|39|

82 4 0
                                    

"Hello Mics! sasabay ka ba sa amin ni Meg?" punta kami ng university ngayon mag-aayos ng documents." Si Ryan.

"Hi Ryan. Hindi eh. Kita na lang tayo doon. Hahatid ako ng driver ni Zian."

"Oh, okay. Sige see you. Ingat."

"Who was that?" si Zian.

"Si Ryan."

"Why is he calling you?" may tunog ng selos sa boses nito.

"Nagtatanong lang kung sasabay ako sa kanila ni Meg papunta sa uni..."

"And?"

"I said magkita na lang kami doon."

"You're seeing him?"

"Sino? si Ryan? Oo naman magkikita kami sa school." Napansin ito ni Micaela.

"O yung ilong mo...kaibigan ko yun."

"Text me when you are done."

"Sure." Micaela planted a soft kiss on Zian's lips.

"Bossy! yayain ka pa sana namin ni Ryan na mag mall." sabi Meg kay Micaela.

"Hindi naman. Gusto lang ni Zian malaman kung tapos na ako. Alam mo na." Paliwanag ni Micaela habang naglalakad sa hallway.

"Ito nga pala o." Sabay abot ng isang envelope kay Meg.

"Ano ito?"

"Para sa'yo yan dagdag mo sa tf mo."

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Wala naman akong gaanong ginagastos."

Sinalubong sila ni Ryan.

"Guys, tapos na 'ko okay na kayo? tara na.

"Wait...sabihan ko lang si Mang Eddie na umuwi na para hindi na ako hintayin."

"Hello, Mang Eddie kay Ryan na po muna ako sasabay... opo...magtetext din ako kay Zian."

"Bantay sarado... hirap din nang may jowa 'no? tapos sikat pa." sabi Meg.

Siniko ito ni Micaela. "Ano ka ba? mamaya marinig ka ni Ryan..."

"Hep ano yun ha sali ako dyan..." Nauuna kasi itong lumakad sa kanila at napilitang huminto nang marinig na nagbubulungan ang dalawang babae.

Nag-ring ang telepono ni Micaela. Si Zian.

"Pinauwi mo si Mang Eddie because you are going out with Meg and that Ryan?"

"Ngayon lang kasi kami ulit nagkita. Ihahatid na lang nila ako..."

Zian hanged up. Nagkibit balikat si Micaela.

"Hinahanap ka na?" tanong ni Meg.

"So you were saying?" tanong ni Ryan ng makatawid kami sa parking lot papunta sa kotse niya.

"Don't cry baby ha." biro ni Meg kay Ryan ng sumakay ito sa unahan ng kotse. Si Micaela sa likod.

"Ano ba kasi yun?" Si Ryan habang ini-start ang kotse. Tahimik lang si Micaela.

"Sasabihin ko na ba?" tanong ni Meg.

"Ano ba kasi yun?" si Ryan.

Si Zian Sandoval confirmed. May jowa na."

"O eh ano naman ang pakialam natin dun?"

"Ryan... si Micaela may jowa na din..."

Natawa si Micaela. Madali namang nakuha ni Ryan ang punto ni Meg. Itinabi ni Ryan ang kotse.

"What?! boyfriend mo na si Zian Sandoval?" Lumingon ito kay Micaela.

Tumango si Micaela.

"Mics! ang sakit-sakit..." Sinapo nito ang dibdib.

Natawa si Meg at Micaela.

"Pero okay lang ang tumalo naman sa akin ay lamang lang ng dalawang paligo. Tara na nga..."Pinaandar nito ang sasakyan. "Kaya pala... may katotohanan din yung mga nasa dyaryo ha."

Don't Fall In Love with the DreamerWhere stories live. Discover now