|1|

483 10 0
                                    

#1 in Wattpad Tagalog rankings
11.12.2020 - 11.15.2020

Ipinatawag ng Dean si Micaela upang ipaalam dito na valid na lamang for this semester ang kanyang scholarship. Sumakabilang buhay na kasi ang sponsor niya.

"Eh, Dean wala na po bang opening yung ibang sponsors? Baka naman kaya pang isingit kahit isa lang... sa Academic office po...sa office of the President? Isang taon na lang naman ako sa university."

"Micaela, hija before I called you into my office, I have checked the possibilities of extending your scholarship pero lahat puno na at marami pa ang nakapilang applications.... I have also talked to some of our sponsors pero lahat sila they politely turned down."

"Paano po kaya yun Dean?"

"As of now, I am still trying to look for options. Bakit hindi mo na lang kausapin ang daddy mo? I can help you with him."

"Naku Dean, huwag na huwag niyo pong gagawin yan. Ayoko po ma-identify sa kaniya."

But why? He is your father after all. Responsibilidad niya ang bigyan ka ng magandang kinabukasan."

"Dean, with all due respect... mula po nang iwanan niya kami ng nanay ko para sa pangarap niya sa pulitika at piliin niya yung asawa niya ngayon itinuring ko na rin pong wala na siya. Nang mamatay ang Nanay ko ipinangako kong makakapagtapos ako sa sarili kong pagsisikap kaya sobrang tuwa ko nang mapili ako ng isa sa mga sponsors dahil kahit paano gumaan ang buhay ko. Kahit paano nakapag-focus ako sa studies ko."

"Naiintindihan kita hija, hayaan mo there is still a lot of time. I will check on the job postings na ipinapadala sa akin maybe we can do something about it."

"Maghahanap din po ako ng options. Salamat Dean."

Lumabas ng Dean's office si Micaela dala ang pag-asang malalampasan niya ang kasalukuyang sitwasyon. Kung hindi lang sana namatay ang kanyang ina hindi na sana niya iisipin ang kalagayan ngayon.

Don't Fall In Love with the DreamerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora