Chapter 20

2.4K 146 3
                                    


Dahlia Nerissa Arden


“Dahlia tignan mo ang dumi mo talaga kumain.” Natatawang sabi sa akin ni Skye.


“Pakialam mo naman, hindi naman kita pinapakialaman.” Sambat ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.


“Guys nakita niyo bang bumalik sila Lina at Blythe kagabi?” Narinig kong tanong ni Misty sa amin habang kumakain.


“Hanggang ngayon wala pa rin sila.”


“Hindi kaya merong ganap sa kanila?” Sabi ng kakambal ko.


Tinignan ko si Maxwell kung ano ang magiging reaksiyon niya pero parang wala lamang ito sa kaniya. Sa pagkakaalam ko kasi ay may gusto ito kay Lina.


“Kaya nga, nagsimula kaya nung naging partner na sila?”


“Ayos na rin yun, tignan niyo nabawasan ang pagiging masungit at cold ni Blythe.”


Pagkatapos ay tumayo si Maxwell dire-diretsong umakyat sa taas. Tatawagin ko sana siya pero narinig kong tinawag ni Skye ang aking pangalan.


“Dahlia samahan mo ako mamaya.”


At tuluyan ng nawala sa paningin ko si Maxwell.


Mas nauna akong lumabas ng building namin para makausap si Maxwell. Ilang beses akong humanap ng tiyempo para makausap si Maxwell pero kahit anong gawin ko ay hindi ko ito maka-usap.


Ngunit nakapanig ata sa akin ang tadhana dahil sa pagkakataon na iyon ay nakita ko itong nakaupo sa bench sa training grounds.


“Maxwell, ayos ka lang ba?” Tanong ko sa kaniya kaya napa-angat siya ng tingin sa akin.


“Yes.” Ano ba yan? Para namang napasa sa kaniya ang kasungitan ni Blythe.


“Bakit pala bigla ka na lang nawala kanina, siguro ay affected ka sa nangyayari kila Lina at Blythe no?” Pinilit kong pasiglahin ang boses ko.


“No, I’m not affected to them.”


“Weh, diba nga may gusto ka kay Lina.” Pang-aasar ko sa kaniya. Nagulat na lang ako ng tumayo ito at dahan dahan na lumapit sa akin.


“When did I said that I like her?” Patuloy pa rin ang kaniyang paglapit kaya napapaatras ako.


“Kasi- kasi akala ko may gusto ko sa kaniya, lagi kang nag-aalala para kay Lina.”


Gustong gusto ko si Lina na kasama pero minsan ay hindi ko mapigilan na umasa na sana ay ako na lang siya dahil laging nag-aalala si Maxwell para sa kaniya.


“I care for her dahil bago pa lang siya pero that doesn’t mean that I like her.”


Tuluyan akong napahinto sa pag-atras dahil hinawakan niya ang beywang ko.


“Want to know why I’m not in the mood earlier?” Alam kong madaldal ako pero nung mga oras na iyon ay wala akong masabi ni isa.


“Stay away from Skye.” Pagkatapos ng sinabi niya ay tinagal na niya ang pagkakahawak sa akin at umalis na.


Napaisip naman ako sa huling sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin?


Leilina Lucerne Lusitania


Paggising ko ay natagpuan ko ang sarili kong nakadantay kay Blythe. Tinignan ko ang mukha nito, mas mukha itong maamo kapag natutulog, unti-unti kong nilapit ang kamay ko upang tusukin ang kaniyang pisngi pero nagulat ako ng bigla itong dumilat kaya napalayo ako sa kaniya.

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now