|27|

86 5 0
                                    

Last day ng semester nina Micaela, ngayon din ang release ng honors list ng university. Consistent sa listahan si Micaela which is a primary requirement para sa sponsorship. Lumapit dito si Ryan para i-congratulate ito.

"Congrats Mics! iba ka talaga."

"Thanks Ry." Sabay silang lumakad sa hallway ng school. Hindi maiwasang tingnan sila ng ibang estudyante dahil identified na si Micaela mula nang lumabas ang mukha nito sa mga dyaryo kasama si Zian.

"Sikat ka na."

"I hate it. Ayokong ma- identify sa tatay ko. Look at the papers lagi na lang nakakabit ang pangalan ko sa kanya."

"But he is taking it positively. Malay mo, this is the start of your reconciliation."

"Tingin mo?"

"Talk to him if he reaches out."

Sumakay sila sa kotse ni Ryan.

"So anong plano mo today?" tanong ni Ryan.

"Uuwi na. Ala-singko na kasi."

"Kain muna tayo. My treat."

Napaisip sandali si Micaela.

"Sige. Wala namang schedule si Zian. I'm free today.

Nag-text ito kay Zian para magpaalam na kakain lang sandali.

Alas-nuwebe na ng gabi ng makauwi si Micaela. Napasarap ang kuwentuhan nila ni Ryan and eventually dumating din si Meg.

Nadatnan niya si Zian na nakabihis.

"May lakad ka? Wala sa schedule ko."

"Ang haba ng merienda mo inabot na ng dinner."

"Nagpaalam ako."

"We were supposed to have dinner..."

"W-Wala ka namang sinabi..."

"I wanted to surprise you on your last day of the semester."

"M-Matagal din kasi kaming hindi magkikita ni Ryan and we waited for Meg."

"And you let me wait?"

"Look Zian... I'm sorry... okay lang naman kahit hindi mo ako i-treat. You have given me so much. Have I known you wanted to surprise me..."

"Stop it. Magpahinga ka na." Tumalikod ito at pumasok na ng kuwarto. Iniwan si Micaela.

Don't Fall In Love with the DreamerWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu