Chapter 37

2K 124 5
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


“Nasanay ka na ba sa mga party?” Napabalik ako mula sa pagkakatulala dahil sa tanong ni Dahlia.


“Hindi pa nga eh, lalo na sa mga sinasabi ng tao kung bakit ko kayo laging kasama maging sa mga pagdiriwang.”


“Ano ka ba Lina, huwag mong pansinin ang sinasabi nila. Kaibigan ka namin kaya gusto namin na kasama ka.” Nginitian ko si Auria.


“Lina, ayos ka lang ba?” Napalingon ako kay Misty dahil sa tanong niya.


“Oo naman, bakit?” Pilit kong tinago ang lungkot sa aking boses.


“Napapansin ko kasi na hindi kayo nagkikibuan ni Blythe, mas nakakapanibago kasi kapag hindi ko kayo nakikita na laging magkasama.”


Simula ng sagutan namin kagabi ay hindi na kami nagpansinan hanggang sa matapos ang party. Akala ko kinabukasan ay ayos na ngunit tapos na kami lahat-lahat at tutungo na sa kanilang kaharian ay hindi niya pa rin ako pinapansin. Alam ko rin naman sa sarili ko kung bakit kasi sinabi ko sa kaniya na kausapin niya na ako kapag mayroon na siyang tiwala at sa nakikita ko ay wala pa.


“Oo nga Lina, mas hindi na kami sanay kapag hindi namin nakikita si Blythe na clingy sayo.”


“Sinubukan ko siyang kausapain pero tango lang ang laging nakukuha kong sagot kaya hindi ko na ulit sinubukan.”


“Hayaan mo na yang pinsan ko Lina, baka may sumpong kasi birthday niya bukas.”  Napa-isip ako. Sana nga may sumpong lang Misty.


“Lina umabot na yung mga itim na marka sa balikat mo, totoo bang ayos ka lang, wala ka ba talagang nararamdaman?” Napatingin ako sa balikat ko. Kitang-kita iyon dahil naka sleeveless lang ako. Umakyat ang itim na marka hanggang sa aking balikat matapos ang pagsira ko sa pulseras ni Kuya Llyr kaya napagtanto ko na umpisa pa lamang ay plano na ito ni Zenon dahil alam niya ng mangyayari na hindi ko siya susundin sa kaniyang mga kagustuhan.


“Huwag kayong mag-alala, ayos lang talaga ako.”


“Pero Lina, masama ang kutob ko riyan, hindi ito biro, sigurado akong may idudulot itong masama sayo kinalaunan.” Napa-isip ako sa sinabi ni Auria. Ano kaya ang binabalak ni Zenon? Kailangan ay maunahan ko siya. Desidido na akong durugin siya matapos na malaman ko ang pagpatay niya kila nanay.


“Nga pala Lina, ano bang pinag-awayan niyo ni Blythe?” Hinampas ni Auria si Dahlia dahil sa kaniyang tanong.


“Huwag kang tsismosa.” Sabi pa nito.


“Nakita niya kaming magkayakap ni Kuya Llyr pero na-misunderstood niya.”


Dumating ang araw ng kaarawan ni Blythe ngunit hindi niya pa rin ako pinapansin. Nandito na kami ngayon sa kaharian nila Blythe, mabuti na lang at wala ng magarbong handaan dahil ayaw daw ni Blythe. Gusto man ng pamilya nito ngunit hindi siya pumayag kaya salo-salo na lang ng pamilya at kaibigan.


“Happy birthday Blythe.” Maligaya ang bati sa kaniya ng mga kaibigan pero halata pa rin sa kaniyang mukha ang pagkawalang emosyon ng mga ito.


“Salamat po sa pagpapatuloy sa amin Your highness.” Nakipagkamay si Maxwell sa ama ni Blythe.


“Oh please, matagal na kayong kaibigan ni Blythe kaya Uncle at Auntie na lang ang itawag niyo sa amin and I’m sorry dahil wala kami sa Engagement Party niyo noong nakaraan.”


“Oo nga naman forget the formalities but still congratulations by the way, what’s your name again?” Bigla akong kinabahan dahil napabaling sa akin ang atensiyon ng reyna, tinignan ko pa ang likod ko nagbabakasakali ng yun ang tinawag pero wala.


“Lina Adina, your highness.”


“Silly girl, I said drop the formalities, I’m sorry I startled you. It’s just that I loved how brave you are back at the Annual Ball.”


“Thank you, a-auntie?” Tinawanan ako nila Misty dahil hindi ako sigurado sa isasagot ko. Naputol ang aming pag-uusap dahil tumikhim si Blythe.


Ace Blythecrelle Ignatius


Ang balak ko sana ay huwag siyang pansinin hanggang sa sumapit ang aking kaarawan dahil gusto ko siyang surpresahin, at iyon ay ipapakilala ko na siya ang aking kasintahan sa lahat ngunit parati ko pa ring nakikita na nag-uusap sila ni Llyr at ang iba pa ay palihim kaya hindi ko na alam ang iisipin ko.


Kaya nawalan ako ng gana na magkaroon ng magarbong celebrasyon. Kaya kahit anong pilit sa akin ng aking mga magulang ay hindi ako pumayag.


“Thank you, a-auntie?”


Tumikhim ako para maputol ang kanilang pag-uusap.


“The food is getting cold, we need to eat.”


“Demanding ang birthday boy.” Tinawanan lang nila ang sinabi ni Misty.


Umupo ako sa tapat ni Lina. Ito na siguro ang pagkakataon para magka-ayos kami, ilang araw ang pinalipas ko hindi dapat ang nagpadalos-dalos at tinanong siya.


“Blythe, I think you should know your fate right now.” Nakuha ng aking ina ang aking atensiyon.


“What fate are you talking about?” Tanong ko sa kaniya.


“Do you have any romantic relationship right know?” Nakarinig kami ng ingay nang nalaglag na kubyertos.


“Sorry, it slipped.” Mahinang sabi ni Lina.


“Well Blythe, I did ask you a question?” Napabalik ang aking atensiyon sa aking mga magulang.


“Yes.” Sagot ko.


“Better stop it then.”


Napahampas ako sa lamesa dahil sa sinabi ng aking ama. Tinignan ko ang reaksiyon ni Lina, nakita kong yumuko ito at hinawakan ng mahigpit ang tinidor.


“Why should I stop it?!” Iritado kong tanong.


“Don’t raise your tone on us, young man.”


“Really? Tell me why should I not raise my voice when you decided to tell me that I should stop any romantic relationship that I have on a situation like this, on my day?”


“As far as I remember, we told you that you shouldn’t have any romantic relationship while you are in the Academia.” Natahimik ako dahil alam ko sa sarili ko na meron nga silang sinabi.


“Why?! Why I should not?!” Napakamot ako sa aking ulo dahil sa inis.


“We hid it from you. It’s a prophecy.”


“What prophecy?”


“Well, you have a special relationship with Princess Leilina. You are destined to be with each other, that’s why you shouldn’t have any relationship aside from the Princess.”


“What if I will not follow that nonsense prophecy?”


“One of you will have to die.” That’s it! I’m losing my mind here.


“Where did you get that prophecy?!” Tanong ko.


“While the war was happening years ago, a golden scroll was brought by an unknown Oracle, both in the palace of Lusitania and Ignatius. It was stated that-


“Love will bloom between them;

Unconditionally.

No matter how high is the mountain

Or deep as the ocean,

Fate will find them together;

And bind them forever.”


Pagkatapos ng mga sinabi ng aking ina ay kaagad na hinanap ng aking mga mata si Lina pero wala na siya sa aking harapan.

______________________________________

Our Blythe can't have a romantic relationship aside from the Princess but Lina is the Princess 🤔🤯

Enjoy reading!

Lovelots 💛

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now