|8|

108 5 0
                                    

Micaela

Ala singko impunto medyo madilim pa noon ay nasa harapan na ng gate ang isang Mazda SUV na pula.

"Magandang umaga po nariyan po ba si Miss Micaela Alano?" Si Mang Eddie.

"Nasa loob, tatawagin ko." Sabi ni Manang Cora, ang caretaker ng dorm. Tumalikod ito at pumasok sa loob. Bumalik ito at nagtanong "Eh, teka...sino po ba kayo?"

"Pakibanggit po sa ZAS. si Eddie" sagot ng matandang lalaki.

Isang malaking bungalow type ang dormitory na tinitirhan namin ni Meg. Mga nasa sampu kami nagdo-dorm doon. Puro babae mula sa iba't-ibang university. Kanya-kanya ding raket. Kanya-kanyang buhay. Si Manang Cora ang nagsisilbing nanay-nanayan namin. Kumatok ito sa kuwarto.

"Mica..." iyon ang tawag niya sa akin. "May naghahanap sa iyo. Eddie daw."

Lumabas ako at pinuntahan ito mga nasa fifties na din siguro di pa nang ganoon katanda.

"Good morning po." Bungad ko.

"Ay iha, magandang umaga ikaw ba si Micaela? ako si Eddie drayber ni Zian."

"Ay sandali lang po kukunin ko lang ang gamit ko." Nagpaalam ako kay Meg na noon ay kakaligo lang may klase kasi siya kapag Sabado.

Sa kotse, tahimik lang ako nang biglang nagsalita si Mang Eddie.

"Kaganda mo iha. Wala ka bang balak mag artista? tanong nito.

"Ho? Naku wala po. Magtatapos po muna ako nang pag-aaral. sagot ko.

"Aba'y ganoon ba? Ikaw ba ay may boypren na?"

"Wala pa po."

Zian

Nagising akong katabi si Charina sa kama. Tiningnan ko ang telepono ko 5:45 ng umaga. Tumayo ako upang maligo. Mayroon akong meeting ngayong umaga sa isang Medical Group for an endorsement. Naalala ko si Micaela ngayon ko nga pala pinapapasok ito.

Tumunog ang bell sa pintuan. Marahil siya na ito. I opened the door and saw Micaela.

"Good morning sir... Z-Zian." Nakangiti ito. Lutang ang ganda kahit sa suot na puting t-shirt at dark na maong pants lang at tribal sandals.

"Come in. May dala ka bang extrang damit? You can't come with me in that plain white shirt..."

"W-wala ka namang sinabing ootd." sagot nito.

"Anong OOTD?" tanong ko.

"Outfit of the Day. Saan po ba ang punta natin?"

"May meeting ako ng 10am para sa isang endorsement..." Napansin kong nakatayo pa rin siya sa may pintuan.

"Pumasok ka Micaela or are you planning to stand there the whole day?"

"Oh, sorry." sagot nito habang hawak ang magkabilang strap ng backpack na dala.

"You see that room on the far left. That will be your room." sabi ko sa kanya.

"Akin? as in kuwarto ko?"

"Yes. you heard it right that is your room. Ibibigay ko din sa iyo ang access code ng main door. As my personal assistant I need to be in contact with you as much as possible." Paliwanag ko sa kanya.

"Hindi pa ba na explain ni Marinel? Ah, hindi nga pala kayo magkita kahapon after we talked. Dalhin mo na ang gamit mo sa kuwarto."

Hindi ito umimik.

Don't Fall In Love with the DreamerWhere stories live. Discover now