Chapter 21

2.2K 147 2
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


NAGSIMULA na sa pag-eensayo sila Misty dahil dumating na ang mga kaperaha nila pero si Blythe ay hindi ko makita.


Tinanong ko pa sila Pierre kung alam nila kung saan ito nagpunta pero ang sabi nila ay hindi rin nila alam kaya napagsiyahan kong hanapin si Blythe.


Tumayo ako para magpaalam sana sa mga kasama ko pero kahit isigaw ko ito ay hindi nila ako maririnig kaya umalis na ako sa training grounds.


Halos nalibot ko na ang buong Academia pero hindi ko makita si Blythe. Nanggaling na din ako sa garden kung saan lagi siyang tumatambay wala din.


Babalik na sana ako sa training grounds at magbabakasakali na nandoon na siya pero napatigil ako sa paglalakad ng may humarang na grupo ng kababaihan sa harapan ko.


Tinignan ko lang sila at akmang lalagpasan ko na pero hinigit ng isa ang braso ko at iniharap ulit sa kanila.


“Ano bang gusto niyo?” Naiirita kong tanong sa kanila.


“Lalaban ka?! Lalaban ka?! Isa ka lamang hamak na healer!” Sabi ng babaeng nasa gitna na ang hula ko ay ang leader nila. Pagkatapos ay tinulak tinulak ako.


“Wala naman akong kasalanan sa inyo.” Mahinahon na sabi ko sa kanila.


“Akala mo lang wala pero malaki ang kasalanan mo sa amin. Paano na ang isang katulad mong mahina ay nakakasama ang First Triad!?”


“Ayaw ko ng gulo kaya padaanin niyo na ako at may gagawin pa ako.” Sinubukan ko ulit silang lagpasan ngunit hinigit nila ako ulit at pinagtulungan.


Sinipa nila ako at sinuntok ngunit hinayaan ko lamang sila. Buti na lang at kaya kong pamanhidin ang katawan ko sa sakit. Walang nakakakita sa amin dahil nasa parte kami ng Academia na walang gaanong dumadaan.


“Buti lang yan sayo.” Natapos sila sa ginagawa at iniwan akong nakahiga sa may sahig.


Pinagpag ko at inaayos ang sarili bago ako tumayo. Mas minabuti ko ng hindi bumalik sa training grounds dahil ayaw kong makita nila akong nasa ganitong kalagayan.


Nagsimula akong maglakad pero naramdaman ko naman naman ang mga matang nagmamatyag sa akin. Bakit ngayon pa?


Nakita ko ang anino nitong nasa likod ng puno. Tinignan ako nito ngunit bigla na lang itong umalis para bang nagpapahiwatig na sundan ko ito.


Alam kong kaya ko pang pamanhidin ang sakit ng katawan ko kaya sinundan ko. Natagpuan ko ang sarili ko sa isang abandunadong gusali. Mayroon pa lang ganitong lugar sa Academia. Inilibot ko ang aking paningin nagbabakasakaling makita ko kung sino ang sumusunod sa akin.


“Sino ka? Bakit mo ako sinusundan?”


Nakarinig ako ng malademonyong tawa.


“Bakit mo hinayaan na saktan ka nila?” Tumawa ulit ang pamilyar na boses.


“Balita ko pa ay nagawa mong pantayan si Blythe sa inyong pag-eensayo.”


“Lumabas ka at harapin ako.” Tumawa ito ulit at ipinakita ang sarili. Siya?


“Ikaw yung sa Cafeteria diba?” Yung sinabi nilang Alexander Waiola.


“Ako nga.”


“Ano na naman ba ang kailangan mo?”


“Simple lang, kailangan kong makaganti sa First Triad at ang pinakamadaling paraan na iyon ay ikaw.”


“Paano naman naging ako.”


“Masasaktan sila kapag nasaktan ka.”


“At sa tingin ko ay hindi mo kayang lumaban dahil sa kalagayan mo.”


“Kaya kitang labana-.” Napatigil ako sa pagsasalita ng may humarang na namang kamay sa bibig ko.


Nakatayo si Blythe sa gilid ko. Bakit ngayon ka lang?


“Sabi ko na nga ba. Ikaw ang sumusunod sa kaniya.” Sabi ni Blythe. So may hinala na siya. Wait, paano niya nalaman na may sumusunod sa akin?


“Tsk. Panira.”


“Hindi ba sinabi ko na kung may problema ka sa amin kami ang harapin mo.”


“Pakialam ko naman sa iyo. Ang mahalaga ay makakaganti na ako sa inyo, isa o dalawa man kayo.” Bumilib ako kay Blythe dahil kalmado pa rin siya sa ganitong sitwasyon.


Sumipol yung Alexander kaya naglabasan ang lima pang lalaki.


Tinignan ako ni Blythe at itinago sa likod niya.


“Sandali, tutulong ako sayo.” Sabi ko kay Blythe ngunit sinamaan niya lang ako ng tingin.


“Nakikita mo ba ang sarili mo? Ano na naman ba ginawa mo?” Naiirita nitong sinabi sa akin.


Sumugod ng sabay sabay ang mga lalaki kasama si Alexander.


Hinanda na din ni Blythe ang sarili saka sumugod. Mukhang lalaban sila ng hindi gumagamit ng kapangyarihan. May tiwala naman ako kay Blythe dahil nakita ko na ang kakayahan niya.


Habang nakikipaglaban si Blythe ay napaluhod ako sa sakit na naramdaman. Alam kong nawala na ang bisa ng pamamanhid ng aking katawan. Dahil sa nangyari ay naibaling ni Blythe ang kaniyang paningin sa akin kaya nagkaroon ng pagkakataon ang kalaban na patamaan siya.


Nakabawi naman siya kaagad kaya napatumba niya ang limang lalaki na kasama ni Alexander.


Ngunit nawala sa paningin ko si Alexander. Inilibot ko ang aking paningin ngunit hindi ko ito makita.


Kahit nanghihina ay pinilit kong lumapit kay Blythe muntik pa akong matumba pero nahawakan ako kaagad ni Blythe.


“Thank you.” Sabi ko dito.


“Damn. Look at yourself.” Nakikita ko ang galit sa mukha niya.


“Sino ang gumawa nito sayo?”


“Hindi ko kilala pero hindi na yun importante diba?”


“When it comes to you, it’s freaking important.” Namula dahil bigla niya akong niyakap. Bakit parang iba ang kinikilos niya ngayon?


“Can I have my first wish now?” Tanong niya habang nakayakap pa rin sa akin.


“Ano yun?”


“Please do not put yourself in danger and let me do the part of protecting you.”


Kahit hindi ko maipaliwanang ang aking nararamdaman ay tumango ako sa kaniya.


“Thank you.” Sabi nito pero nagulat ako ng mabilis niya kaming pinagpalit ng pwesto.


Doon ko lang nakita si Alexander na mabilis na tumatakbo palayo.


“See, I told you I will protect yo-.” Naputol ang sasabihin ni Blythe ng bumigat siya sa pagkakayap sa akin.


“Blythe, Blythe!” Nakaramdam ako ng mainit na likido sa akin kamay.


May itinapon na patalim si Alexander. Ako dapat ang tatamaan ngunit pinagpalit niya ang aming pwesto para hindi ako masaktan.


Malakas akong humingi ng tulong ngunit pati ang aking pakiramdam ay bumibigat na rin kinalaunan ay naramdaman ko rin ang katawan kong bumibigat. Bago mo ginagawa sa akin to?


Bakit mo pinaparamdam sa akin na dapat protektahan ang isang kagaya kong manloloko?

______________________________________

Sanaol may taga-protect ksksksksksk

Enjoy reading!

Lovelots 💛










Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now