Chapter 27

2.3K 140 0
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


Nandito kami ngayon sa silid ni Headmaster Cove dahil bibigyan niya daw kami ng panibagong misyon.


“Maraming Salamat sa ginawa mo Lina sa nangyari kahapon. Delikado ang ginawa mo ngunit nagpatuloy ka pa rin. Kaya ko kayo ipinatawag ngayon ay dahil mayroon akong natanggap na impormasyon na makapagtuturo kung nasaan ang sandatang maaaring makatalo sa prinsipe ng kadiliman.”


“Alam niyo po ba kung kanino galing ang impormasyon?” Tanong ni Blythe.


“Baka patibong lang iyon.” Dagdag pa ni Misty.


“Kaya ko kayo ipinatawag dahil ang nagbigay ng impormasyon ay isa sa mga diyosang bigla na lang nawala ng matapos ang digmaan. Ito ay si Goddess Hestia, malalaman lang natin ang totoo kapag natupok ng apoy ni Blythe kung saan nakapaloob ang sulat.” Iniabot ni Headmaster ang sulat kay Blythe.


Nang hawakan niya ito at bigla na lang itong natupok at naging abo kasama ng hangin.


“Totoo nga, huwag kayong mag-alala nakopya ko na ang laman ng sulat.”


Binigay ito sa amin at binasa nila ito ng mabuti. Ang totoo ay sa akin ipinadala ni Goddess Hestia ang sulat, noong panahon na nawalan ako ng malay pagkatapos ng nangyari sa hall ay kinausap ako ng mga diyosa at sinabi sa akin ang isang sandata na maaaring makatalo kay Zenon, hindi pa raw ito nasusubukan ngunit kapag napasakamay ko ang sandata mas mapapalakas ito na siyang makakatalo kay Aise.


“Una ay hahanapin niyo ang taong nag-ngangalang ‘Abilene Acadia’ na matagal na nanilbihan sa Academia. Ang sabi sa sulat matatagpuan siya sa lugar ng Darya.” Pahayag ni Headmaster Cove.


“Alam ko kung nasaan ang lugar ng Darya dahil matatagpuan ito sa lugar namin.” Tinanguan ni Headmaster and sinabi ni Misty.


“Mas mabuti iyon dahil hindi na kayo mahihirapan sa paghahanap ng lugar.”


“Wala na po bang susunod na gagawin na nakalagay sa sulat?” Tanong ni Pierre. Umiling naman si Headmaster.


“Wala nang nakalagay sa sulat pero naniniwala ako na magsisimula sa taong hahanapin niyo ang lahat upang matagpuan ang sandata.”


“Maaasahan ko ba ang First Triad sa misyong ito?”


“Yes, Headmaster.” Sabay namin na sinabi bago kami pinalabas sa kaniyang silid.


Tahimik lang kaming naglalakad pabalik sa building namin pero napahinto ako dahil naramdaman ko ang paghawak ni Blythe sa aking kamay.


“Bakit?” Hindi niya sinagot ang tanong ko imbis ay hinila ako nang hindi nagpapaalam sa ibang Royals.


Nakita ko ang sarili namin na nasa loob ng Magical Garden kung saan ko siya unang nagustuhan.


“Ayos lang ba sayo?” Tinignan ko siya dahil sa tanong niya.


“Ayos lang ang alin?”


“Ito ang una mong misyon sa labas at malayo sa Academia.”


“Ayos lang sa akin dahil makakakita ako ng bago. At alam kong walang mapapahamak dahil magkakasama tayo.”


“Kahit na, hanggang ngayon ay hindi pa rin natin alam kung ano ang tunay na nangyayari sa kamay mo.”


“Huwag kang mag-alala, naalala mo ba ang first wish mo sa akin, ang hiling mo diba na huwag kong ilalagay ang sarili ko sa panganib at proprotektahan mo ako.”


“Alam ko pero-


“End of discussion.” Inulit-ulit pa nito ang pangungulit pero pilit kong ipinaintindi sa kaniya na kaya ko ang sarili ko at nandiyan siya para protektahan ako.


“Alam mo huwag ka nang mag-alala diyan, magsaya na lang tayo, punta tayong bayan.” Aya ko sa kaniya kaya biglang lumaki ang ngiti nito at siya pa ang nangunguna ngayon sa paghila sa akin.


“Ang bait naman ng girlfriend ko. Siya pa ang nagyayaya ng date.”


“Paano akong hindi magyaya, hindi mo naman ako niyaya.” Nalukot ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Binitawan niya ang kamay ko kaya nauna na akong maglakad sa kaniya.


“Baby! Wait up!” Napatigil ako sa isinigaw nito.


Napatingin din ang ilang estudyante sa gawi namin kaya hindi ko maiwasan ang mamula.


Sa buong hapon ay nagsaya lang kami sa bayan, sinubukan ang kung ano-ano at kumain ng kumain. Bumalik kami sa building namin na nagtatawanan. Pagpasok naming lahat ng Royals ay nasa sala na para bang naghihintay at bagot na bagot.


“Anong nangyari?” Hindi ko napigilan ang magtanong.


“Alam namin na kayo na, pero bukas na punta natin sa misyon at kailangan nating maghanda.” Walang emosyon na sabi ni Misty.


“Pasensya na.” Ako ang humingi ng tawad dahil mukhang walang balak ang isa.


“Hayaan mo sila.” Sabi pa ni Blythe kaya sinamaan siya ng tingin ng Royals.


“Joke lang Lina!” Sabay-sabay na sabi nila kaya napasimangot ako.


“Panira ka Blythe! Ikaw nga ang nanghuhugot, bigla na lang kayong nawala ni Lista.” Sabi ni Maxwell habang nasa tabi ni Dahlia. Nakakatuwa na titigan sila dahil bagay na bagay sila.


“Kasalanan ko bang ang baby ko ang nagyaya ng date.” Bigla kong binatukan si Blythe dahil sa sinabi.


“So may endearment basis na pala kayo?” Kantyaw ng mga babae.


“Sana lahat babae ang nagyaya ng date.” Sabi ni Skye kaya nakatanggap siya ng siko mula kay Misty.


“Nga pala Lina, ayos lang ba sayo na sumabak na ng misyon nakatulad nito?” May pag-aalalang tanong ni Misty.


“Huwag kayong mag-alala kaya ko ang sarili ko at alam kong sama-sama naman tayo diba?”


“Tama! Kaya kain na tayo!” Masayang sigaw ni Dahlia habang patungo sa kusina.


“Quadruple date tayo!” Sigaw rin ni Pierre kaya binatukan ito ni Auria.


“Manahimik ka ngang unggoy ka! Hindi ako makikipagdate sayo.”


“Bakit sinabi ko bang ikaw ang ka-date ko?” Nag-wooh kaming lahat sa pambabara ni Pierre kay Auria.


“Nakakaasar kayo!” Sigaw nito sa amin.


“Pasensya na Auria pero totoo naman ang sinabi ni Pierre eh.” Malamlam na sabi ko sa kaniya.


“Isa ka rin sa kanila Lina? Akala ko ba kaibigan kita?”


“Kaibigan mo nga ako.” Sabi ko habang tumatawa.


“Kumain nga lang tayo.”


Masaya ang gabi ko dahil sa mga nangyayari pero hindi ko mapigilan ang mag-alala para sa kaligtasan ng mga kaibigan ko. Nitong mga nakaraan na gabi ay patuloy akong nageensayo kasama ng mga Diyosa dahil dito ay unti-unti ko ng natutuklasan ang mga kakayahan ko at nararamdaman kong lumalakas ako. Ngunit hindi ko alam kung sapat na ito para matalo ang nag-iisa naming kalaban.


Naputol ang pag-iisip ko dahil nakaramdam ako ng matinding pangingirot sa aking kamay kung nasaan ang pulseras. Nakita ko kung papaano umagot ang mga itim sa ugat hanggang sa braso ko. Sa abot ng aking makakaya ay pinilit ko na huwag humiyaw dahil sa sakit.


“Sana walang masamang nangyayari kila nanay at tatay dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sayo Zenon.”

______________________________________

Magsisimula na nga ang adventure, magdedate pa kayo? Ako nga wala ka-date hshshshs

Pero so sad may banta pa rin si Zenon beybi 😈

Thank you for reading this story!

Enjoy reading!

Lovelots 💛



Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now