|9|

98 4 0
                                    

Micaela

Pumasok ako sa kuwarto na itinuro si Zian. Maganda ito. Five Star Hotel type ang kuwarto. Ang pinto may code. Sa likod ng pinto may instructions kung paano papalitan ito. May sariling banyo. Walk-in closet na maliit at naka aircon. Hindi ako makapaniwalang magiging kuwarto ko ito for a time pero alam ko mas madalas naman ako sa labas. Ang kama queen size. Naalala ko yung double deck namin ni Meg sa dorm. Siya sa taas, ako sa baba pero sa tingin ko pahingahan ko lang ito habang naka duty kay Zian.

Inilabas ko ang dala kong mga damit at inilatag sa kama. Isang blouse na satin pink, sleeveless the usual stuff na nasa bag ko kapag kailangan ng official look. Shorts na maong at isang ballet flats na silver. I decided to change my white shirt. Matapos ay lumabas ako ng kuwarto.

Nakita ko sa sala ang isang babae agad kong namukhaan ito dahil sa malaking billboard na nakikita ko sa Edsa. Si Charina Levila.

" Zian, honey what do you want to eat?" sigaw nito. Hindi sumagot si Zian. Napatingin siya sa akin. From head to foot.

"Oh, who are you?!" Looking surprised. Binawi niya naman ulit. "Ah, I know...you are the new personal assistant. Pakitimpla nga ako ng kape..." utos nito. Siya namang paglabas ni Zian.

He is wearing a white collared shirt paired with dark jeans.

"Huwag mong utusan si Micaela. Go make your own coffee." saka ako tiningnan.

"Honey?!" sumimangot ito.

"Micaela pakikuha yung mga folder sa mesa ko sa kuwarto and shut down the laptop. We need to bring it." utos nito.

Pumasok ako sa kuwarto nito naiwan sila ni Charina sa labas. Napansin ko agad ang magulong kama at mga damit sa lapag. Halatang may session kagabi. Dumiretso ako sa mesa at inayos ang mga hinihingi ni Zian. Lalabas na sana ako nang marinig ko ito. Napatigil ako sandali.

"Yes. I plan to let her stay here. Ipapahatid sumdo ko siya kay Mang Eddie sa university kapag may pasok siya."

Ano?! dito ako titira? aaminin ko magkahalong excitement at kaba ag naramdaman ko.

"Very privileged." sagot ni Charina. Hatid sundo..." as she stirred her coffee and stared at me paglabas ko.

"Okay na lahat Sir...Z-Zian." sabi ko.

"Very well we leave in fifteen minutes. Check your things baka may makalimutan ka." Matapos ay kinuha nito amg telepono at tinawagan si Mang Eddie.

"Well darling, you need to move... si Mang Eddie na ang maghahatid sa iyo." sabi nito kay Charina.

"Whaat?!" tutol nito.

"We have talked about this. I have a meeting. It's either you go with Mang Eddie or you take a cab. I'll just call you."

Kinuha ko ang backpack at saka lumabas ulit. Nakita ko si Mang Eddie dala ang gamit ni Charina palabas kasunod ito. Hinalikan nito si Zian. Matapos ay sinulyapan ako. Aba, daig pa ang sawa pag makapulupot.

Ganun lang yun after a night ipapahatid ka na lang sa driver. Girlfriend niya si Charina di ba?

"Let's go Micaela."

Don't Fall In Love with the DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon