|14|

98 4 0
                                    

"Maka-react naman yan Charina na yan akala mo naman nakita yung pagmumukha mo doon sa feature ng Standard Tribune." sabi ni Meg sa akin habang nagmemeryenda kami sa canteen ng university.

"Ewan ko ba dun. Alam mo bang nung unang araw na makita niya ako inutusan agad akong magtimpla ng kape niya."

"Ginawa mo naman?"

"Wala namang problema, gagawin ko na sana eh lumabas si Zian, ayun pinigilan siya."

"Haha! I can just imagine her reaction." sabi ni Meg.

"You should have seen the look on her face."

"Pero alam mo malamang nainsecure yun sa'yo kasi naman maganda lang siya dahil sa kapal ng make up niya at sa mga salamat po doktor."

"Ikaw talaga." sabi ko kay Meg.

"Naku totoo naman. Kung mag-aartista ka, walang sinabi sa'yo yang Charinang yan.

"Best friend nga kita."

"Uy, teka maiba ako. Nabasa mo ba yung dyaryo?"

"Hindi. Pinakita lang ni Ms. Marinel yung article kay Zian."

May article din kasi yung tatay mo doon. Parang may plano yatang tumakbong Vice-President sa susunod na eleksiyon."

Hay naku! hayaan mo nga siya. I'm not interested. Tara na baka malate pa tayo sa klase."

Mag-aala singko ng hapon bago matapos ang klase nakatanggap ng text si Micaela galing kay Zian.

"Just in case you might forget Mang Eddie will pick you up."

Nawala sa isip Micaela.Hindi naman kasi ito sanay na may sumusundo sa kanya.

"Noted po."

Hindi na sumagot si Zian.

"Mics! Mics!"

Lumingon si Micaela. "O Ryan? ano balita?"

"Sasama ka ba sa party ni Lanie later?" tanong nito. "Sa akin ka na sumabay. Ako na din maghahatid sa'yo pauwi."

Ngayon nga pala yung party ng isang kaibigan nila na paalis na papuntang America nakapangako si Micaela na pupunta dito.

"Naku, oo nga pala...kaya lang nakalimutan ko magpaalam sa boss ko..."

"M-May trabaho ka na?" tanong ni Ryan habang kasabay niyang naglalakad sa parking lot.

"Oo kailangan. Para sa ekonomiya alam mo na."

"Saan? Malalpit lang ba dito? Anong work? Pwede ka dalawin?" sunod-sunod na tanong ni Ryan.

Natawa si Micaela sa mga tanong nito. Natanaw naman niya si Mang Eddie na naghihintay na sa kanya.

"Andyan na yung driver ng boss ko. Text na lang tayo. Sige... see you."

Si Ryan ay isa sa mga malalapit na kaibigan ni Micaela. Dentistry student ito. Nanliligaw din sa kanya pero alam ni Ryan na hindi priority ni Micaela ang love life kaya kuntento na muna siya sa pagiging kaibigan. Maliban kay Meg isa ito sa mga nakakaalam ng buhay niya at nang tungkol sa tatay niya.

Don't Fall In Love with the DreamerWhere stories live. Discover now