|37|

83 5 0
                                    

"Whaat?!"

Sigaw ni Meg nang dalawin ko sa dorm. Kararating lang niya galing sa probinsiya. Umuwi siya para bisitahin ang uncle niya na umuwi galing ng Qatar. Two weeks itong namalagi doon.

"Pucha naman kasing probinsiya yun ang hina ng signal. Kailangan ko pang umakyat ng bundok para makakuha ng signal."

"So kayo na?! bumigay ka na? wow! ang bestfriend ko may jowa na! Mga kaibigan! friends...family, ladies and gentlemen si Zian Sandoval...ay mali! si Micaela Alano taken na!"

"Sssh! Huwag kang maingay. Mamaya may makarinig sa'yo akalain nasisiraan ka na ng bait...basta yun. Ganun..."

"O eh ano naman ang ganap sa tatay mo? Mabuti naman at okay na kayo. Saan ka titira niyan ngayon? Sa mga Alano o tuloy pa rin ang trabaho mo kay Zian?"

"Tuloy pa rin ang trabaho ko kay Zian. Ayokong isipin ng tatay ko na nagti-take advantage ako... Eh, teka nga pala...kumusta naman ang uncle mo?" tanong ko habang inilalabas nito ang mga dala-dala. Inabutan ako ng isang bote ng Victoria's Secret.

"Pasalubong." sabi ni Meg. "Ayun binigyan ako ng twenty five kiyaw yun na lang daw ang pwede niya munang itulong sa akin."

"Salamat. Dalian mo na para makaalis na tayo." Nangako kasi akong iti-treat ko siya.

Lumabas na kami ng kuwarto wala noon si Manang Cora.

"Micaela!" bati ng isang dorm mate sikat ka na ha." sabi nito.

"Anak ka pala ni Senator Alano... Eh si Zian Sandoval?

"Ang dami mong tanong." singit ni Meg. "Dyowa niya yun!"

"Huy! ano ka ba?" saway ko kay Meg.

"Ano... boss ko si Zian Sandoval." O sige mauna na kami pakisabi na lang kay Manang Cora dumaan ako."

"Nasaan nga pala si Zian? Mabuti pinayagan kang umalis."

"Sabi ko magkikita tayo. Ayoko namang magpahatid hassle yun. Nahihiya pa rin ako ng very very light."

Don't Fall In Love with the DreamerWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu