Chapter 47

2.1K 137 1
                                    


Leilina Lucerne Lusitania

Pagdilat nang aking mga mata sumiklot ang matinding sakit sa buong katawan ko. Halos hindi ko magalaw ang katawan ko, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.

“Ah!” Napadaing ako at napahawak sa dibdib ko ng kumirot ito sa sakit.

“Lina, ayos ka lang ba?” Tinignan ko kung sino ang tumawag sa akin.

“A-ayos lang p-po ako. Hu-wag kayong mag-alala.”

“Save your energy, huwag ka ng magsalita, kailangan nating magplano para makatakas tayong dalawa rito.”

May sugat sa noo ni Miss Celosia marahil ay galing sa pagdakip sa kaniya. Nakahinga ako ng maluwag nang masigurong walang masamang nangyari sa kaniya.

“So, tama ang hinala ko na ikaw ang Prinsesa, unang beses pa lamang na makita kita sa klase ko ay nakaramdam na ako ng kakaiba sayo kaya nagtaka ako ng biglang sumulpot ang impostorang iyon.”

Ngumiti lang ako ng mapait nang maalala lahat ng nangyari sa Academia. Nagbago kaya ang pagtingin sa akin ng mga nasa Academia nang malaman nil ana ako ng Prinsesa, marahil ay hindi.

Napahawak akong muli sa dibdib ko ng bigla na namang itong sumakit.

“This is not working, kailangan nating makalabas dito sa lalong madaling panahon.”

Sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko pero naulit lang ito noong unang beses na nandito sa ako. Parang may mabigat na pwersa na pumipigil sa aking kamay.

Si Miss Celosia naman ay nagtitingin ng maari naming labasan sa loob ng silid.

“Mukhang walang lalabasan sa loob ng silid maliban sa pinto.” Magandang galaw ang ginawa ni Zenon na ilagay kami sa isang silid na walang lalabasan ngunit minaliit niya ang kakayahan ko ng pagsamahin kami ni Miss Celosia sa iisang silid.

“May matulis na bagay ba kayong naririyan Miss Cordelia?”

“Ano ang gagawin mo?” Tanong nito pero agad na ibinigay sa akin ang nakatagong patalim sa kaniyang sapatos.

Huminga ako ng malalim at sinugatan ang aking braso. Narinig ko ang malakas na pagsinghap ni Miss Celosia.

Sinubukan ko ulit ang kapangyarihan ko pero wala pa ring lumalabas. Sinugatan ko naman ang kabili kong braso at pinakiramdaman ang sarili.

“Mu-mukhang hin-di nag-iisip ng ma-igi si Zenon.” Mabibigat ang aking hininga habang nagsasalita.

“Lina, bakit mo sinaktan ang sarili mo? We can think another way than hurting yourself.” Hindi pa rin makapaniwala sa akin si Miss Cordelia.

“Da-dahil s-sa gi-nawa ko, ma-ga-gamit ko ang a-aking kapangya-rihan.”

“Maawa ka naman sa sarili mo. Kaya ko ang sarili ko. Kahit mamatay ako ngayon dito maprotektahan lamang kita ay gagawin ko.”

“Na-nangako a-akong i-uuwi ki-ta.”

Napahilamos sa kaniyang mukha si Miss Celosia.

“Mas mahalaga ang buhay mo kaysa sa akin Lina.” Napatigil kami ng makarinig ng ingay sa labas ng silid.

“Bantayang maigi ang mga bihag habang ang prinsipe ay nasa Dark Academia.”

“Ngayon n-na ang pag-kakataon.” Tinulungan akong tumayo ni Miss Celosia pero muling bumagsak ang katawan ko sa sahig.

“Can y-you do me a fa-vor? Le-leave me behind first a-and find the goddesses’ st-stone.”

“That is crazy, I will not leave you here.”

“Pa-babaga-lin lamang ki-ta.” Gumawa ako ng portal kung saan mapupunta siya sa silid na kung nasaan ang mga bato ng kapangyarihan.

“Miss Celosia y-you need to be fast, ha-nggat wala si Zenon ay hin-di ni-la mararamdaman ang ka-pangyarihan ko. Pag-nakuha mo agad a-ang mga ba-to ay da-dalhin kang mu-li ng portal dito sa a-kin at sa-sabay ta-yong ba-balik sa Academia.” Binigyan ko siya ng isang ngiti na nagpapahayag na magiging ayos lang ang lahat.

“I need an exchange for this favor.” Tinignan ko siya at naghihintay ng mga susunod niyang sasabihin.

“Call me Ate.” Pagkatapos niyang sabihin ang gusto niya ay tuluyan na siyang pumasok sa mahiwagang lagusan.

Ace Blythecrelle Ignatious

“Ang kailangan muna natin ngayon ay ipaunawa sa lahat ng estudyante na ayos lang ang lahat.”

Pinapakinggan ko lang ang mga kaibigan ko na magplano, wala pa ring gusto ang katawan ko na gawin dahil sa lahat ng nangyari.

“Blythe.” Itinaas ko ang paningin ko sa tumawag sa akin pero isang sampal ang aking natanggap. Ilang sampal na ba ang natanggap ko?

“Misty, why did you do that?” Kaagad na lumapit si Skye at pinigilan ang aking pinsan.

“Let me go Skye, kailangan niyang maliwanagan.”

Nararamdaman ko pa rin ang pamamanhid ng aking pisngi kaya ang nagawa ko na lang ay tumawa.

“Bro.” Narinig kong tawag ni Skye.

Ang ginawa ko ay tumawa ng malakas hanggang sa tumulo ng sunod-sunod ang mga luha ko.

“Ano ba Blythe? Ayusin mo nga ang sarili mo. Hindi magugustuhan ni Lina na makita kang ganiyan.”

“Hindi niyo kasi maintindihan!” Nagulat sila dahil sa aking pagsigaw.

“Then, ipaintindi mo sa amin Blythe! Nandito kaming mga kaibigan mo.” Isa-isa ko silang tinignan at walang nagawang napa-upo na lamang.

“Ang daming masasakit na salita ang nasabi ko sa kaniya noong huling beses ko siyang nakita bago siya makuha ng pesteng Zenon na yun. Hindi ko rin mapigilang maisip na ako ang dahilan kung bakit siya nakakaramdam ng sakit. Narinig at nakita ko ang itsura niya habang nagmamaka-awa siya sa akin na pakinggan ko siya pero hindi ko nagawa. Wala akong kwenta.”

“Ang Blythe na nakilala ni Lina ay maaasahan kahit na hindi ito napapansin o kadalasan ay walang kibo. Ang Blythe na minahal ni Lina ay malakas at matapang kahit anong problema ang dumating. Nakita sayo lahat iyon ni Lina kaya kahit wala siya dito ngayon alam kong alam niya na matutulungan mo kami sa laban na ito.” Hinayaan ko ang sarili ko sa unang pagkakataon na maging mahina sa harapan nila.

“Totoo ang sabi ni Misty Bro, hindi gugustuhin ni Lina na makita kang ganiyan.” Naramdaman ko ang pagtapik ni Maxwell sa balikat ko.

“Kaya nga, susumbong kita kay Tito Calix, diba sabi niya ayaw niya nang mahinang manugang.”

“Tumahimik ka nga kabayo. Tsismosa ka talaga kahit kailan.”

“Bakit ba unggoy ka, totoo naman ang sinabi ko eh.”

Napatawa na lang ako dahil sa gulo nila. Tama sila, hindi ako dapat na panghinaan ng loob. Kailangan kong tulungan si Lina. Matagal na siyang lumalaban mag-isa. Kahit wala siya dito ngayon alam kong babalik ka Lina.

“Argh!…” Napapikit at napahawak ako sa ulo ko ng bigla na lamang itong sumakit, para itong binibiyak sa dalawa.

______________________________________

Nakapag-update rin sa wakas 🤦‍♀️

Sorry for the long wait... Char hahaha

Dedicated to: Elajah03CeresAnn - Thank you sa pagbabasa at pag vote ng story ko. Nagnonotif sakin hanggang madaling araw 🤧 Salamat ng marami 🥰💛

Sorry po sa mga lines na may utal-utal moments kailangan kasi para sa emotions 🥴

Enjoy reading!

Lovelots 💛

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now