Chapter 38

1.9K 131 1
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


“Better stop it then.”


Nang mga oras na iyon ay hindi ko na alam ang iisipin kung bakit tutol ang mga magulang ni Blythe sa kaniyang relasyon.


“Why should I stop it?!” Ramdam ko ang pagiging iritado ni Blythe.


“Don’t raise your tone on us, young man.” Puna sa kaniya ng ama.


“As far as I remember, we told you that you shouldn’t have any romantic relationship while you are in the Academia.”


Nagulat ako sa narinig. So, sinuway niya ang bilin ng kaniyang mga magulang dahil sa akin. Alam kong alam nito ang sinasabi ng ama dahil nawalan ito ng kibo. Nang sinabi ng mga magulang nito ang isang propesiya ay napabaling ang atensiyon ko sa kanila.


“Well, you have a special relationship with Princess Leilina. You are destined to be with each other, that’s why you shouldn’t have any relationship aside from the Princess.”


Nagulat ako sa nalaman kaya pala kahit anong pigil ko sa naramramdaman ay balewala lamang ito. Nalungkot ako sa aking mga biglang naiisip. Alam kong ako ang tinutukoy sa propesiya ngunit hindi nila alam na ako ang Prinsesa. Hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa akin para sabihin sa kanila ang totoo. Ayaw ko ng maging manloloko lalo na kay Blythe. Sa nakikita ko sa kaniyang reaksiyon ay kaya niyang sumuway para lamang sa akin. Mabilis akong lumabas, narinig ko pa ang pagtawag nila Misty pero hindi ko ito pinansin.


Natagpuan ko ang sarili sa garden ng palasyo. Katulad ng garden sa Academia, hindi maipagkakaila ang kagandahan nito.


“Lina.” Narinig ko ang pagtawag ni Blythe mula sa aking likuran.


“Gusto kong magpaliwanag, hindi ako papayag sa propesiya na sinasabi ng aking mga magu-


“Susuwayin mo ang iyong mga magulang?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.


“Para sayo, Oo. Ikaw lang ang babaeng pinapasok ko sa buhay ko. I don’t want anybody aside from you.”


“Paano mo nasabi yan? Paano kapag nakilala mo na ang Prinsesa at maisip mo na mas mahal mo siya kaysa sa akin.”


“Kahit kailan, hindi mangyayari yon. Ikaw ang mahal ko, naririnig mo ba ako?”


“Naririnig kita-.” Pinutol niya ang aking sasabihin.


“Kung ganon, mahal mo rin ba ako?” Tanong niya sa akin.


“Mahal kita. Mahal na mahal.” Yumakap ako sa kaniya.


“Kung ganon, harapin natin sila. Together, hmm?” Hinawakan niya pa ang aking kamay.


“Hindi ganun kadali yun. Prinsesa ang kalaban ko. Prinsesa ng pinakamalakas na kaharian dito sa Lusitania.”


“Andito ako sa tabi mo, hindi kita pababayaan.”


Nagsimula nang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko na kayang lokohin siya.


“May sasabihin ako sayo.” Hindi ko na kayang magsinungaling sa kaniya.


“Ano ang sasabihin mo?” Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya para harapin siya. Nasa isip ko lamang ay masabi sa kaniya ang katotohanan.


“Ako ang-


“Blythe! Lina!” Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil sa pagdating nila Dahlia.


“Bakit?” Tanong ko sa kanila.


“May magandang balita sa atin si Headmaster mula sa Academia.” Mababakas ang saya sa kanilang mga mukha ngunit hindi ko napalagpas doon ang lungkot lalo na kila Misty habang nakatingin sa akin.

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now