Chapter 15

2.3K 147 3
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


“How-“ Narinig ko kay Blythe nang magbagong anyo ang uwak sa harapan namin at naging bulto ng isang nilalang na katulad namin.


Maging ako ay nagulat pero hindi ko ipinahalata. Si Llyr ang nasa harapan namin ngayon, ang kanang kamay ni Zenon. Anong ginagawa niya rito?


“We thought you were dead! The heck what is happening here?” Kilala niya si Llyr?


Ngayon ko lang nakita ang ganitong emosyon kay Blythe. Makikita ang sakit sa kaniyang mga mata. Ang tanong bakit? Ano ang koneksiyon nilang dalawa?


Akala ko ay sasagot siya sa mga tanong ni Blythe ngunit na-alarma ako ng nag-iba ang kaniyang tindig at naghanda upang umatake.


“Dark Water Manipulation.” Nagsimulang mabuo ang mga matatalim na sphere sa kaniyang mga kamay, gawa ito sa tubig ngunit kulay itim kung ganon ay isang elemental si Llyr. Hindi siya magiging kanang kamay ni Zenon kung hindi siya malakas.


Tinignan ko kung saan nakatingin si Llyr ngunit nakatingin ito kay Blythe habang walang emeosyon na mababakas sa mukha nito, si Blythe ang puntirya niya.


Halata na wala sa sarili si Blythe kaya agad kong ihinarang ang katawan ko kay Blythe ng bitawan ni Llyr ang kaniyang atake kaya sabay kaming bumagsak sa lupa ni Blythe.


“Are you really stupid?!” Pasigaw na tanong sa akin ni Blythe dahil mukhang naka-bawi na ito sa gulat.


“Ayos lang ako, sabi ko naman kaya kong gawing manhid ang katawan ko, daplis lang ang mga ito.” Nakita kong umikot ang mga mata nito at tinignan na parang hindi makapaniwala.


“Stupid! You will still feel the pain after this!” Bakit ba siya nagagalit, siya na nga tinulungan. Iyon ang mga salitang gusto kong isumbat sa kaniya ngunit muli kaming pinatamaan ni Llyr ng kaniyang kapangyarihan pero mabilis akong naitulak ni Blythe kaya sa pagitan namin ito tumama.


Mabilis kaming tumayo ni Blythe. Bumuo si Blythe ng bilog na apoy sa kaniyang mga kamay ngunit bago niya ito maitira ay nagsalita si Llyr.


“I’m just here for a warning given by my Prince, My Prince has the strongest and painful weapon for Lusitania. So, get yourselves prepared or else-.”


“Kuya.” Hindi natuloy ni Llyr ang kaniyang sasabihin dahil sa tinawag sa kaniya ni Maxwell. Kumpletong nakatayo sa gilid namin ang First Triad kasama si Miss Celosia na mababakas sa mukha ang sakit ngunit mas nanatili sa kaniyang mga mata ang pag-aalala para sa amin.


Hinarap ko ulit kung nasaan si Llyr ngunit wala na ito sa pwesto nito kanina. Mukhang umalis na ito.


Nilapitan kaagad kami nila Misty.


“Ayos ka lang ba Lina?” Tanong ni Misty sa akin kaya tinanguan ko lang siya.


“May mga sugat ka?” Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nina Dahlia at ng iba pa.


“Ayos lang ako, kaya ko pa naman i-hold ng konti ang pagiging manhid ng katawan ko.” Pinilit kong pagaanin ang boses ko para hindi na sila mag-alala sa akin.


“Pero-.”


“Ayos lang ako Dahlia.” Nginitian ko ito ngunit padabog niyang hinarap si Blythe.


“Ano ka ba naman Blythe, bakit mo hinayaang mapahamak si Lista?!”


“Dahlia walang kasalanan si Blythe wala lang siya sa sarili niya kanina dahil sa lalaki…… na iyon.” Habang sinasabi ko ito ay pahina ang boses ko dahil nakita ko na lumungkot ang mga mukha ng mga kasama ko ngayon dito.

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now