”


Lumapit at niyakap ako ni Tito. “Hay nako, bata pa nga kayo. Simpleng pagsubok lang yan. Marami pang paraan. Pareho lang kayo ngayon na nakakaramdaman ng sakit at alam kong ayaw ni Lina na nagkakaganiyan ka dahil sa mga nangyayari.” Humiwalay na ng yakap sa akin si Tito at hinarap ang lahat.


“Pare-pareho tayong walang alam sa lahat ng nangyayari pero hindi rin maganda na wala tayong ginagawa at naghihintay na lamang ng pagkatalo. Sinakripisyo ng Prinsesa ang lahat para protektahan tayo kaya ngayon na ang pagkakataon na ibalik iyon. Headmaster, ihanda ang lahat ng mag-aaral ng Academia. Higpitan ang pagbabantay sa Academia. Hindi nain alam kung kailan susugod ang kalaban. Bawat Royal Family na naririto ay ihanda ang pinaka-malalakas na kawal. Kung kinakailangang humingi ng tulong, gawin kaagad. Sasabak tayong muli sa giyera na ugat ng giyera noon. Kailangan nating tulungan ang ating mga anak sa kani-kanilang laban. First triad, kailangan ko kayo upang pangunahan ang mga estudyante. Kailangan ay kayo ang pinaka-handa sa laban na ito. Ang kailangan natin ay tiwala para sa isa’t isa.


“Win Lusitania!”

_____________________________________

🥴🥴🥴🥴🥴🥴🥴

Wala po Kong maisip na magandang line sa dulo 🤧

Katatapos lang ng modules kaya update naaaa..

Enjoy reading!

Lovelots 💛




Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now