Chapter 9

2.5K 134 0
                                    



Leilina Lucerne Lusitania


Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Blythe sa garden ay nagmadali akong umalis.


Lagot na, Blythe has sharp sense and eyes. Ang sabi sakin ni Zenon ay hindi nila mararamdaman ang masamang kapangyarihan ng pulseras pero bakit si Blythe ay naramdaman niya?


Kailangan kong mag-ingat lalo na sa kaniya.


Pero posible kaya akong humingi ng tulong sa kaniya? Papaano ako hihingi ng tulong sa kaniya kung sa simula pa lang ay masama na ang tingin niya sa akin?


Totoo naman. Isa akong manggagamit. Manloloko.


“Sino siya?”


“Who’s that?”


“Bakit naiiba ang suot niya sa atin?”


“Is she a transferee?”


“In fairness, she’s pretty.”


“Yes, her look is like a goddess.”


Samut-sari pang mga tanong ang aking narinig. Hay bakit hindi na lang din ako nagdisguise katulad ng mga nababasa ko sa mga libro?
Hindi ko man lang napansin na madami na ang estudyante na nagkalat sa Academia. Tutal malapit naman ng magsimula ang klase.


Pero kung papansinin ay iba nga ang kanilang kasuotan kumpara sa akin. Mas mukhang normal at pangkaraniwan lamang ang mga suot nila.


Oo nga. Napansin ko din kanina. Magkalapit ang kasuotan namin ni Blythe pero ang pinagkaiba ay kulay pula ang linings sa kaniya.


Ano naman kaya ang balak sa akin ng walang hiya kong Cabinet. Naku po mukhang hindi ko ito magugustuhan.


“Our Dear Lusitanians, please gather in the Central Hall of the Academia. Thank you.”


“Mga mahal naming Lusitanians, magtungo po tayo sa Central Hall ng Academia. Maraming Salamat.” Yun lamang ang sinabi ng boses bago ito naglaho.


Central Hall? Ano kaya ang gagawin?


“Oh my! Malalaman na natin kung sino mga kaklase natin this school year. Ano na kaya level natin?”


“Kaya nga sana naman mapabilang ako sa Royals kahit alalay lang.”


“Sira ka ba? Kailan man ay wala pang napabilang sa Royals dahil walang nakakahigit sa kanila sa loob ng Academia maging sa ibang paaralan sa labas ng Lusitania.”


“Sabagay.” Sabay na lang silang napabuntong hininga.


Kaya pala. Sa Central Hall malalaman kung saang section ka mapapabilang.


Royals. Siguradong sila Blythe ang tinutukoy nila.
Speaking of Royals nakikita ko silang papalapit sa akin. Si Dahlia na tumatakbo at dinamba ako.


“Mag-iingat ka naman Dahlia.” Saway sa kaniya ng kapatid niyang si Pierre.


“Ayos ka lang ba Lina?” Tanong ni Maxwell, tinanguan ko lang siya.


“Kamusta ang unang araw ng paggising dito sa Academia Lina?” Tanong naman ni Misty.


“Ayos lang naman.” Nalukot ang mukha nito. Kaya si Skye naman ang nagsalita.


“Hay ano pa bang aasahan mo kay Lina Misty?” May mali ba akong sinabi?


“Hayaan mo na sila Lina.” Kibit-balikat ni Auria.

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now