|4|

152 5 0
                                    

Maagang nagising si Micaela 9AM ang call time niya for interview sa ZAS Productions para sa posisyong inaplayan.

"Mabuti na lang wala akong klase today. At least hindi ako magmamadali. I have all the time I need." Sabi nito kay Meg habang nagsusuklay ng buhok.

"Good luck sa interview. Text mo ako pag kailangan mo ng back-up." sagot nito na nakahiga pa sa kama.

"Sana mabait ang magiging boss ko. I have a feeling na akin ang trabahong ito."

Mabuti na lang at settled na ng sponsor niya ang buong semester niya sa university plus nai-credit na rin sa savings account niya ang allowance niya for the remaining of the semester.

Sakay ng taxi nagpahatid siya ZAS Productions.

"Alam niyo po ba ito Kuya?" Ipinakita ni Micaela ang addres sa driver.

"Ah, yes mam. Malapit lang yan."

Inihatid siya ng driver sa isang 15 storey building sa Makati.

"Sa ZAS Productions po." Sabi ni Micaela sa receptionist."

"Sa 14th floor ma'am." Inabot nito ang visitor's pass.

"Mukhang hindi mo naman kailangan ng trabaho. Kutis mayaman ka bes..." bati kay Micaela ng isang bading na nakasabay niya sa reception ng building. "Artistahin ka." nang malaman nitong for interview siya. Tinawagan din ito para sa posisyon ng wardrobe assistant.

"Salamat. Maganda lang ang genes." sagot niya.

"Ako nga pala si Rica, certified bading, x-men." pakilala nito.

"Micaela. Nice meeting you."

Pag dating nila sa 14th floor sinalubong sila ng isang bading na kaibigan pala ni Rica. Mapapansin mong puro larawan ni Zian ang nakadisplay sa isang side ng wall at sa kabila naman ay ang shelf na kung saan naka display ang mga awards nito.

"Baklaaa!" Bumeso ito kay Rica. "Halika dun ang interview mo kay Mother Vi...da who?" tanong sa kanya nito ngunit hindi na niya nasagot dahil lumabas si Marinel.

"Hi are you Micaela?" tanong nito.

Tumango si Micaela sabay sagot ng "yes ma'am."

"Come follow me."

Dinig na dinig ni Micaela ang sinabi ng kasama ni Rica.

"Naku isa na namang PA na paiiyakin ni Zian. Good luck..."

Pumasok sila sa opisina ni Marinel.

Don't Fall In Love with the DreamerWhere stories live. Discover now